Lumilikha ng ingay sa TikTok ang 18-anyos na Filipino-Canadian haircutter na si Jamiel Bustos.
Mga milyonaryo kasi sa Canada ang kabilang sa kanyang customers.
Sa kanyang account sa video-sharing platform, si Jamiel ay may 3.2 million followers at 49 million likes.
Kapansin-pansin na sa TikTok entries niya, umaabot sa milyun-milyong likes ang reaction mula sa netizens, lalo na kapag ang ginugupitan ay mga mayayamang customers.
Madalas, iisa ang senaryo ng videos niya.
Makikita si Jamiel na papasok sa residence ng mayamang kliyente—magarbong bahay, magagara at mamahaling kotseng nakaparada sa labas.
Kakatok siya sa pinto at patutuluyin ng mayamang kliyente, at saka gugupitan ang client sa isang parte ng bahay nito.
Achieved ang dalawang pakay ng barbero: Nagupitan na ang kanyang customer, nakagawa pa siya ng content para sa kanyang TikTok account.

Ibinahagi ng binata kung paano nagsimulang pumatok ang kanyang presence sa social media.
Sabi ni Jamiel sa Omni News (Filipino Edition) ng Omni Television sa Canada, “One of my first millionaire clients... and that video hit 10 million views.
“After that video hit 10 million views, I used that video network to get other rich, higher clientele.”
GOING AGAINST HIS PARENTS’ WISHES
Hindi naging madali para kay Jamiel na i-pursue ang kagustuhang maging haircutter.
Aniya, “I’ve been bugging my parents to cut hair since I was in eighth grade. I told them, 'Hey, I wanna cut hair.'”
Hindi raw kasi pabor ang mga ito at ang gusto ay magtapos siya ng pag-aaral.
Katwiran ni Jamiel, “They thought I was crazy. They wanted me to go to school and become a dentist or become a doctor.
“I was like, 'I couldn’t do that. It wasn’t for me.’ But I always loved cutting hair.”
Pero nagbago raw ang ihip ng hangin nang maging laman siya ng balita sa Canada.
“Once I hit the news, [and] on other news pages, and once I was blowing up on TikTok, they saw what potential [I have] and my passion.
“And now they believe in every single step that I have to take to get there.”

STARTED CUTTING AT AGE 14
Alam daw ni Jamiel ang hirap ng pagtatrabaho dahil maaga siyang kumayod.
Pero dahil mahal niya ang paggupit, pinagbubutihan niya ito.
Naging barber siya sa Platinum Hairdesign, isang barbershop sa Toronto.
Ikinagugulat daw ng kanyang mga customer kapag nalalaman nilang siya ay isang teenager lamang noon.
Pero katwiran ni Jamiel, “...Age never really mattered to me.
“It’s always been the hustle. I’ve always worked hard and put dedication to each and every haircut that I cut.”
Maging ngayong pandemic, hindi sinayang ni Jamiel ang kanyang oras.
Gumawa siya ng mga video content na may kinalaman pa rin sa kanyang pagiging barbero.
Ang isa sa mga rginawa niya recently ay nanggupit siya sa gitna ng kalsada sa Downtown Toronto.
Paliwanag niya, “What we wanted to do, we create a buzz, and try to get our names out there.”
Samantala, sa kanyang Instagram, gamit ni Jamiel ang handle name na @jbalwaysfresh.
Ibinahagi niya ang kuwento sa likod ng pangalan niyang ito.
“There’s a Tim Horton’s right across the street of my high school,” pagtukoy niya sa sikat na coffee store sa Canada.
"And I cut hair in the bathroom, to get my name out there, and to get other students to get a haircut form me.
“So, that’s how I get @jbalwaysfresh, same [with’ Tim Horton’s always fresh [tagline].”
Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
