Balik-trabaho na ba ang lahat?
Ito ang tumatakbo sa isipan ng marami ngayong tapos na ang Holy Week at “back to reality” na ulit sa trabaho o sa school.
Kaya naman ang ilan, idinaan sa Facebook memes ang kanilang sentimyento sa kanilang return to work or school.
Parang kailan lang ay excited ang lahat sa pag-eempake para makauwi sa probinsiya o kaya ay para sa out-of-town trip para sa Semana Santa.
Patok sa netizens ang isang meme kung saan ipinapasok ang plastic cabinet sa luggage compartment ng pampasaherong bus.
Caption sa meme: “Yung tinamad ka nang mag empake ng damit mo.”

Ipinost ito sa KURTV via Facebook noong April 5, 2023.
Benta ang meme na ito sa netizens kaya nagkaroon ito ng 262,000 reactions, 28,000 shares, at 7,000 reactions.
Relate ka ba na kahit na Holy Week ay trabaho pa rin ang inaatupag mo?
Ganito ang post ng Sierra Shots sa Facebook. Isang lalaking malalim ang iniisip habang nasa harap ng kanyang laptop.
Caption (published as is): “Sila nasa dagat na, ako na nasa trabaho parin.”

Halos kapareho ito ng post ng gurong si Micha Magno na collage ng dalawang larawan.
“Bakasyon ng iba,” caption sa taong lumalangoy sa bughaw na dagat.
“Bakasyon ko,” caption naman sa larawan ng isang diver, pero hindi sa tubig kundi sa paper works sumisisid.
Reminder ni Teacher Micha kalakip ng larawan: “Sa mga estudyante ko, ilangoy niyo nalang ako. Quiz tayo pagbalik niyo.”

Siguradong marami rin ang naka-relate sa mga taong ginugol ang panahon sa pag-aayos ng bahay.
Ang meme ay kuha ng umiiyak na si V ng BTS na ganito ang caption: “Yung di mo naramdaman yung bakasyon, kasi naglinis ka lng ng baha[y].”

BACK TO REALITY
Ang iba naman, halatang bitin sa kanilang bakasyon dahil ang bilis lang lumipas ng Holy Week.
Ginawang meme ang isang eksena mula sa isang acting project nina Ylona Garcia at Bailey May na nakakunot ang mga noo.
Caption dito: “natapos na yung apat na araw na bakasyon.. yun na yun?!"

O kaya ay ang lumuluhang larawan ni Tobey Maguire at ang caption: “May pasok na bukas.”

Natawa rin ang netizens sa post ng The Bulacan Memes na screenshot ni Bea Alonzo na umiiyak mula sa pelikulang One More Chance.
Caption dito: “Sana bakasyon nalang.. Sana bakasyon n alang uli..”
