PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Meet Jennifer Abobo, a dairy farmer in New Zealand

"Parang ito talaga ang linya para sa akin."
by Allison Estrella KC Cordero
Published Dec 22, 2021
Jennifer Abobo doing her duties in the dairy farm
Mahirap ang naging journey ni Jennifer Abobo bago siya natanggap bilang dairy farmer sa New Zealand, pero blessed umano siya dahil natagpuan niya ang work na angkop sa kanya.

Ang bansang New Zealand ay tinagurian bilang "God's own nation" at "Paradise of the Pacific."

Taun-taon, umaakit ito ng napakaraming turista at mga dayuhang naghahanap ng trabaho.

Isa si Jennifer Abobo sa mga kababayan natin na sa New Zealand nakakita ng greener pasture.

Nagtatrabaho siya rito bilang dairy farmer.

Jennifer Abobo smiles as she works in the dairy farm

Kuwento niya sa panayam ng Summit OG, “Sino ba naman yung ayaw magkaroon ng magandang future?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And when it comes to New Zealand, sa isip-isip natin green na green, walang mga masasamang tao, walang polusyon.

“And napatunayan naman namin na totoo talaga iyon.”

Ang dairy farming ay isang napakaimportanteng industriya sa New Zealand, at ito ang pinakamalaki nitong export.

Sa katunayan, kung gaano karami ang ginagatasang baka roon, ganoon din karami ang mamamayan nito.

NAG-APPLY SA MAHIGIT 700 EMPLOYERS BAGO NATANGGAP

Taong 2015 nang makarating sina Jennifer at ang kanyang fiancé sa New Zealand at nagtrabaho bilang dairy farmers.

Gayunpaman, ayon kay Jennifer ay hindi naging madali ang kanilang journey.

Nag-apply sila sa mahigit 700 employers bago sila nakuha ng kasalukuyan nilang kumpanya ngayon.

Jennifer Abobo with her fiancé

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “Noong nasa Pilipinas pa ako, parang wala talaga akong patutunguhan.

“Kumbaga, hindi ko alam ang aking gustong tahakin sa future.

“Pero may boyfriend ako na kasama ko na dito and fiancé ko na, nakahanap siya ng employer sa New Zealand.

“And then yung employer niya, nag-ask sa kanya kung gusto niyang isama yung family niya.

“Sinabi niya na may girlfriend siya that time, so, ayun, kinuha rin ako ng employer niya.”

WALANG EXPERIENCE SA FARMING

Ibinahagi rin ni Jennifer na pagka-graduate niya ng Hotel and Restaurant Management noon ay bumiyahe siya sa ibang bansa.

Pero umuwi siya sa Pilipinas na disappointed.

Na-realize niya na ang kasalukuyang trabaho sa New Zealand ang talagang angkop para sa kanya.

“Blessed talaga kami. Wala po talaga akong kumbaga experience sa farming,” ani Jennifer.

“Hindi talaga ako nag-work nang pormal na trabaho, business lang po yung ginagawa ko dati.

“Noong nagpunta ako dito sa New Zealand, parang ito na talaga yung linya for me.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Tahimik din sa farm kung saan sila nagtatrabaho na may lawak na 290 ektarya.

Iba rin aniya ang kanyang trabaho ngayon sa New Zealand kumpara noong nasa Pilipinas pa siya.

Jennifer Abobo driving a payloader

Nanibago at nahirapan din siya sa pagpapatakbo ng mga makinarya at pagmamaneho ng traktora.

Jennifer Abobo carrying a cow

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kailangan rin niyang gumising nang madaling-araw, at makipagbuno kung minsan sa mga baka.

Bukod dito, mahaba rin ang working hours.

“Nagigising kami during busy months ng 3:00 a. m. ‘Tapos [around] 14 to 16 hours yung trabaho namin a day.

“So, doon ako nag-adjust. And then through time naman parang nasanay na rin kami at hindi na siya ganoon kahirap for us.”

SUWELDO NAKADEPENDE SA SKILL SET

Mahirap din ayon kay Jennifer ang mag-alaga ng mga baka na nagkakasakit.

“Kalaunan masasanay ka na rin. Through time alam mo na talaga yung gagawin mo.

“Alam na alam na alam na talaga namin yung trabaho namin. Hindi na namin kailangan ng utos ng amo namin.

“Iyon yung proudest moment namin, kasi, imagine, hindi ako graduate ng agriculture. It’s very fulfilling.”

Binanggit din niya na ang laki ng kikitain ay depende kung saan nagtatrabaho at kung ano ang taglay na skill set.

Ginagawan ni Jennifer ng documentary ang kanyang pagtatrabaho sa New Zealand.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inia-upload niya ang kanyang mga videos sa YouTube at TikTok.

Marami ang nai-inspire sa kanyang journey, lalo na ang mga kababaihan, para magsikap at matutong maniwala sa sariling kakayahan.

Para sa mga interesadong magtrabaho sa New Zealand partikular sa dairy industry nito, panoorin ang isang sulyap sa buhay ni Jennifer Abobo bilang dairy farmer sa exclusive Summit OG interview na ito:

Want to meet more modern day heroes? Support OG's new series: OFW diaries only on the OG YouTube Channel

Subscribe to the channel here and watch more OG videos here.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mahirap ang naging journey ni Jennifer Abobo bago siya natanggap bilang dairy farmer sa New Zealand, pero blessed umano siya dahil natagpuan niya ang work na angkop sa kanya.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results