Watch Now

Frank Devie Querido: tricycle driver noon, mechanical engineer na ngayon

Apr 15, 2022
tricycle
Si Frank Devie Querido, dating tricycle driver, isa nang certified mechanical engineer.
PHOTO/S: Facebook (Bayan Mo, Ipatrol Mo)

Nagbunga ang paghihirap ng tricycle driver na si Frank Devie Querido nang makapasa siya sa Mechanical Engineering Licensure Examination.

Mula sa Paoay, Ilocos Norte si Frank, at pinasok niya ang pamamasada ng traysikel para masuportahan ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo.

Bilang panganay, kailangang magpursige ni Frank dahil siya ang inaasahan ng kanyang mga magulang.

Ang kanyang ama ay magsasaka at ang kanyang ina naman ay housewife.

"May mga pagkakataon din noon na ginagabi na ako at kulang ang aking kita at kailangan kong mamasada pa hanggang sa madaling araw,” kuwento ni Frank sa panayam ni Grace Alba ng ABS-CBN News.

“Natutulog na ako sa 7-Eleven sa Paoay para hintayin ang mga pasahero na galing Manila noong hindi pa pandemic,” salaysay niya.

Ang bahagi ng kanyang kita ay ibinibigay niya sa mga magulang para makatulong sa mga gastusin.

Naging inspirasyon niya ang pamilya para kayaning maabot ang mga pangarap sa kabila ng hirap ng buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, "Naiiyak ako kasi ang mga sakripisyo ay mapapalitan na. Talagang may magandang plano ang Diyos sa atin na kahit mahirap ay kinaya.”

Bukod pa rito, naitawid din ni Frank ang kanyang pag-aaral sa tulong ng government initiative na 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program, na nag-aabot ng “conditional cash incentives” para sa mga nangangailangan.

mechanical engineer

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinost ng

" target="_blank"> DSWD Field Office I sa Facebook page nito ang pagkakapasa ni Frank sa board exam.

Advice naman ni Frank sa mga kabataang gaya niya, huwag matakot mangarap nang mataas at gawin ang lahat para matupad ang pangarap na ito kahit na mahirap.

Payo rin niya, huwag kalimutang magdasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Frank Devie Querido, dating tricycle driver, isa nang certified mechanical engineer.
PHOTO/S: Facebook (Bayan Mo, Ipatrol Mo)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results