PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bettor napanaginipan ang winning combination sa SuperLotto 6/49

Ilang beses dumalaw sa kanyang panaginip.
by KC Cordero
Published Jul 7, 2023
The winner
Ilang beses napanaginipan ng 63 anyos na lola mula sa Agusan Del Sur ang winning combination. After two weeks ng pagtaya, tumama na iyon. Si PCSO Gaming Technology Department Manager Roger C. Ramirez ang nag-abot sa kanya ng premyo. (Photo courtesy of PCSO)

Iba-iba ang kuwento at diskarte ng mga tumataya sa lotto at nananalo ng jackpot prizes.

Isang halimbawa rito ang bettor na 63 anyos na lola mula sa Agusan Del Norte.

Napanalunan niya ang SuperLotto 6/49 jackpot prize na nagkakahalaga ng PHP27,978,266.40 para sa April 13, 2023 draw.

Walang ibang nakahula sa kumbinasyon na 48-19-10-17-47-49 kaya nasolo ng lola ang premyo.

Read: VIRAL: Babaeng rider na tuwang-tuwa sa nakuhang 5-star rating mula sa pasahero

The winner

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Sumamo ng money collector sa mga pumulot sa nagliparang pera worth PHP4M sa Cebu expressway: "Sana isauli."

Nang i-claim na niya ang kanyang napanalunan sa Philippine Charity Sweepstakes office (PCSO) Main Office sa Mandaluyong City noong May 23, 2023, ibinahagi niya sa panayam ng ahensiya na nagsimula niyang mapanaginipan ang winning combination dalawang linggo bago ang mismong araw ng bola.

Mula noon, naging madalas na niyang mapanaginipan ang naturang kumbinasyon.

Inilista niya ito, at tinayaan sa SuperLotto 6/49.

Read: Nakakaantig: Parting gift ng Singaporean woman sa Pinay yaya na nag-retire after 34 years

The winning ticket

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Natunton na! Turistang nag-ukit ng names sa Colosseum, nagmakaawa sa Italian authorities

Gayon na lang ang shock niya nang matapos ang ilang beses na pagtaya ay lumabas na ang napanaginipan niyang kumbinasyon.

Wala agad siyang nasabi kung ano ang kanyang gagawin sa perang napanalunan, pero hahayaan muna niya ito sa bangko.

Read: Chow Chow dog namatay dahil sa heat stroke sa isang pet hotel sa Antipolo

MGA PAALALA SA PAG-CLAIM NG PREMYO SA PCSO

Samantala, sa ilalim ng Republic Act No. 1169, ang mga lotto winners ay may palugit na isang taon mula sa petsa kung kailan binola ang kanilang napanalunan para makuha ang kanilang premyo.

Kung hindi makuha sa itinakdang palugit, magiging forfeited ang premyo at ilalagak ito sa PCSO Charity Fund.

Read: PUP at UP graduates, prayoridad i-hire ng mga kumpanya

Ipinaaalala rin ng PCSO na ang premyo na mahigit sa PHP10,000.00 ay kakaltasan ng 20 percent, alinsunod sa TRAIN Law.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Iniingatan din ng ahensiya ang personal na impormasyon ng mga nananalo ng jackpot prizes.

Read: Mag-asawang janitor, napa-graduate ang dalawang anak as cum laude, sa Ateneo

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ilang beses napanaginipan ng 63 anyos na lola mula sa Agusan Del Sur ang winning combination. After two weeks ng pagtaya, tumama na iyon. Si PCSO Gaming Technology Department Manager Roger C. Ramirez ang nag-abot sa kanya ng premyo. (Photo courtesy of PCSO)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results