PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Life story of Susan Vergara: "May pera sa pagtitinda"

Ang parati niyang dala: sipag, lakas ng loob, dictionary!
by KC Cordero
Published Dec 14, 2021
Susan Vergara picking vegetables, and with her vehicle
Kakaibang determinasyon ang ipinakita ni Susan Vergara na kahit na-scam siya sa kinita mula sa pagiging OFW, nakita niya ang negosyong angkop ang abilidad na taglay niya.

Grade four lang ang naabot sa pag-aaral ni Susan Vergara, 39, tubong Bicol.

Hindi na niya naipagpatuloy ang kanyang edukasyon dahil sa hirap ng buhay.

Pagbabahagi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Six years old po ako nang mamatay ang tatay ko.

“Sa probinsiya naman po namin noon, basta marunong nang bumasa at sumulat, ayos na.”

Gayunpaman, pinaunlad niya ang sariling kaalaman sa pamamagitan ng dictionary.

“Binigyan ako ng isang tita ko ng dictionary. Lagi ko yung dala-dala at binabasa.”

Pagsasaka ang ikinabubuhay nila.

Susan Vergara picking vegetables

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Susan, “Mayroon kaming anim na ektaryang lupa noon. Pero noong panahong iyon, niyog at palay ang tanim namin."

Hindi pa raw maunlad ang pagtatanim at farming noon kaya nang magdalaga siya, inisip ni Susan na sa pangingibang bansa siya uunlad.

Aniya, “Nineteen years old ako, nakaalis ako papuntang Middle East. December 2003 ako naging isang Overseas Filipino worker.”

Nakapanayam ng PEP.ph si Susan nuong December 2, 2021, sa pamamagitan ng Facebook Messenger.

NA-SCAM NANG MAGBALIKBAYAN

Sa kanyang pagiging OFW ay dala-dala pa rin ni Susan ang dictionary bilang gabay.

“Para maintindihan ko po ang mga nakasulat sa English, pinagdudugtung-dugtong ko ang mga salita,” natatawa niyang pagbabahagi.

“Naka-survive ako sa ganoon.”

April 2008 ay nagbalikbayan na siya, “Ang naging plano ko ay magnegosyo na.

"May kaunting ipon mula sa aking kinita. Napakahirap kasi nang magtrabaho sa abroad.”

Ang masaklap nga lang daw, “Walang nangyari sa pinaglaanan ko ng perang pinaghirapan ko sa abroad.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Masakit man pong sabihin, na-scam ako. Naloko po ako. Ubos na ubos po ang perang kinita ko at pinaghirapan nang ilang taon sa ibang bansa.”

Dahil wala na rin siya magagastos para sa pag-a-apply muli sa abroad, lumuwas siya ng Maynila.

“Kahit kasi galing na ako sa abroad, probinsiyana pa rin ako. Hindi ako sanay sa buhay sa Maynila kaya nag-observe muna ako.

“’Tapos tumulong ako sa isang kapamilya ko na may canteen sa pagtitinda ng pagkain.”

Isang bagay ang naobserbahan niya noon. Ani Susan, “May pera sa pagtitinda.

"Naisip ko, kung magkakaroon uli ako ng puhunan, pagtitinda na ang papasukin ko.”

INALAM ANG ORGANIC FARMING, SA DIRECT SELLING NAGTAGUMPAY

Makalipas ang apat na buwan ay nagpasya si Susan na muling subukan ang pagnenegosyo.

“Nag-buy and sell ako,” aniya. “Sa Pasig City na ako noon nakatira. Umaangkat ako ng mga gulay at damit sa Antipolo, at sa Pasig ko ibinibenta.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dalawang taon siya sa ganoong routine. Minsan, nagkaroon siya ng interes na mag-attend ng seminar tungkol sa organic farming.

“Naalala ko po kasi yung lupa namin sa Bicol. Wala pa talagang development yung lupa. Naisip ko lang, baka may matutunan ako sa seminar na iyon.”

