Xia Vigor enjoying COVID-free life in Mindoro; discovers love for pagtatanim

by Rose Garcia
May 13, 2021
Xia Vigor misses work, but she is not exactly missing out a lot as she has enjoying a COVID-free life in Mindoro. She also discovers, “Kapag po kasi ako ang nagtatanim, nabubuhay po ang itinatanim ko. Green thumb daw po ako."
PHOTO/S: @xiabernardo on Instagram

Umuwi muna sa probinsya ang child actress na si Xia Vigor.

Nagdesisyon silang mag-iina na umuwi sa Mindoro nang ma-lift ang enhanced community quarantine sa Manila noong isang taon.

Mula sa paninirahan sa condo, ngayon ay malapit sa farm at dagat si Xia at ang kanyang mga kapatid. Mas marami rin daw silang nagagawa sa probinsiya kahit na may pandemya.

Xia Vigor fishing

Continue reading below ↓

Xia Rigor fish

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Xia sa pamamagitan ng Zoom noong May 6, 2021.

Kuwento ng batang aktres, “Nakaka-miss na nga po kasi, ang tagal na po nating hindi nagsasama. Parang nakakagulat lang po na bigla na lang nangyari na nagkaroon ng COVID 'tapos nagkaroon ng maraming cases. Kaya heto po, sa bahay muna po kami at puro online muna ang mga ginagawa namin.

Continue reading below ↓

“Hindi ko pa po alam kung kailan po ako ulit makakapag-shoot. Sa ngayon po, nasa probinsiya po kami at mas maganda po rito kasi COVID-free at mas nakakapag-enjoy po ako rito. Nakakatuwa rin po kasi, mas meron po akong family time, and I get to spend a lot of time with my family.”

XIA VIGOR ON PROBINSIYA LIFE

COVID-free ang hometown ni Mommy Christy Bernardo, nanay ni Xia, sa Mindoro kaya normal ang takbo ng kanilang buhay roon.

Masayang kuwento ng 11-year-old star, nadiskubre niya na may green thumb pala siya, at marami siyang iba’t-ibang tanim.

Xia Vigor planting

Continue reading below ↓

“Marami na po akong tanim dito sa sarili ko pong garden. Meron na po akong kamatis, sitaw, okra, petchay, sibuyas ,at marami pa po akong itatanim at saka mga tumutubo na sa seedlings.”

Sabi pa ni Xia, “Kapag po kasi ako ang nagtatanim, nabubuhay po ang itinatanim ko. Green thumb daw po ako. Kapag po kasi si Mommy, minsan nabubuhay, pero minsan din po namamatay. Kaya kadalasan, ako po ang pinagtatanim niya.”

At dahil naranasan na nga niyang magtatanim at mag-ani, parang gusto na raw niyang maging isang farmer.

“Parang gusto ko pong maging career ang isang farmer kasi, ngayon ko po na-appreciate at mas nalaman ko kung gaanong hard work ang ginagawa nila para magkaroon tayo ng kanin.

“Kapag nasa Manila po kami, meron po kaming kanin. Iniisip ko, parang normal lang na may kanin kami, pero grabe po pala iyong hard work ng mga farmers para magkaroon ng kanin iyong mga tao. It’s like they feed the world po, and I want to feed the world din po.”

Continue reading below ↓

Xia Vigor

Malapit din daw sila sa dagat kaya bukod sa pagtatanim, madalas din silang nakakapag-swimming at nakakapaglaro ng kapatid niya sa dagat.

“Marami po kaming na-e-experience, nakakapag-fishing din po kami kaya minsan po iyong kinakain namin, iyong nahuhuli po namin.

"'Tapos po, sa vegetables naman po, masarap po kasi, organic po talaga.

Continue reading below ↓

“Nakakapag-bike rin po kami ng kapatid ko. Minsan may time rin po kaming mag-volleyball. Minsan po, sumasakay ako sa kalabaw. Iyong mga hindi po talaga namin nae-experience sa Manila.”

Xia Vigor biking

Madalas din naman silang nakakauwi at nakakadalaw sa Mindoro noon, pero kadalasan ay pinakamatagal na raw ang isa o dalawang linggo na stay nila.

Continue reading below ↓

Ayon pa kay Xia, “Dati po kasi, kapag nandito kami, araw-araw po may nagpupunta, may nagpapa-picture. Kasi po, minsan one to two weeks lang po kami nag-i-stay. Pinakamahaba na po ang one month.

“Siguro po ngayon, mas nasanay na po sa akin ang mga tao rito kaya less na rin po ang piktyuran, mas nagagawa ko na po ang mga bagay na hindi ko nagagawa dati.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Xia Vigor misses work, but she is not exactly missing out a lot as she has enjoying a COVID-free life in Mindoro. She also discovers, “Kapag po kasi ako ang nagtatanim, nabubuhay po ang itinatanim ko. Green thumb daw po ako."
PHOTO/S: @xiabernardo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results