Nag-boom nang todo ang Facebook online live selling sa Pilipinas ngayong pandemic.
Mula sa mga ordinaryong tao hanggang sa mga artista, pinasok ang pagbebenta online para magkaroon ng dagdag na kita.
Naging kaabang-abang para sa mga fans ang mga binibentang branded items pati na rin ng mga ginagamit na products ng kanilang idols.
Read: Mariel Rodriguez finds true calling and happiness in live selling
Di ba nga’t ginamit ring platform ito ng mga persons deprived of liberty o yung mga nasa piitan para sa kanilang hand-woven baskets and paintings?
Read: Bili na kayo! Mga preso sa Sorsogon, sumabak sa live online selling
Ang live selling din ang naging daan para maging viral at makilala si Madam Inutz.
Umabot na nga sa $17 billion ang kabuuang kita ng mga online shopping apps sa taong 2021, ayon sa entrepreneurship and financial literacy advocate na si Armand Bengcho, sa ulat ni Mav Gonzales ng GMA News.
Kaya maraming online sellers ang nangamba nang maglabas ng anunsiyo ang Meta—ang company na humahawak ng Facebook—na tatanggalin na ang Facebook Live Shopping feature pagsapit ng October 1, 2022.
Ang feature kasing ito ang ginagamit ng sellers para maging interactive sa paggawa ng product playlist, at para maka-tag ng products sa Facebook sa kanilang online selling.
Ayon sa Meta sa official statement nito: “Beginning on October 1, 2022, you will no longer be able to host any new or scheduled Live Shopping events on Facebook.”
Maaari pa namang gamitin ang Facebook Live para sa pagbo-broadcast ng live events, pero wala na ang feature para makalikha ng product playlists o makaka-tag ng products sa live video.
Nagbabago na raw kasi ang viewing behavor ng consumers at nagshi-shift na sila sa short-form video o Reels, na siyang ginagamit sa Facebook at Instagram.
How will this affect the PINOY ONLINE SELLERS?
Kasunod nito, maraming Pilipinong online sellers ang nag-react at nagpahayag ng pagkadismaya dahil nakasalalay ang kabuhayan nila sa online selling.
Pero nilinaw ng reporter na si Mav through a Facebook post na tuloy pa rin naman ang online selling.
Aniya: “Para sa mga nagla-live selling diyan, wag po kayo mag-alala dahil puwede pa rin ito gawin using the normal Facebook Live feature.
“Ang aalisin po ng Facebook ay yung Live Shopping feature na ginagamit sa ibang bansa.”
Sa kasalukuyan kasi, wala namang Live Shopping feature ang Facebook sa Pilipinas.
Kinatigan ito ng isang netizen na nagkomento ng: “While it is a fact and true statement by facebook but in SELECTED COUNTRIES ONLY.
“And the Philippines is not included in the live shopping events, since there is no live shopping button selection in our country in the first place.”

Sa online live selling, ang ginagamit kasi ng mga Pilipino ay ang Facebook Live feature at ang sistemang “mine” kapag ang netizens ay interesadong bilhin ang items ng online live sellers.
Also read:
Misis nag-live selling ng mga gamit ni mister na "sumakabilang bahay"
Heartbreaking story ng “asawang sumakabilang bahay live selling” ni misis
