Isang delivery rider ang pinalad manalo ng higit PHP33 milyong jackpot prize sa lotto.
Ang masuwerteng bagong milyonaryo ay taga-Pasay City, may asawa at dalawang anak.
Ang winning numbers niya ay kombinasyon ng kaarawan at edad ng mga miyembro ng kanyang pamilya.
Nakolekta na ng delivery rider ang kanyang premyo, pahayag ni Royina Garma, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nito lamang Mayo 2022.
Hindi na tinukoy ng PCSO ang pagkakakilanlan ng winner para sa proteksyon nito.
Ang winning combo ng delivery rider ay na-draw pa noong pang April 20, 2022 at kinolekta ito ng rider kinabukasan.
Ang winning numbers niya ay 02-05-10-30-27-19 Megalotto 6/45.
Ang eksaktong amount na napanalunan niya ay PHP33,070,560.40.
Bago maging milyonaryo, sapat lamang ang kinikita dati ng delivery rider.
Gaya ng marami, hinangad niyang makatama ng suwerte sa lotto.
Kaya sa panahon ng pandemya, tumataya siya sa lotto paminsan-minsan.
At hindi naman siya nabigo dahil sinuwerte nga siya.
Itinuturing niyang malaking blessing ang napanalunang jackpot, lalo’t hindi naging madali ang nakalipas na dalawang taon bunsod ng pandemya.
“Iniisip ko po na ito po ang kaloob ng Diyos sa akin," pahayag ng rider sa inilabas na pahayag ng PCSO.
"Dahil sa nakaraang dalawang taon na nasa pandemya tayo, hindi po kami tumigil sa pagtatrabaho at maghatid ng mga pagkain at parcel sa mga taong hindi makalabas ng kanilang mga tahanan.”
Plano ng rider na magtayo ng sariling negosyo gamit ang napanalunang jackpot.
Ani Garma, ang lotto winnings na PHP10,000 ay subject sa 20-percent tax na nakasaad sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law.
Read: OFW in UAE wins PHP136 million in lottery
Read: Four OFWs are lottery millionaires in Dubai; delivery rider wins PHP13M jackpot