Susan Vergara writing

Isa sa mga nakaagaw ng atensyon ni Susan sa dinaluhang seminar ay ang potensyal na maging dealer siya ng organic fertilizer at vitamins ng mga alagang hayop.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Mas malaki kasi ang kita kung ako ang kukuha sa producer 'tapos ida-direct selling ko.

“Kung ako ang kukuha ng order, bibilhin ko nang cash at ibebenta ko sa consumer, nasa 50 percent ang kikitain ko.”

Nakatulong sa kanya ang nakagisnang buhay sa pagsasaka para madaling maunawaan ang operasyon ng papasukin niyang negosyo, at kung ano ang needs ng mga magsasaka sa pagtatanim.

Taong 2012, sinimulan na niya ang direct selling ng organic farm products, kasabay ng pag-attend sa marami pang seminars tungkol sa organic farming.

NAKATULONG ANG E-COMMERCE

Ayon kay Susan ay maganda na ang takbo ng kanyang negosyo ngayon kumpara noong nagsisimula pa lang siya.

Aniya, nakatulong nang malaki sa kanya ang e-commerce.

“Gaya nga nang sinabi ko kanina, may pera sa pagtitinda. Kaya ang ginawa ko, nag-research ako kung ano ang usong paraan ng marketing.

“Nalaman ko itong tungkol sa online platforms. Agad ko itong sinubukan. Research ako nang research ng mga tungkol sa e-commerce.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kahit naman po noong bata pa ako, napakasipag ko sa research.”

Susan Vergara with packages to be delivered

Matagumpay niyang nagamit ang mga online platforms.

Sa katunayan, “Ayoko pong magyabang pero VIP na ako ng isa sa pinakamalaki nating courier dito sa Pilipinas.”

At dahil ang majority ng kanyang pagtitinda ay online platform ang gamit niya, “Hindi po ako apektado ng mga lockdown.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi tuloy ang benta, yung mga client ko na farmers ay tuloy rin ang orders.

“Kung meron mang nabago, yung payment lang. Hindi na instant kumbaga ang bayad.

"Nagbabayad sila pag dumating na sa kanila ang product. Pero okey lang naman po. Nauunawaan ko iyon dahil sa pandemya.”

DAPAT GAMITIN ANG PERA SA NEGOSYO

Sa ngayon ay natutulungan na rin ni Susan ang kanyang mga kapamilya sa Bicol sa pamamagitan ng pagpapaunlad sa kanilang lupa gamit ang mga produktong itinitinda niya.

“Mas mapapakinabangan na po yung lupa kasi may technology nang magagamit sa tulong ng mga itinitinda ko. Mas malaki ang ani.”

May payo naman siya sa mga Overseas Filipino workers at sa pamilya ng mga ito.

“Dati po akong OFW, alam ko ang hirap ng buhay magtrabaho sa ibang bansa. Walang yumayaman na OFW dahil kahit ipunin ang suweldo, mauubos iyan.

“Dapat magnegosyo sila. At kung magnenegosyo sila, yung alam nila at passionate sila tungkol dito.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dapat din aniya na matuto ang mga kapamilya ng OFW na pahalagahan ang perang kinita sa ibang bansa,

“Sa halip na gamitin ninyo sa luho, gamitin ninyong puhunan. Yung kapamilya ninyong nag-a-abroad, hindi namumulot ng pera iyan. Nahihirapan iyan.

"Napakahirap ng buhay-OFW kaya pahalagahan ninyo ang perang ipinapadala niyan.

“Huwag ninyong ibili lang ng kung anu-ano. Magnegosyo kayo kahit maliit para kumita kahit paano.”

Iwasan din aniya ang mga scam, gaya nang nangyari sa kanya.

“Huwag kayong maniniwala na yung pera na ilalagay ninyo sa mga networking halimbawa ay malaki ang magiging balik, hindi totoo iyon. Walang ganoon.

“Wala pong nagiging instant na mapera sa panahon ngayon. Lahat tayo ay dapat magsikap.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kakaibang determinasyon ang ipinakita ni Susan Vergara na kahit na-scam siya sa kinita mula sa pagiging OFW, nakita niya ang negosyong angkop ang abilidad na taglay niya.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results