Nasa Pilipinas ngayon si Bela Padilla for a short stay dahil sa career commitments at isang endorsement, pero babalik muli sa United Kingdom makalipas ang ilang linggo.
Sa UK na kasi nakabase ngayon ang aktres, pero umuuwi sa Pilipinas kapag kailangan siya sa trabaho.
Kuwento ni Bela, dahil siya ay British citizen—ang kanyang ama ay isang Briton—hindi siya nahirapang magdesisyon kung saan mananatili abroad.
Kakauwi lang ni Bela sa Pilipinas para sa kanyang recent product endorsement at upcoming movie.
“I come home when I’m needed,” sabi ng aktres ng ma-interview ng press sa launch niya bilang endorser ng Dear Face Beauty Milk collagen drink and supplement.
Pero pagkatapos ng commitments ay babalik siya muli sa UK.
“For now [I’m based in the UK]. I don’t know where I'm gonna go next.
“Parang right now I feel like the pandemic made the world so small, parang we’re all citizens of the world.
“Now we don’t have to be locked in one place.
“I feel like you can be based anywhere and still be completely functional as a person.”
Sa katunayan, kahit nasa UK na siya ay nakakagawa pa rin siya ng trabaho sa Pilipinas, salamat sa technology.
READ: Bela Padilla, "back to basics" ang pamumuhay sa London; babalik sa Pinas para sa promo ng 366
how bela is able to AFFORD LIVING IN THE UK
Hindi naman kaila na mataas ang standard of living sa UK na isang European country.
Pero napaghandaan ito ni Bela kahit na mahal ang mamuhay doon.
“I worked so hard when I was here in the Philippines, talagang worked hard every day,” paliwanag ng aktres.
“Wala rin akong time noon gastusin yung pera ko. So, nakaipon naman po ako. I’m very happy. Ang saya.”
Ani Bela, nakabuti sa kanya kung hindi siya masyadong nakakalabas noon sa Pilipinas dahil subsob sa trabaho.
“Well, dati nung time na yon, grabe di man lang ako makapunta ng mall, bumili man ng jacket, wala akong panahon…

Bela together with Dear Face owner Jonah Sison-Ramos
“Dati naaalala ko puro online. Bibili man ako, sa personal shopper. I would not really experience shopping for myself.
“So, I’m happy I went through that. I have savings, and I like investing in little things like with my brother…”
INVESTING IN BUSINESSES
Nabanggit din ni Bela na business partner din siya sa isang restaurant establishment sa Metro Manila.
“I like to experience and try things,”aniya. “I don’t keep all my eggs in one basket.
“Right now, I’m sustained by all of that and at the same time, because I’m still doing things like films.”
Si Bela ay namamahala rin ng itinayo niyang film company.
Binanggit din ni Bela na nagdesisyon siyang manirahan sa UK matapos ipasara ang ABS-CBN noong 2020.
Inamin ng aktres na labis siyang naapektuhan sa pangyayaring ito.
“I felt hurt. I felt like people decided on my livelihood without having experienced being on set, without knowing how hard it is to finish a project,” ani Bela.
Read:
- Who are the 70 solons who voted to kill ABS-CBN appeal for franchise renewal?
- ABS-CBN Corporation franchise renewal timeline; how much income did ABS-CBN lose in 2020?
