VIRAL: Kalakal boy na nanghihingi ng sirang gitara

by KC Cordero
Nov 5, 2021
Kalakal boy receives new guitar from music store owner
Dahil nagdo-drawing lang ng gitara sa karton ang batang si John Mark Cabasag, naisipan ng may-ari ng music store na kinukuhanan niya ng kalakal na bigyan siya ng tunay na gitara.

Pinasaya ng mag-asawang Marta at Valentin Lim, may-ari ng local music shop sa Tuguegarao City, Cagayan, ang dose anyos na si John Mark Cabasag nang bigyan nila ito ng bagong gitara.

Si John Mark ang kalakal boy na kumukuha ng mga scrap ng mga kahon na pinaglagyan ng kanilang mga paninda.

Kuwento ni Marta, gusto umano ng bata na bumuo ng gitara gamit ang karton.

“Four days na niya akong kinukulit if may sira akong gitara para daw paggagayahan niya.

“Bale noon pa po, lagi nang sinasabi sa akin ng ate niya na kaya niyang gumawa ng replica ng anything. So, nanghihingi siya lagi ng karton sa akin.

"One time, nag-request siya na i-trace ko yung ukulele sa karton para daw gagawa siya ng ukulele made out of box.”

Kalakal boy receives new guitar from music store owner

Continue reading below ↓

Dahil walang sira sa kanilang imbentaryo at gusto rin nilang mapasaya ang bata, nag-decide silang bigyan ito ng bagong gitara.

Ani Marta, “Sabi ko palit kami. Bibigyan ko siya ng gitara, ‘tapos gawan niya ako ng pang-display na gawa sa karton sa studio ko."

Sa post sa kanilang Facebook Page noong October 19, 2021, makikita sa mga larawan na ibinigay na nila kay John Mark ang gitara.

Ang kanilang unedited caption: “Happy yarn!

“Sabi po Kase nya, marunong daw po cya gumawa ng guitar model out of karton.

"Sabi ko Sige nga igawa mo ako pang display ko sa studio. Sabi nya dapat daw May kopyahan.

“So, Ayan. Binigyan ng kopyahan. Meaning yung wood guitar ko papalitan nya ng karton na guitar. Hindi naman ako lugi no?

“Oo. Hindi ako lugi kase sa sobrang saya Lang ng batang yan… panalo na ako!”

Kalakal boy receives new guitar from music store owner

Continue reading below ↓

Tuwang-tuwa umano si John Mark at sinabing mag-aaral itong tumugtog at kumanta.

Ayon kay Marta "Wala namang negosyong hindi umiiyak sa panahon ngayon, eh.

“Pero para sa akin, hindi 'yon sapat na dahilan para huminto tayo na tumulong sa mas nangangailangan."

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dahil nagdo-drawing lang ng gitara sa karton ang batang si John Mark Cabasag, naisipan ng may-ari ng music store na kinukuhanan niya ng kalakal na bigyan siya ng tunay na gitara.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results