PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Viral sa TikTok na lola, 97, may makulay na kuwento

She used to be a doting public school teacher.
by Mavell Macaranas-Dojillo
Published Jul 26, 2023
chris punsalan photos with grandma
Chris Punzalan shares in his viral videos the life of her grandmother that has made him love her deeply. (In the photos - L-R) Chris's grandmom in her younger years; a young Chris and grandmother; Chris now taking care of his grandmother.
PHOTO/S: TikTok (@firstnamechris)

Idinaan sa TikTok ng Filipino-American content creator na si Chris Punsalan ang pagdiriwang ng 97th birthday ng kanyang lola.

Sa video ay ipinakita nito ang kanilang simpleng selebrasyon, kung saan makailang beses nagtanong si Lola kung “sino ang may birthday.”

Bagamat hindi siya kumbinsidong siya ang may birthday, malinaw na malinaw nitong natatandaan na siya’y ipinanganak noong July 4, 1926.

Ilang beses din itong nagpasalamat sa apong si Chris, minsan sa wikang Kapampangan, sa pagbati sa kanya at sa pagpapakain sa kanya ng apo.

Si Chris at ang kanyang Lola ay ilang beses nang nag-viral sa Tiktok mula pa noong 2022 dahil sa kanilang “A Day in the Life” posts.

Read: Pinoy gets millions of views for videos about being caregiver to his grandma; denies being clout chaser

Ibinabahagi ni Chris ang pagiging full-time caregiver nito sa lola.

Ang pamilya nila ay mula sa Pampanga, at sa kasalukuyan ay naninirahan sa Henderson, Nevada, USA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkaroon ng following si Chris dahil ipinapakita niya ang sakripisyo bilang apo sa pag-aalaga sa kanyang lola.

Sa isang recent video, ibinahagi ni Chris ang makulay na kuwento ng birthday girl.

Read: Bye-bye Blue Bird: Twitter’s logo replaced by X

used to be a doting TEACHER

Dahil sa katandaan at sa sakit na osteoporosis, hindi na makalakad ang lola ni Chris.

Pero binanggit ng binata na noon ay naging public teacher ang lola niya sa Pilipinas sa loob ng dalawang dekada.

Naging guro raw siya ng Grades I hanggang 5, at malalim ang dedikasyon nito sa pagtuturo.

Ani Chris sa video, “Which is why at 97 years old, she still loves to read, and still loves to spell, and sound out words that she can’t pronounce.”

Noong kapanahunan ng kanyang lola, uso pa raw noon ang pagdidisiplina sa mga estudyante sa pamamagitan ng pagpalo sa mga ito kapag may ginawang hindi maganda.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: "Lazy" student starts cold-brew business; now earning up to PHP15,000 a day

black and whit photo

Pero hindi raw ito pinapaboran ng lola ni Chris.

Pagbabalik-tanaw ng lola, “Mahal ko ang mga bata. Hindi ako namamalo. Pinupuna pa nila [other teachers] ako.”

Sinasabihan daw noon si Lola ng kapwa niya guro kung bakit hindi niya dinidisiplina ang mga mag-aaral niyang matigas ang ulo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot daw ni Lola sa mga guro, “Bakit hindi niyo pabayaan? Pabayaan niyo sila. Mga bata pa sila.”

Marami rin daw sa mga estudyante niya noon ay walang baon para makabili ng pananghalian.

Kaya ang ginagawa niya ay inaabutan ito ng mga barya para may makain.

Sabi ng matanda, “Minsan binibigyan ko sila ng pera nang patago. ‘Huwag ninyong sasabihing binibigyan ko kayo ng pera,’ sabi ko. Nakakaawa sila. Wala silang pambili.”

Ang pagtulong sa kapwa ay kinalakihan daw ni Chris, na nais niyang ipamana sa mga magiging anak niya at nais ituro sa kanyang social-media followers.

CHRIS AND LOLA GO VIRAL

Minsan na ding na-feature ang 29-year-old na binata at kanyang grandma sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) dahil sa milyong views na inaani ng kanilang mga Tiktok videos kung saan makikitang pinapakain, inaalagaan, at inaaruga ni Chris ang matanda.

Imbes na dadalhin sa home care, kung saan kadalasan dinadala ang mga senior sa America, nagdesisyon si Chris na siya na lamang ang mag-alaga dito simula pa noong 2015.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento ni Chris sa ANCX, “Everybody else was working and I’d rather just take care of grandma because she took care of me [since I was young boy], and I don't want to see her in home-care.”

Inalagaan din umano siya nito simula pagkabata kaya’t hindi mabigat sa kanyang loob na alalayan ito ngayong hindi na nito kayang kumilos mag-isa.

Read: Security guard’s son graduates valedictorian from maritime academy: "Ma, Pa, I made it."

Chris Punsalan and his grandma

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lumikha ng social media accounts si Chris para ipahayag ang kanyang hilig sa musika.

Pero matapos mag-viral ang ilan niyang posts tungkol sa kanyang lola ay halos ito na lamang ang naging focus ng kanyang channel.

At patuloy itong tinatangkilik ng publiko. Ang birthday post ay mayroon nang 273,600 views, 29,400 heart reactions, at 763 comments.

Sa kasalukuyan, si Chris ay mayroon nang 2.1 million followers sa Tiktok, 1.11 million subscribers sa YouTube, 966,000 followers sa Instagram, at 645,000 followers sa Facebook. Karamihan sa mga ito ay aliw na aliw sa videos ng mag-lola.

At patuloy siyang gumagawa ng videos, lalo at nakatutulong ang mga ito upang ma-inspire ang iba.

Ani Chris, “[They are for the] young people that DM me saying because of my videos, they want to take care of their parents or grandparents when they get older, because they don't want to see them in a nursing home.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Chris Punzalan shares in his viral videos the life of her grandmother that has made him love her deeply. (In the photos - L-R) Chris's grandmom in her younger years; a young Chris and grandmother; Chris now taking care of his grandmother.
PHOTO/S: TikTok (@firstnamechris)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results