Dalawang masuwerteng bettors ang nagwagi sa June 11, 2023 draw ng SuperLotto 6/49.
Pinaghatian nila ang jackpot prize na PHP15,840,000.00.
Ang winning combination na 18-29-21-48-10-08 ay pareho nilang nahulaan.
Ibinahagi ng Philippine Charity Sweepstakes Office ang kuwento ng dalawang lucky bettors na nag-claim na ng kanilang premyo noong June 14, sa PCSO Main Office sa Mandaluyong City.
Ang isa sa winners ay isang lalaki mula sa Makati City.
Sa panayam ng PCSO, sinabi niyang nagsimula siyang tumaya sa lotto noong 1995.
Read: Winner ng PHP366M Ultra Lotto 6/58 jackpot, planong mag-share ng napanalunan

Read: 17-anyos na dalagita, nag-vandalize sa Colosseum; dinala sa presinto kasama mga magulang
Bago naman niya nasuwertihan ang jackpot, ilang beses na siyang nanalo ng second prize sa iba’t ibang lotto games.
Aniya, madalas siyang makakuha ng limang tamang kumbinasyon.
Pagbabahagi ng lalaki, “Lagi kong sinasabi sa mga treasurer ng PCSO na babalik ako one day, yung jackpot naman ang aking babalikan.
“Nagkatotoo nga!”
Ang isa pang winner ay isang maybahay mula sa Caloocan City.
Kuwento niya, minadali niya ang kanyang mister na tumaya sa pinakamalapit na lotto outlet ng kahit isang kumbinasyon lang para sa SuperLotto 6/49 June 11 draw.
Read: DOTr: 130K driver's license cards, ire-release sa September

Read: Lola, ni-landing ang eroplano matapos magka-medical emergency ang piloto
Magsasara na raw kasi nang araw na iyon ang pagtanggap ng bets.
Anang ginang, “Sabi ko sa asawa ko na kahit anong numero na lang, basta ihabol mo.
“Tapos tumama pa pala kami ng jackpot!”
Ayon sa ginang ay plano nilang bumili ng sariling bahay at lupa, at magnegosyo.
Read: Pink burger inilunsad para sa Barbie movie
MGA PAALALA SA PAG-CLAIM NG PREMYO SA LOTTO
Samantala, sa ilalim ng Republic Act No. 1169, ang mga lotto winners ay may palugit na isang taon mula sa petsa kung kailan binola ang kanilang napanalunan para makuha ang kanilang premyo.
Kung hindi makuha sa itinakdang palugit, magiging forfeited ang premyo, at ilalagak ito sa PCSO Charity Fund.
Read: “Ibong Adarna” namataan sa Mount Apo
Ipinapaalala rin ng PCSO na ang premyong mahigit sa PHP10,000.00 ay kakaltasan ng 20 percent, alinsunod sa TRAIN Law.
Tinitiyak din ng ahensiya na pananatilihing confidential ang mga impormasyon ng mga magwawagi sa lotto para sa seguridad ng mga ito.
Read: Name this rare white lion born in Malabon Zoo
