Watch Now

VIRAL: Delivery rider na nag-online exam habang inaantay ang order

by Bernie V. Franco
Apr 19, 2022
viral delivery rider
Nitong April 11, 2022, nag-viral ang post tungkol sa delivery rider na nag-exam habang hinihintay ang orders ng kanyang customers. Ang rider ay si Jayson Bangan, isa ring Criminology student.
PHOTO/S: Facebook (Loyd Tolentino) / YouTube (GMA News)

Hinangaan ang isang delivery rider na pinagsasabay ang pagtatrabaho at pag-aaral.

Noong April 11, 2022, viral ang post ni Loyd Tolentino, isang assistant manager ng fast-food restaurant, tungkol sa Grab delivery rider na tutok na tutok sa kanyang cellphones sa gilid ng counter habang hinihintay ang orders na ide-deliver.

Nang makumpleto na ang orders, nasa gilid pa rin ng counter ang rider na nakayuko.

Nang lapitan at kausapin siya ni Loyd kung bakit hindi pa nito kinukuha at inihahatid ang kanyang orders, natuklasan niyang tinatapos pala ng rider ang kanyang online exam.

Pinaalalahanan ng assistant manager ang rider na baka i-cancel ng customers ang mga orders nila, pero nag-abiso na raw ang rider sa mga ito.

Ipinost ni Loyd ang kuwento para aniya’y magsilbing inspirasyon ito sa mga kabataang nangangarap na may marating.

Ang post ay mayroon ng 159,000 reactions at 40,000 shares, as of this writing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

DELIVERY RIDER IS A WORKING STUDENT

Nakilala ang delivery rider bilang si Jayson Bangayan, 22, graduating Criminology student mula sa Universidad de Manila.

Nagkuwento si Jayson tungkol sa kanyang viral photo kay Maris Umali para sa 24 Oras noong April 18, 2022.

Lahad ni Jayson, “Nag-pick up po ako ng dalawang pagkain para po sa dalawang customer.

“Then sabi po doon [sa store], 20 minutes bago matapos yung food po na ginagawa.

“Then sabi ko po, ‘Malapit na po yung oras ng exam.’ Sabi ko, ‘A, kaya naman po pala itong [exam] tapusin.’

“Ngayon, ginawa ko, sinabay ko na po yung exam habang naghihintay po ng pagkain.”

Dagdag ng working student, inabisuhan na niya ang dalawang customers tungkol sa delay.

“Na-inform ko na noon yung dalawang customer ko na, ‘Pahintay na lang po. May exam po ako noon.’”

Nagsabi naman daw ang customers niya na maghihintay na lamang sila at ang isa pa ay may kasama pang “good luck” kay Jayson sa kanyang online exam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para makatapos sa pag-aaral, kinailangang pagsabayin ni Jayson ang kanyang pagtatrabaho at pag-aaral.

Sikreto raw niya, “Mind over matter lang po. Huwag niyo pong iisipin na hindi niyo po kayang gawin yung mga bagay-bagay sa paligid niyo.

“Isipin niyo po na kaya niyo pong gawin, para po malagpasan niyo.

“Pagsubok po kasi kayang-kaya naman pong lagpasan, e.”

Dahil sa ipinamalas na magandang ehemplo ni Jayson, dalawang review centers ang nag-alok ng scholarship para ma-assist ang kanyang pagre-review pagka-graduate niya.

Hangad ni Jayson na pagka-graduate ay maging isang mabuting pulis.

viral delivery rider

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, nagsimulang maging delivery rider si Jayson sa panahon ng pandemya para matustusan ang kanyang pag-aaral, at para hindi na isipin ng kanyang pamilya ang mga gastusin, ayon sa interview niya sa The Philippine Star.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nitong April 11, 2022, nag-viral ang post tungkol sa delivery rider na nag-exam habang hinihintay ang orders ng kanyang customers. Ang rider ay si Jayson Bangan, isa ring Criminology student.
PHOTO/S: Facebook (Loyd Tolentino) / YouTube (GMA News)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results