Sampung buwan na raw ang nakalipas mula noong ikasal ang DJ, radio at TV personality na si Sam YG sa kanyang misis na si Essa Santos-Gogna, at kahit na nasa adjustment stage pa raw sila, nae-enjoy raw niya ang bagong bahagi na ito ng kanyang buhay.
“I’m really enjoying it.
"Of course, there’s adjustment phases that we’re going through. Hinahanap na niya ko pag 12:00 o'clock. ‘Nasaan ka na? Trabaho pa ba yan?' ‘Trabaho ba yan o chumi-chika ka na lang sa mga tao diyan?’
"So, a few things like that but I like, it’s been great and I’ve chosen a great partner.
“Essa is super supportive and I’m very grateful for somebody like that by my side. She supports my strength and my weaknesses naman, siya ang magaling doon. I think we complement each other. It’s really great.”
Halos magli-limang taon na rin naman daw silang "in a relationship" ni Essa bago sila nagdesisyong magpakasal.
SAM ON THE ART OF NEGOTIATING IN MARRIAGE
Si Sam YG ang host ng bagong show sa YouTube, ang Nego King PH. Si Sam ang tatayong "negotiator" o taga-tawad at makikipag-usap sa mga business owner o CEO para sa mga customers. Ang Nego King ay hatid ng Anima Studios’ YouTube channel.
Pero sa kanilang mag-asawa, sino ang totoong matatawag na “Nego King o Queen?”
Sagot niya, “Depende kung ano ang isyu, hindi natin masasabi, di ba?
“Of course, compromise. When you commit, you don’t commit to a person, you commit to the commitment itself. It’s always gonna be a work in progress. There’s always gonna be things that you have to nego, left and right. You’re still discovering each other.
“I think even after ten years, you’re still discovering more about each other. Yung 'meron ka palang ganitong ugali. Dati, akala ko, ganito ka.' So, it’s always gonna be like that.”
SAM YG ON BABY PLANS
Sa ngayon, wala pa naman daw silang plano na magkaroon na agad ng baby. Pero kung sakali, gusto raw niya magkaroon ng dalawang anak.
“Pero, I’ll be blessed with whatever. Whatever is a blessing,” lahad niya.
SAM SAYS GOODBYE TO HIS BACHELOR WAYS
Bukod sa pag-uwi niya ng mas maaga ngayon, may nabago ba sa kanya bilang kilala siyang DJ ng Boys Night Out simula nung mag-asawa na siya?
“People always ask me, ano ang nag-iba sa Boys Night Out?
“I think, wala… even Boys Night Out is such a real show na talagang humihirit ako, ‘naku, dati, puwede pa akong… sasama pa ako sa inyo.'
"'Pero ngayon, alam niyo naman guys, may asawa na tayo.' Magbago na tayo, di ba?
"Hindi na ako tumitingin sa mga maikling shorts na ganyan. Habaan niyo na ang shorts ninyo. Maikli na nga, punit-punit pa, habaan niyo naman, di ba?” natawang sabi niya.
“Well, of course, you have to maintain your energy and your job but of course, you have to twist in a way na make people know na it’s a different Sam YG. How do you make it interesting? That’s the challenge.”
SAM BARES TRAVEL PLANS
Kasalukuyang nasa Europe ngayon sina Sam at Essa. Parang honeymoon na rin daw nila ang bakasyon.
“Kasi lockdown, hindi kami naka-travel masyado,” saad niya.
"Siguro travel as much as we can para ma-explore namin ang mundo together. Lalo na ang malalayong lugar dahil puro kami mga Asia.”
Hindi pa raw nami-meet ng misis niya ang ibang mga kamag-anak niya na nasa India naman.
“She hasn’t been to India, she hasn’t met my mom’s side there. So, hopefully within the year as well. Yung extended side ng family, hindi pa niya na-meet. Kasi, hindi naman lahat nakauwi dahil lockdown pa rin nung wedding.”
Si Sam ay ipinanganak na sa bansa at dito na siya lumaki kasama ang kanyang pamilya. Bukod sa pagiging full-fledged Filipino citizen, pinagmamalaki rin ni Sam ang kanyang pagiging Catholic.
SAM AIMS FOR VERSATILITY IN HOSTING
Matagal na rin siya sa industriya. Paano niya gustong maalala, at meron bang isang word na sa tingin niya ay makakapag-describe sa katangiang ito?
Pag-aanalisa niya, “I guess, in one word or few words, I want to remembered as someone who's dymanic. Yung kahit saan mo ibato, kaya niya. That’s what I like about Nego King.
“One minute, kausap mo ang fishball vendor. The next minute, kausap mo ang CEO ng kumpanya, on the same day, in a span of three hours, mangyayari lahat yan.
"So, I think, adaptable at saka dynamic. Aside from the energy, of course.”
Nile-label na rin siya bilang isang versatile host. Ilang taon din siyang napanood bilang host ng Eat Bulaga!
Pagsang-ayon niya, “Correct, correct… I did Eat Bulaga and I did MTV. And at that time, kasagsagan ng MTV, di ba? Sosyal-sosyalan, English-English, Justin Bieber…
'Tapos, sa Eat Bulaga, siyempre, ang kausap mo na, mga security guards, dabarkads. Siyempre, hindi mo na puwedeng sabihin na twenty-five centavos, gusto nila, beinte-singko. Totoo naman…
“So, I think yun naman, yung capacity of shifting. Study your audience. Paano mo sila lalapitan? Paano mo sila kakausapin?
"Para at least, hindi nila ma-feel na bakit ako ini-English-English nito, pakialam ko sa ‘yo.
"Siyempre, kung ano ang language mo, you speak the same language. Parang kabarkada ko lang ‘to.”
Sa isang banda, ang Nego King PH ay local adaptation ng isang hit web series sa South Korea na Nego King. Natawa nga si Sam nang tanungin namin kung ang pagiging ‘bumbay’ niya ba ang isa sa dahilan kung bakit nga siya ang napiling mag-host ng show.
“Does my being bumbay the reason? Sa totoo lang, hindi ko rin alam,” natawang sabi niya.
“Pero regardless of being yes or no, I think, it’s more really on the appeal to be able to communicate with the audience.”
