VIRAL: Student sa private school na nagtitinda ng turon, suma-sideline sa construction

by Mavell Macaranas-Dojillo
Sep 9, 2022
nico vergara, turon kmjs
“Hindi po lahat ng pumapasok sa private school ay may kaya sa buhay," sabi ng isang guro ng private school kung saan nag-aaral si Nico Vergara, na nag-viral dahil sa pagtitinda ng turon.
PHOTO/S: TikTok / YouTube (KMJS via GMA Public Affairs)

Isang batang masikap ang hindi maawat sa pag-abot ng kanyang mga pangarap.

Siya ang 16-anyos at Grade 11 student na si Nico Vergara ng Victoria, Laguna.

Suma-sideline Nico ng pagtitinda ng turon sa mga kapitbahay at mga ka-eskwela sa isang pribadong paaralan.

Gustong matulungan ng binatilyo ang kanyang mga magulang at matupad ang pangarap na makasama nang muli ang inang Overseas Filipino Worker.

Sinabi ni Nico ang hangarin niyang ito sa Kapuso Mo Jessica Soho episode na ipinalabas nito lamang Linggo, September 4, 2022.

Aniya, “Kung may pagkakataon, gusto ko po sana na makauwi na yung mama ko, na sama-sama na kami dito.

“Para po may mag-asikaso na sa amin nung kapatid ko sa araw-araw po. 'Tapos sabay-sabay na po kaming kakain sa hapag, ganun.”

SAKRIPISYO NG INA, SAKRIPISYO NG ANAK

Anim na taon nang namamasukan bilang domestic helper sa Abha, Saudi Arabia ang ina ni Nico na si Arlaine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa mabigat ang trabaho, ikinalulungkot niyang malayo siya sa pamilya.

Sabi niya, “All around po ako dito. Naglilinis ng bahay, nag-aalaga ng bata, 'tapos magluluto. Sa akin po lahat.

“Masakit po sa loob, kase dapat yung kalinga ng ina, dapat para po sa mga anak ko.

"Kaya lang naibibigay ko sa ibang bata kase nga, iisipin ko na lang na mga anak ko rin sila, ganun.”

Pinipilit daw ni Arlaine magpakatatag, “Pinapakita ko po sa kanila na matapang po ako, pero siyempre, nasasaktan po ako.”

nico vergara turon kmjs

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Anim na taon nang OFW si Arlaine Vergara (main photo), ina ni Nico Vergara (inset)

Pero kung nahihirapan ang kalooban ng ina, kalbaryo din para kay Nico at sa kanyang kapatid ang mapalayo kay Arlaine.

Lahad ng binata, “Pagka nagkakasakit po ako, wala po talagang nag-aalaga sa akin.

"Sila Papa po pupunta lang, bibigyan ako ng gamot, ganun. Yung iba po yung alaga ng nanay, di ba?

“Pagka po papasok po kami, wala po yung talagang magluluto, mag-aayos po sa amin, ganun sa araw-araw.

“Masarap po sa pakiramdam na may magulang sa tabi, may nanay sa hapag po, sasabihin na ‘kakain na.’

"May mag-aalaga sa iyo, 'tapos ano, may magtatama po sa mali niyo.”

TIKTOK VIDEO NI NICO HABANG NAG-AALOK NG TURON, NAG-VIRAL!

Naiintindihan ni Nico kung bakit kailangan magtrabaho ng kanyang ina sa ibang bansa.

Pero nalulungkot pa rin siya, lalo kapag naalala ang mga nagdaang kaarawan at Pasko na hindi kapiling ang ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya’t bukod sa pag-aaral nang mabuti upang maging seaman balang araw, sinusubukan din niyang kumita kahit maliit na halaga.

Ayaw na kasi niyang humingi sa mga may mga sideline siya para kumita nang extra.

Paminsan-minsan, sumasama siya sa kanyang amang si Mang Nestor bilang helper sa construction.

Nagtitinda rin siya ng turon na mula naman sa kanyang ninang.

nico vergara turon kmjs

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pag may pagkakataon, sumasama si Nico sa ama at tumutulong sa construction work para kumita nang extra.

Pinag-usapan sa social media ang Tiktok video ni Nico habang nag-aalok ng turon sa kanilang eskwelahan.

Marami ang napahanga at naka-relate sa binata. Sa ngayon ay mayroon na itong lagpas 1 million views at libu-libong comments.

“Inaalok ko po yung mga estudyante din po. Papasok po ako sa room nila 'tapos itatanong ko po kung bibili sila.

“Nakakahiya po nung una kase po private school po ako nakapasok. Hindi ko din po kilala yung mga teachers dito at saka po yung mga estudyante.”

Private school man naka-enroll si Nico, nilinaw ng kanyang adviser at suki sa turon na si Ma’am Jalen Rose Angeles na, “Hindi po lahat ng pumapasok sa private school ay may kaya sa buhay.

"Almost lahat po ng aming students ay miyembro po ng 4Ps (Pantawid Pamilyang Pilipino Program).”

SI NICO AY MABUTING HALIMBAWA SA MGA KABATAAN

Marami ang humanga sa pagsisikap ni Nico na makatulong sa pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Masaya naman siya dahil nagsilbi rin siyng ehempo sa iba.

Aniya, “Gusto kong maka-inspire ng mga kabataang tulad ko po na hindi po hadlang yung kapos sa pera para po pumasok sa school.

"Napakadami pong way para kumita ng pera.”

Ngunit higit sa inspirasyong dulot ni Nico sa mga kabataang tulad niya, ang lahat ng hirap at pagod ay alay niya sa kanyang ina.

Buong pangungulilang sambit niya, “Ma, ginagawa ko lahat ito para sa iyo. Mag-ingat ka po lagi diyan. Mahal na mahal po kita.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“Hindi po lahat ng pumapasok sa private school ay may kaya sa buhay," sabi ng isang guro ng private school kung saan nag-aaral si Nico Vergara, na nag-viral dahil sa pagtitinda ng turon.
PHOTO/S: TikTok / YouTube (KMJS via GMA Public Affairs)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results