VIRAL: Kindness of PWD elementary kid and others to give away hand-me-down uniforms, leftover school materials

by Mavell Macaranas-Dojillo
Sep 6, 2022
chris francisco, viral, school supplies
(Kaliwa) Usap-usapan ang kuwento ni Chris, isang estudyanteng may autism, na nag-donate ng 160 crayon boxes sa dalawang eskuwelahan sa Balete, Aklan. (Kanan) Isa namang Grade 3 student mula sa Malabon ang nag-donate ng school supplies para sa mga nangangailangang mag-aaral.
PHOTO/S: Facebook

Nakakatuwang masaksihan ang bayanihan spirit. At sa iba’t ibang panig ng Pilipinas pa sa pagbubukas ng mga eskwelahan ngayong 2022.

Naging ritwal na para sa mga pampublikong paaralan ng bansa ang maglunsad ng Brigada Eskwela bago magsimula ang mga klase.

Ito ay programang pinangungunahan ng Department of Education (DepEd) na ang layunin ay ang maghatid ng mas mataas na kalidad ng edukasyon.

Paaano? Sa pagtutulungan ng mga guro, mag-aaral, kanilang mga magulang, ng buong komunidad, at maging ng lokal na pamahalaan.

Sa gitna ng pandemya bunsod ng COVID-19, tila nagkaroon ng mas malalim na kahulugan ang Brigada Eskwela para sa lahat.

Katunayan nito ay ilang nag-viral na mga kuwento sa social media.

BIDA SI CHRIS SA MGA TAGA-BALETE, AKLAN

Nitong nakaraang linggo ay usap-usapan ang kuwento ni “Chris,” ang person with disability (PWD) na nag-donate ng 160 boxes ng crayons sa mga mag-aaral ng Calizo Elementary School at Calizo National High School sa Balete, Aklan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami ang nag-post at napahanga sa efforts ni Chris, kabilang na ang guro mula sa elementarya na si Ma’am Juliet Justo at high school na si Ma’am Maria Row Birol.

Ayon sa mga ulat, si Chris ay may kondisyong autism with high IQ na hindi naging sagabal upang makapag-contribute siya sa kapwa.

Read: Ang kuwento ni "Chris" at ng daang-daang crayons inipon niya nitong pandemya

Kaya naman hindi nakapagtatatakang naging viral ang kanyang kabutihang-loob sa mga netizens na humanga sa kanyang pagnanasang makatulong sa mga nag-aaral.

Kuwento pa ng ilang nakakikilala kay Chris, tulad ni Rechel Delgado na madalas binibilihan nito ng mga crayons, mahigit dalawang taong pinag-ipunan ito ni Chris.

Ang ibang pambili ay nagmula pa sa mga kapitbahay at mga kakilala na hiningan niya ng tig-limang piso.

chris francisco pwd crayons

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Chris ay may autism. Nag-viral siya nang mag-donate ng crayons sa dalawang eskwelahan sa Balete, Aklan.

GRADE 3 STUDENT AIDEN DONATES IN MALABON

Samantala, nag-viral din ang post ni Joan Pascual, ang kindergarten teacher sa Concepcion Elementary School ng ngayon ay Grade 3 student Aiden Paulo Brutas ng Malabon.

Kalakip ng Facebook post ni Joan ang isang sulat mula sa dating mag-aaral na nagpapahayag ng kagustuhan nitong maibigay sa iba ang ilang school supplies na kanyang naipon.

Kabilang dito ang notebooks, writing pads, at mga pansulat na malugod na ibinahagi ng musmos na si Aiden: “Para po magamit po ng iba.”

Aiden Paulo Brutas

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naisipan naman ng isang Grade 3 student sa Malabon na lumiham sa kanyang dating teacher para i-donate ang kanyang mga di nagamit na school supplies sa mga estudyanteng walang gamit.

PROJECT: UNI – FROM ME 2 U

Sa Malolos, Bulacan, umani din ng papuri ang efforts ng Supreme Student Government (SSG) ng Marcelo H. Del Pilar National High School para maitaguyod ang isang uniform donation drive.

Ito ay sa pakikipagtulungan sa Rotaract Club of Barasoain SHS-MHPNHS at Obra-MHPNHS, sa patnubay ng kanilang school principal na si Ma. Victoria C. Vivo, EdD, FRIEdr.

Layon ng project na makalikom ng mga luma ngunit magagamit pang mga uniporme mula sa mga alumni upang maipamahagi sa nangangailangan.

Isa sa mga pinagmumulan ng agam-agam ng maraming mag-aaral at kanilang mga magulang ang gastusin sa uniporme, ngayong nagbukas na ang face-to-face classes makaraan ng dalawang taong online, modular, o blended learning.

Kaugnay nito, nagbigay ng pahayag ang Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte noong July na hindi magiging istrikto ang mga paaralan ukol sa pagsusuot ng mga uniporme.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngunit hindi nito napawi ang pag-aatubili ng mga magulang dahil, para sa kanila, mas mainam tingnan ang kanilang mga anak na suot ang mga ito.

Liban pa sa gusto naman nilang maging parte ang mga anak sa kalakhan ng nakaunipormeng student body.

Mabuti na lamang at maganda ang naging response sa project na pinangunahan ni Ernesto Villafuerte, ang adviser ng SSG na nakapanayam ng PEP.ph nitong August 29.

Aniya, “The efforts of the student leaders are extremely impressive. We started with just a plan, and it is now considered as a successful project because of the collaborative efforts of everyone.

“To help is an act of love. It is an action of offering of ourselves, without asking anything in return.”

Naging proud na proud din ang mga magulang ng student leaders sa ginagawang pagtulong ng kanilang mga anak.

Kuwento ni Mr. Villafuerte, “Despite of the uncertainties and fear carried by the pandemic, the parents of the students are supportive on this project. They are all proud because of this initiative.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pagtaya ng grupo, mayroon na silang sapat na maibabahagi sa mga indigent students ng paaralan, ngunit magpapatuloy pa ang "Project: Uni - from Me 2 U" upang mas marami pa silang matulungan.

Pinatunayan lamang nina Chris, Aiden, at ng SSG na walang maiiwan sa laylayan kung sama-samang nagtutulungan kahit sa maliit na paraan.

Ang kanilang kontribusyon ay lalong nagpatingkad sa Brigada Eskwela 2022.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Kaliwa) Usap-usapan ang kuwento ni Chris, isang estudyanteng may autism, na nag-donate ng 160 crayon boxes sa dalawang eskuwelahan sa Balete, Aklan. (Kanan) Isa namang Grade 3 student mula sa Malabon ang nag-donate ng school supplies para sa mga nangangailangang mag-aaral.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results