PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

"Tricycle Driver's Daughter Gets PHP104M Scholarships"

Bravo, Julian Martir!
by Bernie V. Franco
Published May 17, 2023
Julian Martir
Twenty-year-old student Julian Martir went viral after posting about his scholarship offers worth $1.9 million or PHP104 million from 30 universities in the U.S. and the U.K. His claims are yet to be verified by his alma mater, Negros Occidental High School.
PHOTO/S: Facebook

Naglabas ng reaksiyon ang paaralan kung saan nagtapos ang nag-viral na student na si Julian Martir.

Si Julian, 20, ay nag-post sa social media at sinabing pumasa raw siya sa 30 universities abroad, at nabigyan ng $1.9M (PHP104 million) total worth of scholarship offers sa universities na ito.

Ang achievement ni Julian ay hindi lang nag-viral, naibalita rin ito sa major digital websites at TV news programs sa bansa.

Pero may mga nagduda sa claims ni Julian.

At mas umigting ang pagkukuwenstiyon sa admission at scholarship offers niya nang makapanayam ng Dos por Dos ng DZRH, nitong Mayo 17, 2023, si Donna Bella Atosaga, assistant principal for senior high school ng Negros Occidental High School (NOHS)

"Hindi kami magko-confirm," pahayag ni Atosaga.

Dugtong niya: “Kapag may nagtanong tungkol sa kanyang scholarship offers, parang sabi namin, hindi namin puwedeng i-verify, i-confirm kasi wala naman kaming hinahawakang papel.

“Ang masasasabi lang namin ay yung kanyang [naging] performance nung siya ay aming estudyante, nasa paaralan pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hangga’t wala kaming hinahawakang dokumento na magpapatunay, again, hindi kami magko-confirm.

“But then, kung meron mang totooo doon sa mga nabanggit, we’ll be happy for him. Na makita namin ang estudyante namin ay nagsa-succeed.”

Si Julian ay nagtapos sa NOHS noong 2022.

Aminado si Atosaga na nabasa rin niya ang comments online na pinagdududahan ang claims ni Julian.

“May mga comments na nababasa ako, bashing and telling, ‘I-fact check iyan.’ So parang di naman namin puwedeng i-confirm ang isang bagay kung di naman talaga kami sure.”

Gumagawa raw ng paraan ngayon ang paaralan para makumpirma kung totoo ang claims ni Julian tungkol sa admission at scholarship offers sa mga universities abroad.

Sabi pa ni Atosaga, pinadalhan ng paaralan ng letters ang mga binanggit na universities ni Julian, pero, “as of now wala pa kaming natatanggap na reply."

Hindi malinaw sa interview ng assistant principal kung kinontak muna nila mismo si Julian.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

At press time, hindi makita sa Facebook ang viral post ng binata, maging ang account niya mismo.

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang magiging pahayag ni Julian.

READ:

WHAT KIND OF STUDENT IS JULIAN?

Samantala, sinabi rin ni Atosaga na isang “diligent” student si Julian.

“Hindi naman siya valedictorian, pero mataas naman ang grado niya kasi nakakatanggap naman siya ng honor,” sabi ng assistant principal.

“Pasok siya sa grade bracket ng with honors, with high honors. Masasabi natin na matalino naman siya.

Kinumpirma din ni Atosaga na nagtungo sa kanilang school si Julian noong nakaraang taon at humihingi ng recommendation dahil sa planong mag-apply ito sa scholarship.

Yung nga lang, hindi na raw sila nabigyan ng update.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Parang last year, pumunta siya sa school at humingi siya ng recommendation kasi nag-a-apply siya for scholarship.

“Kahit sino namang mag-aaral na humihingi ng recommendation, bibigyan namin, especially for scholarship, naghahanap naman sila ng future kumbaga.”

Kamakailan din daw ay nakipagpulong si Atosaga sa former advisers ni Julian sa senior high school.

“Ang masasabi nila ay Julian is a diligent student. Nagsa-submit siya ng mga output kaya mataas ang kanyang grado.

“Pero as to his claims na mga scholarship grants at mga offers na iyan, kung totoo man iyan, we’ll be happy for him, pero we are still verifying the fact ng mga claims niya.”

Samantala, ang sumusunod ay ang naunang artikulong nasulat ukol kay Julian.

Hindi lang sa isa kundi tatlumpung universities sa United States at United Kingdom ang tumanggap sa college application ni Julian Martir.

