PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Former saleslady now earning PHP100K as vegetable picker in Japan

20K ang suweldo nung nasa Pilipinas.
Published May 25, 2022
vegetable picker
“Worth it po pag tatanggap ka na ng sahod," ani Ivy Villegas, isang vegetable picker sa Japan. Kumikita siya ng PHP90,000-PHP100,000 kada buwan.
PHOTO/S: YouTube (GMA Public Affairs)

Sulit ba ang maging vegetable picker sa Japan?

Para sa kababayan nating si Ivy Villegas, oo.

Kumikita si Ivy ng PHP90,000 hanggang PHP100,000 kada buwan.

Pero paglilinaw ni Ivy, kailangan itong pagtrabahuhan.

Dati siyang nagtatrabaho bilang saleslady at cellphone brand promoter sa Pilipinas.

Hindi college graduate si Ivy.

Aniya, “Yung sahod ko naman po, malaki naman po siya. Nagri-range po siya sa PHP20,000.

“Nakakakain kami tatlong beses sa isang araw,” hayag ni Ivy sa iJuander ng GMA News TV, May 4, 2022.

Pero pansin ni Ivy, “Kahit ganoon po kalaki yung sahod mo, parang wala akong ipon.”

Pamilyadong tao kasi si Ivy.

Ito ang nagbunsod kay Ivy na maging overseas Filipino worker sa Japan noong 2019.

Ang kanyang trabaho: vegetable picker ng carrots at labanos.

LIFE OF A VEGETABLE PICKER

Madaling araw pa lang ay gumigising na si Ivy.

Tumatayo siya ng 5:00 a.m. at naghahanda papunta sa trabaho sa Kumamoto, Japan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil nasa probinsiya, bisikleta ang ginagamit niya papunta sa trabaho.

Paglilinaw ni Ivy, hindi petiks ang pagiging vegetable picker. HIndi rin daw dapat magsayang ng oras.

Aniya, “Iba dito kasi bawat minute dito, bawat segundo gumagalaw ka talaga—yung isip mo, yung lakas mo, galaw talaga.”

Mano-mano ang pagbunot nina Ivy ng mga carrots at labanos. Tatanggalan ito ng mga ugat at dahon gamit ang gunting.

Ihihilera ang mga ani sa lupa, na pupulutin naman ng traktora.

Nakaabang naman si Ivy sa traktora para palitan ang mga lalagyan kapag napupuno.

vegetable picker

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakaabang si Ivy na palitan ang mga crate kapag napuno na ito ng mga aning gulay.

Kasunod nito, dadalhin ang mga ani sa factory. Inilalagay sa makina na automatic na hinuhugasan ang mga gulay.

Ang pinakamahirap na bahagi ng trabaho ay ang pagbubuhat ng mga crate na umaabot sa 25 kilos ang bigat.

vegetable picker

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

crate

(Top photo) Idinadaan sa makina ang mga carrots para mahugasan. (Bottom photo) Binubuhat ng mga pickers ang mga crates kapag napuno.

Minsan daw sa isang araw, umaabot sa 20,000 packs ang order ng mga gulay. Umaabot naman daw sa 400 crates ang dapat buhatin ni Ivy at ng mga kasamahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kahit gaano talaga kabigat iyan kailangan mo talagang buhatin,” ani Ivy.

Pero lahat ng pagod na ito ay sulit pagdating ng sahod.

“Worth it po pag tatanggap ka na ng sahod. Maaano mo na talaga yung pagod mo, yung hirap,” ani Ivy.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“Worth it po pag tatanggap ka na ng sahod," ani Ivy Villegas, isang vegetable picker sa Japan. Kumikita siya ng PHP90,000-PHP100,000 kada buwan.
PHOTO/S: YouTube (GMA Public Affairs)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results