Noon lamang January 2023, naitampok si Drink Water T. Rivera dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
Si Drink Water, 22, ay isang Communication student sa Far Eastern University na nag-viral dahil sa kakaiba niyang pangalan.
Ang kuwento ni Drink Water, noong nagli-labor ang kanyang ina ay hindi ito makahinga kung walang tubig, kaya’t pinangalanan niya ang kanyang anak ng Drink Water.
Samantala, two months after matampok si Drink Water sa PEP.ph, bida na ang binata sa commercial ng isang kilalang sports drink.
Kinumpirma rin ni Drink Water na na-discover siya dahil sa artikulong lumabas sa PEP.ph about him.
Two days matapos i-release ang commercial sa YouTube, pumalo agad ito sa 1.5 million views.
DRINK WATER drinks SPORTS DRINK too
“Surreal sa pakiramdam,” mensahe ni Drink Water sa PEP.ph tungkol sa pagiging endorser niya.
“Nag-message sa akin ang agency sa messenger ko, saying kung puwede nila akong ma-feature sa kanilang upcoming work for Gatorade No Sugar."
Dahil first time ni Drink Water, nakaramdam siya ng takot na tanggapin ang offer dahil “baka hindi ko siya ma-pull off… baka hindi siya maging appealing sa tao.
“Hindi ako sanay umakting, so naging fear ko din na baka mahirapan yung production team na i-art direct ako.”
Buti na lang daw at nagabayan siya nang husto ng production team at ng assistant director.
“Sabi ko na din sa sarili ko, baka ito na yung time na kumawala sa comfort zone ko.
“And for experience na rin since as a Comm student, sa ganito din kami magwo-work after graduation.”
FAMILY’S REACTION
Ikinatuwa raw ng kanyang pamilya ang kinalabasan ng commercial.
“At the same time, proud, kasi, siyempre, parang milestone na rin ito ng buhay ko, e," hayag ni Drink Water.
“Who would have thought magiging endorser pala ako ng isang brand?”
Minarapat ni Drink Water na huwag isiwalat kung magkano ang kanyang talent fee, pero sinabi niya kung ano ang ginawa niya rito.
“Seventy percent of the payment, nakatago siya. Tapos the rest, shinare ko siya sa family ko and friends ko.”
Sa previous interview, nasabi na ni Drink Water na kahit pinagtatawanan ng iba ang kanyang pangalan, wala siyang paghahangad na mapalitan ito.
Ang pangalan din niyang ito ang naging daan para maging lead sa commercial ng isang sports drink.
Sabi niya, “Unique names could have advantages, too, bukod sa walang hit sa NBI [National Bureau of Investigation].
“It could take you places talaga kagaya nung nangyari sa akin, kasi, to be honest, di ko naman talaga pinlano ito. It just happened.”
Malaking bahagi rin daw ang social media para dumating ang oportunidad na maging endorser dahil nga nag-viral muna siya.
