PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Haydee Cetro, kumikita ng PHP10K per day sa empanada!

Empanada Ahuy kayo riyan! May 8 flavors, mars!
by Bernie V. Franco
Published Jan 25, 2022
empanada ahuy
Haydee Cetro's empanada business in Alfonso, Cavite started with PHP250 investment, and continues to grow and thrive. It has eight flavors.
PHOTO/S: Facebook (Empanada Ahuy)

Hindi sa suwerte umasa si Haydee Cetro ng Alfonso, Cavite, para kumita siya ng PHP10,000 kada araw mula sa napakaliit na puhunan.

Ang puhunan lamang ni Haydee para sa kanyang empanada business ay PHP250.

Nang buksan niya at kanyang asawa na si Arby Cetro ang kanilang tindahan, hindi nila akalaing libu-libo ang kikitain nito.

Ang kanilang negosyo ay tinawag nilang Empanada Ahuy.

Itinayo ang maliit na tindahan sa harap ng kanilang bahay sa Alfonso, Cavite, nito lamang June 2021.

Bukod sa naging bestsellers na mango-cheese at Hawaiian pizza flavors, may iba pang flavors, gaya ng spicy tuna ala king, classic chicken, beef with mushroom, pork, ube cheese, at cheesy choco hazelnut.

empanada business

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Haydee Cetro and her husband started their business with P250

Empanada Ahuy

Empanda Ahuy's small store located in Alfonso, Cavite, was built last June, 2021.

HOW HAYDEE STARTED

Nagsimula ang lahat nang maisipan ni Haydee na gumawa ng masarap na empanada.

Nag-research daw siya sa YouTube kung paano gumawa ng empanada.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naitampok ang kanyang kuwento sa Pera Paraan ng GMA News and Public Affairs, November 20, 2021.

Ani Haydee, hinanap niya muna ang tamang timpla ng kanyang ingredients, “Nag-try akong mag-experiment: dagdagan ko nito, bawasan ko nito, and then lumabas naman siyang masarap.

“And then nagbaon yung asawa ko sa opisina. Namigay siya sa mga ka-opisina.

"Nagustuhan, and then every day hinahanap na.”

Dahil sa positibong feedback, nagkaroon ng kumpiyansa si Haydee at Arby na magtayo ng empanada business.

Kuwento pa ni Haydee, bote lang ang gamit niya sa paggawa ng dough sa simula dahil wala siyang rolling pin.

“So ang puhunanan ko that time is PHP250, since wala talaga akong gamit.”

empanada ahuy

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Haydee Cetro: “Ang kailangan mo, malaking sipat at tiyaga, kasi kung walang tiyaga, wala na… susuko ka na lang.”

Nag-umpisa ang mag-asawa sa pagtanggap ng orders, hanggang sa maisipan nga nilang gumawa ng maliit na tindahan sa harap ng kanilang bahay.

Hindi raw inakala ni Haydee na tatangkilikin ng kanilang business.

“Actually, nung nag-open kami nung June [2021], ang gusto ko lang naman talaga is, sabi ko, ‘Makabenta lang ako ng 10 boxes or 150 pieces a day, masayang-masaya na ako.’

“Pero nung nag-open pa lang kami, first day hanggang ngayon, nagulat ako kasi nakakabenta kami ng 500 pieces a day, which is worth PHP10,000.”

Bawat empanada ay PHP25, PHP300 ang box of 12 pcs, at PHP350 ang box of 15 pieces.

Pero kung iko-compute na umaabot sa 500 piraso ng empandang naibebenta kada araw, ibig sabihin ay higit PHP12,000 kada araw ang kinikita ni Haydee.

Ani Haydee, “Hindi kailangan ng malaking puhunan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang kailangan mo, malaking sipat at tiyaga, kasi kung walang tiyaga, wala na… susuko ka na lang.”

HARDWORK PAID OFF

Sa kabilang banda, nagbabahagi si Haydee ng kanyang karanasan sa negosyo sa kanyang Facebook page.

Sinabi ni Haydee na tatlong buwan ang inabot bago nagdesisyon silang mag-asawa na magtayo ng maliit na tindahan.

Post niya (published as is), “Kasi sinimulan namin ito wala kaming puhunan.. lakas lang talaga ng loob at tiwala na makakaipon kami sa empanada haha..

“And ito na nga..paunti unti.. from painting to designing at pagpili ng mga gamit lahat DIY at Sale para makatipid..”

Nang maipatayo ang tindahan, emosyonal daw si Haydee dahil unti-unti nang nagbubunga ang pagod nilang mag-asawa.

Post niya noong June 11, 2021 (published as is): “’Word of Mouth’ Ito Yung main reason bakit medyo dumadami na ang Suki Ng empanada ahuy..

“Pero bago Natsismis na masarap Ang aming empanada.. napakaraming pagod, at gabing walang tulog Muna Ang nangyari”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Lahat Ng sulok ata Ng alfonso napuntahan na namin.. go kami kahit saan.. Batangas, Laguna,Cavite,Alabang..Basta may nagpadeliver.. Kasi Ang goal namin is matikman Ng lahat Ang empanada ahuy..”

Hindi raw niya malilimutan ang magdamag na pagmamasa at pagluluto ng empanada para kinaumagahan ay mai-deliver ang mga boxes ng orders.

“Kung tutuusin nakakapagod talaga.. pero mas na-appreciate mo pala talaga Yung results pag Alam mong pinagpaguran at pinaghirapan..”

Sabi niya pa, “Hindi pa achieved Ng empanada ahuy Ang main goal namin ni Arby.. pero sobrang natutuwa kami sa nagyayari dahil Ramdan namin na we are on the right direction..

“Konting push pa at more sipag at least ngayon naiintindihan na namin na success has no shortcuts need mo talaga pagdaanan lahat Ng phases.”

May sarili na ring Facebook account ang kanilang Empanada Ahuy business.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Haydee Cetro's empanada business in Alfonso, Cavite started with PHP250 investment, and continues to grow and thrive. It has eight flavors.
PHOTO/S: Facebook (Empanada Ahuy)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results