Para kay Javeriel Tillada, "long yet worth it" ang kanyang pinagdaanan bago nakapasa sa March 2022 Civil Service Examination-Professional Level.
Tubong Bacolod City si Javeriel, na mas kilala bilang Jave.
Nagtapos siya ng Bachelor of Science in Electronics and Communications Engineering sa University of Negros Occidental–Recoletos noong December 5, 2020.
Bahagi ng kanyang Facebook post noong May 13, 2022, “Thank you, Lord God, for including me as one of the 12,179 passers out of 70,833 [17.19%] for National Level, and part of the 1,328 passers in the Region VI Western Visayas for this long journey examination.”
Read also: Christianie Kate Del Rosario: From irregular student to board topnotcher

NAHIRAPAN SA PAG-APPLY
Ang dahilan kung bakit kumuha muna siya ng civil service exam: “As an alternative plan wayback 2021 since wala pang board exam that time.”
Nang mag-graduate kasi siya ay kasagsagan ng pandemic at hindi muna isinasagawa ng Professional Regulation Commission ang mga licensure exams.
Natatandaan pa ni Jave na pagsapit ng application date noong May 17, 2021, inabot siya ng halos 12 hours sa pagpila para magbakasakali na makapagpatala para sa civil service exam.
May livestreaming pa aniya ang Miss Universe 2020 sa venue kung saan siya nag-file ng application kaya hindi niya makakalimutan ang petsa.

“After the tiring application process, wala na akong na-waste na time.”
Maagap din niyang pinaghandaan ang pagre-review.
At kahit hindi siya sigurado na makakapag-file siya ng exam application, “I already ordered the reviewer online prior sa application.”
Ang naging mindset niya ay mag-focus sa pagre-review.
“I did a series of self-review and online reviews for one to two months.”
Pero sa kasamaang palad, na-postpone ang exam.
Pakiramdam ni Javeriel ay nasayang ang kanyang effort.
“Wala na ngang board exam, wala pang CSC.”
Read also: Michelle Joy Lim, Top 3: “Pinangarap ko lang, never kong in-expect.”
TULOY PA RIN ANG PAGKUHA NG EXAM
Para maging productive, nagtrabaho siya sa private sector.
“As telco Subcon project engineer, then joining BPO [business process outsourcing] industry.
“There was an announcement way back late January to February 2022 that CSC will reschedule the postponed exam on March 13, 2022 exclusive for July 18, 2021 registered examinees.”
Parang ayaw na niyang kumuha at itutuloy na lang ang pagtatrabaho, pero, “Nanghinayang ako sa PHP500 na registration fee at sa effort sa pagpila.
“So I decided to review one to two weeks.”

Hindi na umano niya nagawang mag-review nang seryoso.
“Kaya ba-bye na sa topnotcher—na target ko sana—since I also have to balance it with my eight to 10-plus hours of full-time regular work.”
Sa araw ng exam ay nakulangan siya ng oras sa pagsasagot, lalo na sa Math and English.
“Especially manual ang problem solving, bawal ang calculator, at marami ang tanong sa English, then constitution and current events lang ang advantage.”
At that time, inisip ni Jave na maliit ang pag-asa niyang makapasa, per after 60 days, nang lumabas ang resulat, sambit niya, "...thank you, Lord God, that I still actually made it.”
Read also: Precious Mamaril hindi makapaniwalang Top 7 sa nursing board exam
SALAMAT SA SUPORTA
Pinasalamatan ni Jave ang kanyang pamilya at mga kaibigan dahil sa prayers and motivation ng mga ito.
Thankful din siya sa kanyang direct supervisor na pinayagan siyang kumuha ng exam at binigyan ng paid leave.
Ginawa rin niyang motivation iyon dahil lagot daw siya sa kanyang mga bossing kung hindi siya nakapasa.
Sambit ni Jave, “Self review is real.”
Nagpasalamat din siya sa kanyang mga naging sources of knowledge, gaya ng binili niyang physical book, YouTube tutorials, at Facebook groups tungkol sa CSC.

Ang isa pang good news, nakapasa rin siya sa October 2022 Electronics Technician Licensure Examination.
Ibinahagi niya ang larawan ng kanyang oath-taking kasama ang mga magulang.
This time, may reinforcement na siya mula sa isang review center.
Aniya sa kanyang post noong October 14, 2022, “One step closer to the dream.”
Ang kukunin na lang kasi ni Jave ay ang licensure exam para maging isang full-fledged electronics and communication engineer.
Kasalukuyan na niyang pinaghahandaan ito.
Simple lang ang payo niya sa mga kabataang nais matupad ang pangarap, "Believe you can and you will."
