PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Neil Severino, nakapagtapos ng college dahil sa kanyang leaf art

He is a self-taught artist
by Bernie V. Franco
Published Jul 28, 2023
giant leaf art
Ito ang isinulat ng leaf artist na si Joneil Calagos Severino ng Samar sa kanyang graduation picture: "Anong mapapala mo sa kad'drawing?" Si Neil ay nakapagtapos dahil sa pagiging leaf artist.
PHOTO/S: Facebook (Joneil Calagos Severino)

Napaka-inspiring ng kuwento ni Joneil Calagos Severino, isang leaf artist na mula Gandara, Samar.

Patok sa netizens ang mga obra niya ng mga local at international celebrities gamit ang dahon.

Kinokomisyon siya ng mga kliyente sa pag-uukit at karamihan sa kanila ay overseas Filipino workers o kaya taga-Maynila.

At ang kita niya sa pagiging leaf artist ang nakatulong sa kanya na makapagtapos ng Bachelor of Elementary Education sa Northwest Samar State University nitong Mayo 2023.

Nakakatuwa na sa kanyang graduation pic, may mga white boards na props.

Nakasulat sa white board na hawak niya: “Anong mapapala mo sa kad’drawing?”

Katabi nito ay drawing ng taong naka-toga, indikasyong dahil sa pagiging artist ni Neil ay nakapagtapos siya.

Read: Nursing student na hinarang sa graduation noon, pumasa sa board exam: “No one can rob me of this title.”

graduation picture

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paano nga ba naisipan ni Neil na umukit ng mga imahe sa dahon?

Nagsimula raw ito noong July 2021, panahon ng pandemya.

Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal): “Since gumagawa ako ng mga charcoal paintings at iba pang art, umabot sa point na dahil sa kakulangan ng materials at masyadong magastos if bibili ako ng materials.

“Kaya doon po nakita namin ng pinsan ko (ka-art collab ko noong una), nakita namin yung Giant Taro Leaf sa paligid lang namin.

“At doon napaisip kami na, ‘What if yun na lang gawin namin as canvass para di na gagastos pa?’

“Kaya yun, tuluy-tuloy na nakagawa at nakaka-amaze, kaya tinuluy-tuloy ko na din.

“Ngayon, ako na lang gumagawa ng Giant Leaf Art kasi yung pinsan ko na-busy sa school.”

Ipinaliwanag ni Neil ang proseso ng pag-uukit sa dahon, “Kumukuha muna ng leaf, nagli-lay out muna bago ko i-cut gamit ang precision knife.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Gay employee, nakatanggap ng compensation matapos i-out ng boss

maria clara giant leaf art

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong simula raw ay maraming hindi bilib sa kanyang mga gawa.

Pagbabahagi niya, “Sobrang daming criticisms, lalo na yung mga nagsasabi na ang panget daw ng mga gawa ko.

“Pero never akong naapektuhan. At least, alam ko sa sarili ko na every day is a learning process.”

Fast forward, marami na ngayong nakaka-appreciate sa kanyang mga obra.

“Di ko in-expect lahat na papatok yung mga obra ko sa mga tao.

“Daming naging supporters at nai-inspire para sa mga aspiring artists din. Blessed lang sa mga dumadating na opportunities.”

Sa pamamagitan daw ng pagiging leaf artist, nakahanap siya ng mapagkakakitaan para sa kanyang paper works sa school, pamasahe, at minsan ay pambili ng pagkain para sa pamilya.

Big help BEING A LEAF ARTIST

Ang kanyang ama ay isang construction worker at ang kanyang ina naman ay isang housewife.

At dahil apat silang magkakapatid, hindi kasya ng sinasahod ng kanyang ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Naghahanap na ako ng paraan para kahit papaano makatulong in my own way,” sabi niya sa interview ng Mag Badyet Tayo ng One PH.

“Nakikita ko kasi na mahirap na sila, hindi na sila nakakasustento sa araw-araw.

“Naisipan ko na maghanap ng paraan para kahit papano makasuporta sa pag-aaral [ko].

“Nakapagtapos po ako ng pag-aaral dahil sa sarili kong pagsisikap.”

Dahil masyadong malaki ang giant taro leaf, medium-sized leaf ang ginagamit ni Neil na kanya na ring inilalagay sa frame.

Kaya niya itong gawin sa loob ng isang oras, pero nagtatagal dahil kailangan pang i-frame.

Nasa PHP5,000 naman ang presyo ng bawat gawa.

Read: Kilalanin ang interpreter sa Japan na pinaglaanan ng oras ni Tom Cruise

crucifix leaf art

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi niya pa sa kanyang art, “Bilang self-taught artist, kung ano ang nakikita ko masyadong imaginative ba, creative ba, sa pag-iisip na gumawa ng mga art na kakaiba.”

Sabi pa niya sa PEP.ph, “Kahit papano daming nakakakilala at nagta-trust sa mga art ko.”

Ano ngayon ang next plans niya?

“Planning to share my talents in soc med platform or even in community.

“Actually, ginagawa ko na siya. Nag-create ako ng Art Group sa community namin at registered na siya sa National Youth Commission, kaya hoping na more pang kabataan ang ma-inspire at ma-impart knowledge ko sa art.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ito ang isinulat ng leaf artist na si Joneil Calagos Severino ng Samar sa kanyang graduation picture: "Anong mapapala mo sa kad'drawing?" Si Neil ay nakapagtapos dahil sa pagiging leaf artist.
PHOTO/S: Facebook (Joneil Calagos Severino)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results