PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Super Lotto 6/49 Winner Pays Debts

Mahigit 20 years na siyang tumataya
by KC Cordero
Published May 23, 2023
The lotto jackpot winner
Kalahati lang ng jackpot prize ang maiuuwi ng Super Lotto 6/49 jackpot winner dahil may isa pang nanalo, pero aniya ay life-changing experience ang nangyaring ito sa kanya. Plano niyang magbayad agad ng mga utang. Si G. Arnold Arriola, representative ng PCSO General Manager’s office, ang nag-abot ng kanyang tseke.

Sa panayam ng Philippine Charity Sweepstakes Office sa jackpot winner ng March 21, 2023 draw ng Super Lotto 6/49, sinabi niya “life-changing experience” ang pangyayaring ito para sa kanya.

Patakaran ng PCSO na huwag isapubliko ang pangalan ng mga nagwagi sa lotto.

May 4 nang magpunta sa PCSO main office sa Mandaluyong City ang lotto winner para i-claim ang kanyang premyo.

Ang jackpot prize ay PHP33,643, 692.60.

Read also: Winner ng PHP16M lotto jackpot, gumamit ng System 8 sa pagtaya

Dalawa ang nanalo sa nasabing draw kaya kalahati lang ng jackpot prize ang kanyang naiuwi.

Ayon sa PCSO, taga-San Mateo, Rizal ang isa pang masuwerteng nanalo.

Si G. Arnold Arriola mula sa PCSO General Manager's Office ang nag-abot sa bagong milyonaryo ng tseke.

Read also: 2 Mindanaoans bagong milyonaryo dahil sa lotto

The winning lotto ticket

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read also: Biyudang lola sa Davao Del Sur, solo winner ng PHP35M sa Lotto 6/42

Dalawang kumbinasyon ang tinayaan ng winner, at nasuwertihan niya sa isa niyang bet ang 12-29-35-34-13-08.

Ikinuwento rin niya sa PCSO na palagian siyang tumataya sa lotto sa loob ng mahigit 20 years.

Inalagaan umano niya ang kanyang kumbinasyon buhat nang magsimula siyang tumaya sa lotto.

Hindi niya binanggit kung tagasaan siya, pero aniya ay sa isang lotto outlet sa Pasay City siya tumaya.

Read also: Ang kuwento sa likod ng panalo ng OFW sa lotto

Ang una niyang gagawin ngayong milyonaryo na siya: magbayad agad ng kanyang mga pagkakautang.

Plano rin niyang mag-invest sa negosyo at matulungan ang kanyang mga kapamilya.

"Ito po ay malaking pagbabago sa aming buhay. Maraming salamat, una kay Lord, para sa blessing na ito.

“At pangalawa sa PCSO dahil kung hindi dahil sa inyo, hindi po ako mananalo.

“Sana po ay marami pa kayong matulungan na kagaya naming mahihirap."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pinasalamatan naman ni PCSO General Manager Melquiades Robles ang winner na naging loyal na mananaya sa loob ng mahabang panahon.

Ayon kay Robles, nagbubunga talaga ang pagiging matiyaga sa pagtaya sa lotto.

Read also: 100-year-old lola sa Agusan del Norte, may cash gift na PHP200K mula sa DSWD, LGU

Samantala, ipinaalala ng PCSO na sakaling tumama sa lotto, para hindi ma-forfeit ang premyo, ang winner ay may isang taon mula sa petsa ng draw para i-claim ang napanalunan, ayon sa nakasaad sa Republic Act No. 1169.

Ang lahat ng lotto jackpot prizes ay kailangang sa PCSO Main Office, Shaw Boulevard, Mandaluyong City lang i-claim.

Para makuha ang napanalunan, dapat isulat ng winner ang pangalan nito sa likod ng winning ticket at pirmahan.

Kailangan ding magpakita ng dalawang government-issued IDs.

Sa ilalim ng Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law, awtomatikong kakaltasin ang 20 percent tax mula sa jackpot prize.

Ang premyo na hindi make-claim ay magiging forfeited at ilalagay sa PCSO Charity Fund sa ilalim ng PCSO Charter.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read also: Mag-ama wagi ng PHP11M sa MegaLotto 6/45. “Sabi ko tig-isa tayo. Kapag tumama, hati tayo."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kalahati lang ng jackpot prize ang maiuuwi ng Super Lotto 6/49 jackpot winner dahil may isa pang nanalo, pero aniya ay life-changing experience ang nangyaring ito sa kanya. Plano niyang magbayad agad ng mga utang. Si G. Arnold Arriola, representative ng PCSO General Manager’s office, ang nag-abot ng kanyang tseke.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results