Nang itayo ni Jessica Absalon ang kanyang samgyupsal grill business, wala pang isang buwan ay nakabawi na siya agad.
Ang JK Samgyupsal ni Jessica at ng partner na si Kevin Kyle Cadavis ay nag-o-offer ng unli samgyupsal for PHP199.
Kasama na rito ang unlimited plain and marinated pork, side dishes, lettuce, rice, at drinks.
Di hamak na mas mura kumpara sa ibang samgyupsal na umaabot ng PHP400-PHP600 per head.
Ang kinikita ng kanyang samgyup grill ay PHP50,000 kada araw.
Dalawa na ang kanyang branches sa Cavite—sa Dasmariñas at Imus.
Ibig sabihin, kumikita siya ng PHP100,000 kada araw.
May promo rin sila na nagpapakain nang libre kung mapipiling winner.
Tulong at pasasalamat ito ni Jessica, na naging isang mangangalakal noon.
Read: "Lazy" student starts cold-brew business; now earning up to PHP15,000 a day

SAMGYUP BUSINESS from vlogging
Naitampok ang success story ni Jessica sa Pera Paraan ng GMA Public Affairs noong July 1, 2023.
Nabanggit sa interview na nag-viral ang isa niyang post nang pinakain sa kanyang samgyup store ang isang bata at lolo nito nang libre noong nakaraang taon.
Nahabag daw kasi si Jessica nang malaman niyang sinikap mag-ipon ng bata para ma-experience ang samgyup kasama ang lolo nito.
“Natuwa ako sa bata kasi galing din ako sa hirap. Na-relate ako sa bata,” sabi ni Jessica.
“Nagkakalakal po ako dati. Ang nakukuha po namin is yung karton, tapos yung plastic, mga bote po…
“Then minsan po yung mga sirang mga gamit. Kapag masyadong mahina sa vulcanizing, nag-aano si Papa, kukuha ng mga basura sa palengke, then minsan ang bayad sa kanya doon, binibigyan po siya minsan ng mga frozen food.
“Yun po yung inuuwi niya sa bahay at pinagsasaluhan naming pamilya.
“Si Mama po is nagtatahi ng sako kasi malapit po kami sa junk shop.”
Dahil sa barong-barong sila nakatira, binabaha ang kanilang tirahan noon, at hirap kapag may baha dahil hindi agad bumababa ang tubig.
Read: Viral sa TikTok na lola, 97, may makulay na kuwento
BEING THE BREADWINNER
Pero nagbago ang buhay ni Jessica nang maitampok noon sa vlog ng iniidolo niyang vlogger, si Lloyd Cadena.
Na-engganyo ni Lloyd si Jessica na gumawa ng sarili niyang vlog.
At dahil sa vlogging, nakaipon si Jessica ng pampagawa ng kanilang bahay na nasira noon dahil sa road widening.
Nagkaroon din siya ng puhunang PHP50,000 para sa samgyup business.
Paehong mahilig sa samgyup sina Jessica at Kevin kaya alam nila ang tamang timpla at kalidad na lasa.
Bukod sa unli samgyup, nag-o-offer din sila ng unli wings with fries sa halagang PHP218.
May promo rin sila kung saan pakakainin nang libre ang isang nag-share ng promo post at ilalagay sa caption kung bakit siya deserving na mabigyan ng free samgyup.
Samantala, nakabili na ng kotse, delivery van, at 100 square-meter na lote sina Jessica at Kevin.
Bukod sa successful business, masaya rin ang dalawa sa kanilang relasyon, sa kabila ng pangungutya dahil si Jessica ay member ng LGBTQIA community.
Payo naman nila sa mga nais magnegosyo: “Huwag matakot makipagsapalaran, huwag matakot sumugal, at share your blessings.”
