PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Former PBA player Tristan Perez now works as a truck driver in Canada

He drives a 26-wheeler truck.
by Bernie V. Franco
Published Jan 20, 2022
Tristan Perez
Former PBA player Tristan Perez of Blackwater Elite says he has no regrets giving up a professional basketball career to be a truck driver in Alberta, Canada. Tristan has been a driver of a 26-wheeler truck for three years.
PHOTO/S: Facebook (Tristan Perez)

Basketball player noon, truck driver na ngayon.

Iniwan ni Tristan Perez, 28, ang kanyang promising career bilang professional basketball player sa Pilipinas para magtrabaho bilang truck driver sa Alberta, Canada.

Miyembro noon ng National University (N.U.) Bulldogs si Tristan, nang mag-champion ang team nila sa UAAP men’s basketball noong 2014.

Sa kanyang amateur career naman, naglaro siya sa BDO-NU at Jumbo Plastic para sa PBA (Philippine Basketball Association) D-League.

Naging professional player siya at napabilang sa koponan ng Blackwater Elite sa PBA noong 2016.

Pero makalipas lamang ang isang taon, iniwan ni Tristan ang kanyang PBA career.

Taong 2017, lumipad siya patungong Canada at sinundan ang kanyang asawa roon.

tristan perez

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Tristan, ang kanyang asawang si Jhameel Pineda, at ang kanilang dalawang anak na babae ay naninirahan ngayon sa Fort McMurray, Alberta.

Driver siya roon ng 26-wheeler truck na nagtatransport ng petroleum sa mga kumpanya.

Walang pagsisisi si Tristan sa desisyong itigil ang pagbabasketball para sa kanyang pamilya.

“Ganun talaga pag may pangarap ka. Minsan talaga merong isa sa inyong mag-asawa na may igi-give up para magkasama kayo,” lahad ni Tristan sa panayam ng news anchor na si Rhea Santos para sa Omni Filipino noong January 19, 2022.

Sabi pa ng former PBA player, “Mas pinili naming mag-Canada kasi andami ngang benefits na mabibigay sa future ng [mga] anak ko. Kumbaga, less worry lang sa future.”

tristan perez

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tristan Perez (L) with his fellow truck drivers in Alberta, Canada.

Sa isang interview sa Philippine Star, sinabi ni Tristan na pinag-isipan niyang maigi bago siya lumipad ng Canada.

Aniya, “My wife was pregnant and it seemed that what I would be getting from a new life in Canada outweighed anything I might earn in the PBA—assuming I play long in the league.”

Bago maging truck driver, una muna siyang nagtrabaho roon bilang laborer at mechanic.

Sa interview ng kanyang employer, naging tapat siya na wala siyang alam na trabaho, pero sinabi niyang handa siyang matuto.

Ang kagandahan raw sa Canada, isinasailalim muna sila sa training bago isalang sa trabaho.

Sagot ng kumpanya ang kanilang training.

“Hindi basta-basta na ida-drive mo yung mahabang truck, napakadelikado. Lalo na kami, flammable yung dala namin,” aniya, at idinagdag na mahigpit ang safety measures sa Canada.

Three years nang truck driver si Tristan, habang ang kanyang misis ay driver naman ng school bus.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

tristan perez

Tristan's wife, Jham Pineda, works as driver of a school bus.

Ani Tristan tungkol sa trabaho niya, “Andaming challenge, risky siya.

“Pero doon ako nag-e-enjoy, lalo na pag winter. Dumadaan kami sa iba't ibang daan, bush road, ice road… tumatawid kami sa bridge na yelo.”

Sinabi ni Tristan na gusto niya ang ginagawa, bagamat malayo ito sa kanyang dating propesyon bilang basketball player.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Maliit o malaki man yung ginagawa mo, pero masaya ka sa ginagawa mo, iba yung feeling, e.

“Parang kumpleto yung araw mo.”

Ngayong taon, balak nina Tristan na bumili na ng kanilang sariling bahay sa Alberta, Canada. tristan perez

Tristan, his wife Jham, and their two daughters having family time

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former PBA player Tristan Perez of Blackwater Elite says he has no regrets giving up a professional basketball career to be a truck driver in Alberta, Canada. Tristan has been a driver of a 26-wheeler truck for three years.
PHOTO/S: Facebook (Tristan Perez)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results