Nag-claim na ng kanyang PHP16 million jackpot prize ang lotto player na nanalo sa March 9, 2023 draw ng Lotto 6/42.
Ini-upload ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa official Facebook Page nito last May 5 ang larawan ng masuwerteng winner habang tinatanggap ang tseke mula kay PCSO Assistant General Manager for Gaming, Product Development and Marketing Sector Arnel N. Casas.
Kalakip din sa post ang photo ng thermal ticket na makikitang masusing sinuri sa PCSO.
Read also: 2 Mindanaoans bagong milyonaryo dahil sa lotto

System 8 ang paraan ng pagtaya na ginamit ng winner.
Sa sistemang ito, walong numero ang tinatayaan para mas malaki ang tsansa na tumama.
At sa halip na PHP20, nagiging PHP560 ang halaga ng ticket.
April 9 pa umano nakuha ng winner ang premyo nito sa PCSO Main Office.
Napag-alaman din na taga-Central Visayas ito, at regular na tumataya sa lotto.
Sa isang lotto outlet sa Cebu City nito tinayaan ang winning combination na 06-18-26-29-17-11, na may kabuuang jackpot prize na PHP16,319,245.20.
Read also: Ang kuwento sa likod ng panalo ng OFW sa lotto
Sa panayam ng PCSO, sinabi ng winner na hindi nito akalain susuwertehin siya sa kanyang pagtaya sa lotto.
“Ilang beses kong tiningnan ang ticket ko dahil hindi ako makapaniwala.
“Sa oras na iyon, abut-abot ang aking pasasalamat sa Diyos dahil sa blessings na ito.”
Nagpasalamat din ito PCSO.
Ayon pa sa winner, plano nitong gamitin ang pera para sa negosyo.
Gusto rin nitong tulungan ang mga kapamilya, at mag-donate sa charitable organizations.
Read also: Mag-ama wagi ng PHP11M sa MegaLotto 6/45. “Sabi ko tig-isa tayo. Kapag tumama, hati tayo."
Ipinaalala naman ng PCSO na sakaling tumama sa lotto, para hindi ma-forfeit ang premyo, ang winner ay may isang taon mula sa petsa ng draw para i-claim ang napanalunan, ayon sa nakasaad sa Republic Act No. 1169.
Ang lahat ng lotto jackpot prizes ay kailangang sa PCSO Main Office, Shaw Boulevard, Mandaluyong City lang i-claim.
Para makuha ang napanalunan, dapat isulat ng winner ang pangalan nito sa likod ng winning ticket at pirmahan.
Kailangan ding magpakita ng dalawang government-issued IDs.
Read also: Sari-sari store owner sa Northern Samar, wagi ng PHP63.1M Super Lotto jackpot