PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cold-Brew Biz: PHP15K Daily from Laziness

He started doing side hustles at age 14
by Bernie V. Franco
Published Jul 24, 2023
mon mendoza coffee store
Si Mon Mendoza, 21, ay nagismulang magbenta ng kape noong February 2023, gamit ang inutang na PHP15,000. Ngayon, ang PHP15,000 na inutang ay kaya niyang kitain sa isang araw.
PHOTO/S: Facebook (Ako si Mon)

Nakakabilib ang success story ni Mon Ivan Mendoza, 21, taga-Olongapo.

Siya ay isang college student na nagtayo ng pop-up coffee store gamit ang lumang kariton ng kanyang nanay.

Nagsimula ang business niya noong February 2023, gamit ang PHP15,000 na puhunan, na inutang niya sa isang kaibigan.

Ngayon, kumikita na siya ng PHP8,000 hanggang PHP15,000 kada araw.

Read: Grade 10 student on PHP1M graduation gift: “This has gotta be a prank.”

PUTTING UP THE COFFEE SHOP

Wala rin siyang kaalam-alam sa pagtimpla ng kape noon.

Paano siya nagkaroon ng kaalaman pagdating sa pagtimpla ng kape?

“Wala po talagang nagturo sa akin. Bale naging self-taught lang yung nangyari,” sabi ng Communication student.

“Nakita ko na ang mahal pala ng enrolment para maging barista.

“Nag-decide ako na mag-YouTube tapos lahat ng napanood ko sa YouTube pinagsama-sama ko, hanggang natuto po ako.”

Paano naman natuto si Mon na patakbuhin ang kanyang negosyo lalo pa kung wala siyang alam tungkol sa coffee shop?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“To be honest hindi talaga ako mahilig sa kape. Ngayon, siyempre, gawa ng business-minded ako talaga, kaya iyon ang pinili ko kasi nakikita ko ngayon na malakas ngayon yung coffee,” lahad niya sa Pera-Paraan episode ng GMA Public Affairs, noong July 15, 2023.

Sa simula ng negosyo ay nalugi si Mon.

Aniya, 50 bottles ng kanyang cold-brew mixture ang napanis.

“Nag-i-start pa lang ako noon kaya ramdam na ramdam ko pa yung pagkatalo ko noon.

“Kaya medyo nasaktan ako nung itme na iyon, tapos di ko alam kung ano ang gagawin ko.”

Pero mas pinag-igihan niya ang preparasyon para sa kanyang produkto.

Sa pagpapatuloy niya, “Kaya rin pala umabot ng PHP15,000 kasi kasama na doon yung trial and error ko, tulad ng nasayang na syrup ko, yung mali ko na nabili na syrup, yung mali kong nabiling [coffee] beans…

“Umabot din ako ng halos one month. Ang daming trial and error,” sabi ng binata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: I.T. engineer, nag-resign sa trabaho para magtinda ng siomai; benta per day ay PHP5K

coffee

Malakas ang loob ni Mon, at wala sa isip niya ang panghinaan ng loob.

Hindi naman ito kataka-taka dahil sa edad na 14 anyos ay dumidiskarte na siya para kumita ng pera.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Naging coach siya ng mga bata sa football, ang paborito niyang sport. Nag-try din siya ng phone photography, at nagbenta ng mga ukay-ukay clothes online.

Naranasan din niyang magpintura at maging delivery rider.

Sabi pa niya, “Ayaw pa nga ni Mama non kasi siyempre delikado sa daan. Pero makulit talaga ako. Gusto ko talagang kumita ng pera.”

Ipinaayos din niya ang lumang cart na ginagamit noon ng ina sa pagbebenta ng kung anu-ano, at ito ang ginawang cart ni Mon para sa kanyang business.

Sa simula ay mga kaibigan at kakilala lamang ang mga bumibili kay Mon.

Nagsimula siyang gumawa ng mga videos tungkol sa kanyang business journey at in-upload ito.

Ilan sa mga ito ay million ang views; ang isa pa nga ay umabot ng three million.

Tinawag niya ang sarili na tamad pero may pangarap, at handang gawin ang lahat para sa kanyang pangarap.

Read: Expectation vs reality? Netizens on photos of Ibong Adarna: “Hindi naman pala kagandahan”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

picture taking

HELPING THE FAMILY

Malaking tulong ngayon ang ibinibigay niya sa bahay lalo na't walang permanenteng trabaho ang mga magulang niya.

“Bumibili na ako ng bigas. Minsan ako na yung nagbabayad ng ilaw. Nagdadagdag din ako ng pag-rent ng bahay. Minsan naggo-grocery na rin ako.”

Biro pa niya, hindi na lang ang coffee business niya ang nire-restock niya kundi pati ang kanilang bahay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Noon ko pa naman pangarap yun. Bata pa lang ako, nasa utak ko na balang araw, pag nagkapera ako tutulong ako sa family.

“Marami silang sinacrifice para sa aming magkakapatid, kaya gusto kong bumawi sa kanila.”

Samantala, maraming ang gumagaya sa viral video concept ni Mon.

Marahil aniya, natagpuan na niya ang kanyang calling as a entrepreneur at content creator.

“Nagugulat ako sa mga nangyayari. Hindi talaga ako sanay.

“Di ko rin ine-expect, pero matagal rin ito sa isa sa mga pangarap, ang maging ganito.

“Baka ito na yun. Para sa akin na sana…”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Mon Mendoza, 21, ay nagismulang magbenta ng kape noong February 2023, gamit ang inutang na PHP15,000. Ngayon, ang PHP15,000 na inutang ay kaya niyang kitain sa isang araw.
PHOTO/S: Facebook (Ako si Mon)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results