PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Life story of Lucky Jay Saturinas: from seafarer to grape farmer

From front yard to vineyard!
by Bernie V. Franco
Published Feb 19, 2022
seafarer grape
From a seafarer, Lucky Jay Saturinas firmly believes that God has planned for him to venture into grape farming and savor the sweet taste of success.
PHOTO/S: Facebook (Lucky Spark Vineyard)

Ilang taon ang ginugol ni Lucky Jay Saturinas sa pag-aaral para maging seafarer.

Pero naniniwala siyang kalooban ng Diyos na sa grape farm ang kanyang kapalaran.

Si Lucky ang nagma-manage ng Lucky Spark Vineyard sa Barangay Hingatungan, Silago, Southern Leyte. Mayroon siyang mga kasosyong investors.

Sa kanyang YouTube channel, tungkol sa pagiging grape farmer ang mga vlogs niya.

Ani Lucky, marami pa rin kasing Pilipino ang kulang sa kaalaman pagdating sa pagpapalago ng vineyard.

Hindi lang ubasan meron si Lucky. Pinasok din niya ang paggawa ng grape jam.

Ginawa rin niyang resto-vineyard ang kanyang lugar.

resto vineyard

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lucky Spark Vineyard's al fresco resto-vineyard

Hindi na niya kailangang umangkas sa barko para kumita. Kasama pa niya ang kanyang pamilya.

Pero hindi naging madali ang journey ni Lucky.

DREAM TO BE A SEAFARER

Si Lucky ay kumuha ng Bachelor of Science in Marine Transportation sa University of Cebu Maritime Education and Training Center.

Pagbabalik-tanaw niya sa isang YouTube video, sa kanilang magkakaibigan, siya ang naiwan.

Lahat ng tatlong kaibigan raw niya ay nakapasa sa pagkuha ng scholarship cadet program sa kanilang third year.

Pero kahit lagi raw siyang bagsak sa interview, hindi nawalan ng pananalig si Lucky.

Aniya, “After two years, may company na nagpunta sa school. Nagpa-take ng exam.”

Ito raw ay ang Anglo-Eastern Maritime company.

Nakakuha siya ng magandang offer at sagot lahat ng expenses sa kanyang training.

Matapos ang training, sumakay na siya ng barko.

Pakiramdam ni Lucky ay sinuwerte talaga siya at natupad na ang kanyang pangarap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natapos niya ang kontrata sa unang employer.

Pero nagsimula ang kanyang kalbaryo sa pangalawang employer.

Lucky jay saturinas

Lucky Jay Saturinas felt something was missing when he was onboard the ship.

Isang araw ay bigla na lang daw niyang naramdaman na hindi na siya masaya sa trabaho.

Tatlong beses siyang nanaginip tungkol sa ubas, at sa tuwing titikman raw niya ito ay pagkatamis-tamis.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Animo’y premonisyon na magiging matamis ang kanyang buhay kaugnay ng ubas.

Hindi raw niya ito maintindihan ito noong una, kaya ipinagpatuloy niya ang trabaho bilang seafarer.

Pero nakaranas raw siya ng psychological abuse sa kanyang chief mate o first mate sa barko. Ipinaramdam daw nito kay Lucky na hindi siya magaling.

“Na-trauma po ako sa nangyari kasi first time ko pang naranasan yung ganoong klase ng tao… na gawing tanga.”

Sa pakikipag-usap sa mga magulang, nagdesisyon si Lucky na bumaba na ng barko.

December 2018, umuwi na si Lucky sa probinsya.

VINEYARD BUSINESS

Pagkauwi, nagpahinga muna si Lucky. May isang beses daw na muli siyang nanaginip tungkol uli sa ubas.

Nagbi-venture na rin siya sa vlogging noon at nagulat ang isang video niya na mula 1,000 views ay naging 30,000 views.

Doon na napagtanto ni Lucky na ginagabayan siya para mag-venture sa vlogging at pagtatanim ng ubas.

Tila raw sinasabi sa kanya, “Dito ka mag-focus, dito kita ilalaan.' Ito talaga ang gusto ipapagawa ni God sa akin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakahanap daw siya ng investors kaya wala siyang gagastusin, pero siya ang mamamahala at titingin sa ubasan.

Ang siste, wala siyang kaalam-alam sa pagtatanim ng ubas.

Kaya naman nag-member siya sa Facebook community tungkol sa grape agriculture.

“Ang nangyari, di ko namalayan na yung mga tao na related sa ubas, mga owner din ng mga grapes farm, bigla lang sumusulpot sa Facebook ko.

“’Tapos nag-a-add ako, nagmi-mesage naman sila. ‘Tapos nag-a-approve naman sila sa mga proposal ko.

“Nagpapa-approve ako bilang agent sa kanilang farm, like ako yung mag-manage sa mga sales nila.

“Mina-manage ko yung mga product nila, ganyan.

“So ang nangyari, nakaipon ako nang unti-unti. Bumili ako ng mga ubas na ibat-ibang variety.”

Sinimulan niyang magtanim ng ubas sa maliit na bahagi ng kanilang lupa.

Sa kalaunan ay nakapagtanim na rin siya sa iba pang bahagi ng kanilang lupa.

Lahad niya, “Unti-unti nag-expand ako from front yard lang po. Yung tanim ko na ubas and yung nangyari nakapag-extend ako dito sa kabila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa tuwing nangangailan raw siya ng tulong, pakiramdam niya ay may ipinapadalang tao para tulungan siya.

lucky jay saturinas

Ngayon, thriving na ang grape business ni Lucky.

Sa kanyang vlog noong January 25, ipinakita niya ang lupa na kanyang nabili mula sa kita sa vlogging.

Nagsimula na rin siyang magtanim ng mulberry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Lucky, nais niyang magsilbing inspirasyon ang kanyang kuwento.

“I want you to believe that kahit gaano kahirap sa buhay natin, magtiwala tayo sa Diyos.

“Mararamdaman po natin kung ano yung saya,

“Walang katumbas yung pera na nakukuha natin sa barko, kumpara sa happiness na naibibigay ni God sa atin.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
From a seafarer, Lucky Jay Saturinas firmly believes that God has planned for him to venture into grape farming and savor the sweet taste of success.
PHOTO/S: Facebook (Lucky Spark Vineyard)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results