PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mga Pinoy nabawasan ang oras sa panonood ng porn videos

From #1 in 2021, #2 ang Pilipinas this 2022 sa time spent watching Pornhub.
by KC Cordero
Published Dec 18, 2022
User accessing porn site
Mula 2014 hanggang 2021, ang mga Pinoy ang naglalaan ng pinakamahabang oras ng panonood sa isang adult website. Pero nasa pangalawang puwesto na ito this 2022.

Hindi na ang mga Pinoy ang may pinakamahabang oras na inilalaan sa panonood ng pornographic videos sa adult video website na Pornhub.

Sa inilabas ng Pornhub na 2022 Year in Review noong December 8, 2022, naungusan na ng mga users mula sa Egypt ang mga Pinoy pagdating sa paglalaan ng mas mahabang oras sa nasabing platform ngayong taon.

Ang mga Egyptians ay nakapagtala ng average visit duration na 11 minutes and 12 seconds.

Ang Pilipinas, na nanguna noong 2021, ay nasa ikalawang puwesto, ka-tie ang Japan, na may average visit duration na 10 minutes and 59 seconds.

List of countries into porn

Kasama naman sa Top 20 ang Germany, Netherlands, France, United Kingdom, Ukraine, Poland, Italy, Belgium, Argentina, United States, Australia, Brazil, Sweden, Canada, Spain, Colombia, and Mexico.

In terms of traffic, 9th overall ang Pilipinas, samantalang nasa No. 1 spot ang United States.

Tinukoy naman ng Pornhub na ang 53 percent ng users nito mula sa Pilipinas ay mga babae.

Ang porn videos mula sa Japan ang “most viewed category” para sa mga Pinoy.

Sinimulan ng Pornhub ang pagpa-publish ng data sa average time spent by country noong 2014.

Mula noon, laging ang Pilipinas ang nangunguna sa dami ng oras na inilalaan sa panonood ng porn.

Noong January 30, 2014, ay naglabas ang National Telecommunications Commissions ng memorandum circular na nag-aatas sa Internet Service Providers na i-block ang pag-access ng mga Pinoy sa pornographic sites alinsunod sa Republic Act No. 9775, kung saan kabilang ang child pornography bilang “criminal act.”

Ayon sa memorandum circular, ang mga ISPs ay kailangang mag-install ng software na magba-block sa pag-access sa porn sites.

Batay sa report ng Cosmo.ph, naa-access pa rin ito hanggang ngayon.

Ang mga popular adult sites ay hindi nag-a-upload ng child pornography, “although there are a lot of role-playing videos where older women are dressed to look younger.”

Samantala, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang ilang netizens na aminadong nanonood sa Pornhub.

Ayon kay Guiller, “Hindi na gaya ng dati yung tagal ng oras ko sa panonood. Medyo nagsawa rin kasi ako noong pandemya.

“Naumay kumbaga. Dati araw-araw, ngayon once or twice na lang a month.”

Mabagal na internet naman ang rason ni Natalia. “Wala ka rin namang mapanood. Ikot lang nang ikot yung bilog sa screen, hahaha!

“Hindi rin kasi kagandahan ang internet sa area namin. Minsan inuulit ko na lang yung na-download ko.”

Pagbabahagi naman ni Ezekiel, “Nawala na yung thrill. Karamihan sa videos mga scripted na pinagkakakitaan lang ng nag-upload. Predictable din ang mga eksena.

“Mas enjoy pa ako ngayong manood ng reels ng mga cute na pets. Sa porn, siguro may sawa factor na rin.

“Silip-silip na lang pag may time.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mula 2014 hanggang 2021, ang mga Pinoy ang naglalaan ng pinakamahabang oras ng panonood sa isang adult website. Pero nasa pangalawang puwesto na ito this 2022.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results