PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

'Naka-pajama sa grocery store' tweet ng netizen, naging hot topic

Off ba sa iyo ang mga customers sa grocery stores na nakapantulog?
by Bernie V. Franco
Published Apr 26, 2023
customers in pajamas in grocery store
Noong 2017, tinawag na "bloody disgusting" ng isang netizen ang dalawang babae na namili suot ang kanilang pajamas at robe sa Manchester, UK. Noong 2019, ipinagbawal naman sa Saudi Arabia ang pagsusuot ng pajamas sa public places.
PHOTO/S: Twitter

Naging hot topic sa social media ang isang tweet ng netizen tungkol sa mga customers na naka-pajama habang namimili sa grocery stores.

Pet peeve niya ito, according to his Twitter post last April 18, 2023.

Kahit pa raw ang store ay nasa baba ng condo, hindi magandang tingnan.

tweet

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami ang napa-react sa kanyang tweet. Ang iba, idinaan sa patawa ang reply, habang ang iba naman ay sineryoso ang topic.

Ang ilan, umaming nagawa na nilang mamili sa grocery store na suot pa rin ang kanilang pajama.

Ang tweet na ito ay may 5.3 million views na at this writing.

Karamihan sa nag-react ay kinontra ang nag-tweet.

Pero nanindigan ang netizen.

"Basic etiquette" kasi ang hindi pagsusuot ng private wear (pajama) sa public place.

Ika nga ng madalas ihirit sa mga lumalabas ng bahay na naka-pambahay, "Malawak ang sala mo, teh!"

In the case of pajama, "Ang lawak naman ng bedroom mo."

STRONG REACTIONS TO ANTI-PAJAMA TWEET

May mga nagsabing karapatan nila kung gusto nilang magsuot ng pajama.

Sagot ng isa, "Bakit uncomfortable mo sa mga taong komportable ang suot?”

May nagsabi rin ng ganito: “Trip nila yun at buhay nila kaya wala kang karapatan makialam sa gusto at anong dapat isuot,” giit naman ng isa pa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Depensa ng isa pa, “None of your business. If that won’t bring harm to anyone, why bother.”

Ang main point nila: walang masama kung nakapantulog ang customer hangga’t hindi siya nakakasakit ng kapwa.

Sagot naman ng anti-pajama-in-grocery-stores na netizen, "common courtesy" raw kasi ang tamang pananamit sa isang pampublikong lugar.

tweet

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

tweet

tweet

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

tweet

Pagkontra naman ng isang Facebook user: “May guidelines po ba sa mga Supermarket, Grocery store o convenience store na bawal pumasok kapag naka pajama?

“Hello Guys!!! its none of your business kung ano isusuot ng ibang tao. 2023 na pero dami nyong issue ...”

Sabi naman ng isa pa: “jusko dzai natamaan ako sa nakapajama pa habang nag grocery saksi ang savemore minsan puregold.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Facebook comment

Facebook comment

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May patama naman ang biro ng isa pang netizen sa nagrereklamong netizen tungkol sa mga nago-grocery nang naka-pajama.

Aniya (published as is): "koya baka mas mahal pa sa panglabas na damit mo yung pajamas nila. Pero srsly, BAKIT NANGINGIALAM?!? ikaw nga nakabandana, di naman bagay sayo”

facebook comment

Umabot ang discussion sa generation gap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero ang isyung ito ay hindi isolated case. Sa katunayan, may mga artikulong lumabas sa international media na ganito ang usapin.

ANG MANCHESTER INCIDENT in 2017

Noong 2017, lumabas ang isang article sa British tabloid na The Mirror tungkol sa dalawang babaeng naka-pajama at namili sa Tesco—isang British supermarket chain—sa Manchester, England.

Nag-message kasi ang isang netizen—via Facebook post—sa supermarket brand na tinawag na “bloody disgusting" ang nakitang dalawang female customers na naka-pajama.

grocers in pajamas

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-demand ang netizen sa store na maglabas ng batas na ipagbawal ang pajama attire sa mga customers.

Sagot ng Tesco, hindi iyon ang unang beses na may ganitong reklamo, pero sinisikap nilang magkaroon ng balance para maging masaya ang lahat ng kanilang customers.

Sabi ng store management: “Although we don’t have a formal dress code in our stores, we rely on our Management Team to use their discretion and common sense.”

PAJAMAS BANNED IN PUBLIC PLACES IN SAUDI ARABIA

Noong September 29, 2019, may news item ang The Filipino Times na related sa issue.

Ang title ng news item: “Saudi bans pajamas, other indecent clothes in public places

Naglabas kasi ng statement ang Interior Ministry ng Saudi na ang batas na ito ay “intended to ensure decency and prevent immoral acts in all parts of Gulf Kingdom.”

Ang sinumang mapapatunayang nagsuot ng “indecent clothes,” tulad ng pajama, sa mga pampublikong lugar ay magmumulta ng 100 Saudi Riyal (PHP1,500) sa unang offense, at 200 Saudi Riyal (PHP3,000) sa ikalawang offense.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Pilipinas, masuwerte na maluwag ang store establishments pagdating sa dress code o attire ng customers.

Bagamat tama rin namang magbihis nang akma sa pupuntahang lugar, mas importante pa rin na irespeto ang isa’t isa dahil hindi naman lahat ay pare-pareho.

Hindi lamang sa panamit, kundi maging sa opinyon.

Respect begets respect, ika nga.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Noong 2017, tinawag na "bloody disgusting" ng isang netizen ang dalawang babae na namili suot ang kanilang pajamas at robe sa Manchester, UK. Noong 2019, ipinagbawal naman sa Saudi Arabia ang pagsusuot ng pajamas sa public places.
PHOTO/S: Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results