Ang 20-anyos na estudyanteng taga-Negros ay matiyagang nag-apply para sa scholarship sa mga universities abroad, matapos niyang makita ang isang video sa YouTube.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang total scholarship offers sa kanya mula sa 30 international universities ay umabot sa $1.9 million o PHP104 million.

Nagbunga ang kanyang ibinuhos na oras at panahon, at pinatunayan ni Julian na may oportunidad na dumarating o nagbubukas sa taong naghahanap nito.

Si Julian ay bunso sa apat na magkakapatid. Anak siya ng isang tricycle driver at isang tindera.

Nagtapos siya sa Negros Occidental High School sa Bacolod City.

Imbes na mag-umpisa agad sa kolehiyo, nagkaroon muna si Julian ng gap year. Ibig sabihin ay huminto muna siya sa pag-aaral ng isang taon, at ginugol niya ang panahong ito sa pag-a-apply sa universities abroad.

Parte ng mensahe niya sa Good News Pilipinas: “I was delighted to announce that I have been accepted to 30 universities in the United States and the United Kingdom, as well as being awarded scholarships worth a total amount of 1.9 million dollars.”

HOW IT ALL STARTED

Na-curious lamang si Julian dahil sa napanood niyang YouTube video.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lumabas sa kanyang YouTube recommendations ang video tungkol sa grupo ng aspiring international students na balak mag-apply ng scholarships sa mga kilalang colleges and universities.

Na-engganyo si Julian kung kaya’t inalam niya at pinag-aralan ang application process, kasama ang paggawa ng college admissions, gaya ng pagsusulat ng higit 100 application essays na ipinasa online.

Ginamit niya ang Internet sa paghahanap ng tips, paghahanda pagdating sa interview questions, at pagsagot sa alumni interviews.

Kasama rin dito ang pag-iipon ng transcript of records at certifications, pati na rin ang pagsali sa isang WhatsApp group para matuto mula sa college admissions expert.

HARDSHIPS PAID OFF

Nagbunga ang sakripisyo ng estudyante, at di naglaon, nagsidatingan ang acceptance letters mula sa U.S. and U.K. universities.

Sa Facebook, nai-post ang ilang admission letters kay Julian mula sa University of Connecticut, DePaul University, Wesleyan University, Clarkson University, at University of Massachusetts.

Hangad ni Julian na maging inspirasyon sa iba na nangangarap din.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Plano ng binatilyo na kapag nakapagpatapos na siya ng pag-aaral sa ibang bansa, babalik siya sa Pilipinas “to contribute to our community by bridging the disparity between science and technology.”

Sa ulat ng Good News Pilipinas, sinabi ni Julian na plano niyang mag-aral sa Connecticut College sa New London sa U.S.

Ang choice niya ay isang "little Ivy" o small college "with academic standards and facilities that can rival the big universities belonging to the Ivy League—gaya ng Harvard University, Yale University, Princeton University, to name a few.

Balak niyang kumuha ng double major sa mathematics at computer science.

Samantala, sinabi niya na PhilSTAR L!fe na nasa waitlist siya ng Connecticut College kaya’t pinag-iisipan din niyang makapasok sa universities sa Australia, tulad ng University of Sydney at University of Queensland.

Kabilang sa konsiderasyon ni Julian sa pagpili ng university ay ang lugar, sitwasyon, at offers ng universities.

Samantala, inilista ng PhilSTAR L!fe ang 30 universities na nag-offer ng scholarship grants kay Julian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Narito ang listahan: Ohio Wesleyan University, Clarkson University, Hofstra University, Marquette University, Alfred University, Xavier University, Duquesne University, DePaul University, Regis University, Simmons University, Woodbury University, The University of Texas at Arlington, New Jersey Institute of Technology, Webster University, Ball State University, University of Massachusetts Dartmouth, University of Connecticut, The George Washington University, Fordham University, Kent State University, Michigan Technological University, The University of Arizona, The University of New Hampshire, Drexel University, Johnson and Wales University, University of Massachusetts Boston, Stony Brook University, the University of Colorado Boulder, Clemson University, and Richmond, The American International University in London.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Twenty-year-old student Julian Martir went viral after posting about his scholarship offers worth $1.9 million or PHP104 million from 30 universities in the U.S. and the U.K. His claims are yet to be verified by his alma mater, Negros Occidental High School.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results