PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Reg Caligagan: barangay tanod and tricycle driver to resort owner

He worked as a fast-food crew member while studying in college
by Bernie V. Franco
Published Jun 6, 2023
Reca Farm & Resort
The Reca Farm and Resort is a Bali-inspired spot nestled in Porac, Pampanga. It is owned by Reg Caligagan (center), who experienced doing odd jobs before he became a resort owner.
PHOTO/S: Facebook (Reca Farm & Resort) / YouTube (OG)

Si Reg Caligagan ang owner ng Reca Farm & Resort na located sa Porac, Pampanga.

Ang kanyang Bali-inspired resort ay nakatayo sa one-hectare property na napapalibutan ng malawak na espasyo dahil wala pang masyadong nakatayong mga bahay o gusali.

Paliwanag ni Reg sa Summit OG interview, “Gusto ko nature kasi. Unang-una, nakaka-relax, kaya eto yung napili kong vibe.”

Infinity pool

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At kung inspiring story rin lang ang pag-uusapan, pasok ang kuwento ni Reg.

Kung anu-anong trabaho kasi ang pinasok niya para makapagtapos sa kolehiyo at kalaunan ay naging office employee.

“Nagtrabaho ako sa fast food while nag-aaral ako sa college.

“Pag bakasyon, nagbabantay ako ng computer shop, and then nagta-tricycle driver din.”

Read: Call-center agent's food kiosk now has 60 resto branches, 40 more coming up

Walang sinayang na panahon si Reg na kumayod hangga’t kaya niya.

“That time pag nakatambay naman, pag umabot naman ng gabi, nagtatrabaho naman ako ng pagba-barangay tanod.

“So, kahit paano nakakatulong na ako, at the same time, may naiipon pa ako. So, hindi lang ako umaasa sa magulang ko.”

Hindi mula sa mayamang pamilya si Reg, pero sinikap daw ng kanyang ina na itaguyod ang kanyang pag-aaral.

Kaya naging masigasig si Reg sa pagkayod para hindi na umasa masyado sa ina.

Ang mga karanasang ito ni Reg ang nagturo sa kanya para maging madiskarte sa buhay, bago pa man siya mag-graduate.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Inaral ko yung stock market. Nakikita mo yung ginagawa ng mga businessman, ano yung magiging future plan dito sa isang lugar…until such time na nakapag-graduate ako.

Reg Caligagan

Reg Caligagan supported himself as a college student, such as being a fast-food crew member, barangay tanod, and tricycle driver.

"Pagka-graduate ko, pinasok ko agad ang sales kasi yun ang turo sa akin ng mga mentor ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"At the same time, yung mga nababasa mo [na] kung gusto mong maging businessman, yun ang una mong pasuki—sales.”

Habang nagtatrabaho ay sinimulan na ni Reg ang pag-iipon. Nang makapag-ipon nang sapat para makapagpatayo ng resort, nag-resign siya sa trabaho.

Sabi niya, “After resigning, jump na sa business. Kinabukasan, don na ako sa business ko. Ako lahat…”

SUCCESS STORY: Jerome Manalili, tirahan ay binabaha noon; may bahay, kotse, business na ngayon

RECA FARM & RESORT

Samantala, ipinagmamalaki ni Reg ang siyam na VIP villas ng kanyang resort.

May cabins din dito na kayang mag-accommodate ng dalawa o kaya ay apat na tao.

Malawak ang espasyo at siguradong makakalanghap ng sariwang hangin.

infinity pool

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bali-inspired view

(Top photo) The resort's infinity pool. (Bottom) A cauldron where clients can take a hot bath with a view

Fully air-conditioned ang mga villas at cabins, walang entrance fee, walang corkage, free ang parking space, at pet-friendly.

Sa mga villas ay free use ang paggamit ng kitchen, utensils, gas stove, refrigerator, at iba pang gamit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinagmamalaki rin nila ang kanilang infinity pool na may magandang view para sa mga mahilig sa nature-tripping.

Ang fully aircon cabins (for 2 pax) ay nagkakahalaga ng PHP1,999 overnight, habang ang pang-4 pax naman ay PHP2,999 overnight.

Ang kanilang VIP room (4-6 pax) ay tinatayang PHP12,500 overnight.

Ang kanilang Bali farm na good for 4-8 pax ay PHP11,500-PHP12,000 overnight.

cabin

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

bedroom

(Top photo) One of the cabins in the resort which can accomodate two or four people. (Bottom photo) The bedroom in the VIP room

REG’S ADVICE WHEN IT COMES TO BUSINESS

Sa mga naghahangad na maging negosyante, payo ni Reg: “Maging handa kayo emotionally, physically, mentally, at spiritually.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi naman niya pagdating sa mga business problems, “May solusyon lahat ng problema. Wag ka lang magi-give up.

“Continuous learning, continuous improvement lang kayo, wag kang susuko hanggang hindi naabot ang mga pangarap mo.”

Ano ang future plans ni Reg?

“Magkaroon pa ng isa pang hotel and beach resort. So sana maibigay ni Lord kaya kailangan doble sipag pa.”

Samantala, puwedeng bisitahin ang Facebook account ng Reca Farm and Resort para sa inquiries.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Reca Farm and Resort is a Bali-inspired spot nestled in Porac, Pampanga. It is owned by Reg Caligagan (center), who experienced doing odd jobs before he became a resort owner.
PHOTO/S: Facebook (Reca Farm & Resort) / YouTube (OG)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results