PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joana Marie Proud of Humble Beginnings

"That’s the best that you have, e, at that moment."
by Rommel Gonzales
Published Aug 12, 2023
Joanna Marie
Meet Joanna Marie, isang segment host sa TV show na Circle of Influencers sa Light TV network (God's Blessings of Channel), ang sister TV station ng A2Z.
PHOTO/S: courtesy of Joanna Marie

Pinasok na rin ng entrepreneur na si Joana Marie ang hosting sa pamamagitan ng "A Journey With Joana Marie," na isang segment sa TV show na Circle of Influencers, na nasa Season 2 na ngayon.

This is another feather in her cap.

And aside from being an entrepreneur, fashion designer din siya ng clothing brand niya ng Funtabulous at co-owner ng Laurus Enterprises, isang events company na nag-oorganisa ng mga internationally-recognized seminars at trainings, gaya ng Millionaire Mind Intensive, National Achievers Congress, TakeOff Summit, at Cashflow 101 Workshop.

Aniya, "I organize events and manage events related to personal development and self-growth."

Sino ang mag-aakalang lumaki siya sa hirap?

HUMBLE BEGINNINGS

Sa panayam ni Joana Marie sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nagkuwento ito tungkol sa mga pinagdaanan niya sa buhay bago narating ang kanyang estado ngayon.

“Actually sobrang dami po,” at natawa si Joana Marie.

“Ang turning point po para sa akin, when I was eighteen years old po. That was the height of our poverty. I grew up in the slums, from squatters’ area po ako, sa Commonwealth po, Holy Spirit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nagtitinda po ang nanay at tatay ko po ng isda, nagtitinda din po sila ng manok, kung ano yung puwedeng itinda. Pero lumaki po talaga ako na nagtitinda sila ng isda.

“So from time to time, kami pong magkakapatid tumutulong din po sa pagtitinda.”

Pangalawa sa apat na magkakapatid si Joana Marie.

At bagamat salat sila sa buhay, itinawid ng mga magulang na pag-aralin siya sa De La Salle University sa Cavite, kung saan lumipat ang pamilya mula sa Commonwealth.

Pagbabalik-tanaw ng negosyante, “Dumating po sa point na pumapasok ako sa college na I only have twenty pesos. E, ang pamasahe na po before, seven or eight pesos. I only have four pesos everyday.

“But I survived it, nasa school po ako from 7 a.m. until mga 6 p.m., whole day na hindi ako kumakain because I was very determined po.

"Gusto kong makatapos ng pag-aaral because yung parents ko, naniniwala sila sa power of education.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Gusto ko pong ibalik sa kanila yung effort po na ginagawa nila para sa akin.

“Kasi ang gusto ng parents ko kahit papaano, maganda pa rin yung school.

“Kasi dito sa atin sa Philippines, whether we like it or not, talaga pong minsan yung pangalan ng school nagma-matter, di ba, sa success.

“So pinilit po ng mga magulang ko na maipasok ako doon although Vocational, Secretarial course po yung kinuha ko.”

Hindi natapos ni Joana Marie ng kanyang kursong Secretarial dahil sa problema sa tuition fee.

At dahil na rin sa kahirapan ay nagkahiwa-hiwalay ang kanilang pamilya.

Naging turning point naman sa buhay ni Joana Marie ang minsan ay pagkain nila ng kanyang pamilya ng panis na kanin. Hinugasan daw ito, iniluto ulit, at nilagyan ng asin ng kanyang nanay.

Sabi ni Joana Marie tungkol sa kanyang ina, “Madiskarte po kasi ang nanay niya, at iyon po ang natutunan ko sa kanya, she’s always been a warrior and a survivor."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inilahad pa ni Joana Marie ang kanyang naramdaman habang kinakain ng kanyang pamilya ang panis na kanin.

“Kasi ang goal at that time is to make use of what you have in front of you.

“When we are about to eat it po, hindi ako makatingin sa nanay ko, kasi po I know how defeated she felt. Na parang ang sakit, for sure, para sa isang magulang na kailangan mong gawin iyon para sa anak mo.

“Pero that’s the best that you have, e, at that moment. Ang pinaka-goal mo is to survive. Na mabuhay kayo one more day.

“So even though I know na nahihirapan ang nanay ko, I wasn’t looking at her or I wasn’t acknowledging her because I could feel how defeated she was at that time.

“But, at the same time, gusto ko rin pong i-preserve yung little dignity that she has. Ayoko pong ipakita sa kanya that I was so hurt at that moment na nangyayari po iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero while we were eating, and I could see her at the corner of my eyes, she was crying, and I was crying, too.

"And right at that moment, something in me clicked, and I made the decision.

"Sinabi ko po talaga sa sarili ko that this is going to be the last time that me and my family ay kakain ng panis na kanin.

“I will never allow this to happen again.”

OVERCOMING POVERTY

Bumalik si Joana Marie sa Maynila mula sa Cavite at namasukan sa iba-ibang klase ng trabaho.

Kasama na rito ang pagiging manager ng isang karaoke bar at hardware store ng isa nilang kamag-anak sa Sta. Mesa.

Nag-aral din siya sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) at naging working student.

“Ang tulog ko po is 2-3 hours araw-araw, and I was okay with this because my intention is to finish school.”

Noong nagsara ang negosyo ng kanyang kamag-anak, nagtrabaho si Joana Marie bilang promodizer ng isang brand ng insect killer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang uniform ko po is white T-shirt na may napakalaking picture ng ipis sa likod!

“Nag-flyering din po ako, namimigay ng flyers."

Marami pang ibang naging raket si Joana Marie.

"Nag-real estate po ako, nag-telemarketing po ako, ang dami ko pong pinasok na trabaho.”

Nagturo rin siya ng English language sa mga Korean students habang nagtatabaho sa isang BPO company. Kasabay ito ng kanyang pag-aaral, hanggang sa natapos niya ang kanyang kursong Secondary Education.

At sa tuwing may makikilalang mga bagong kaibigan si Joana Marie ay pinapalad siya na marami sa mga ito ang may ginintuang puso at tumulong sa kanya, lalo na tungkol sa pagnenegosyo at pagtulong sa mga tulad niyang dumanas ng hirap.

Kahit nakapasa sa Licensure Examination for Teachers ay hindi na nakapagturo sa eskuwelahan si Joana Marie dahil pinalad na siyang maging matagumpay sa corporate world at pagnenegosyo.

hOSting stinT

Samantala, umere ang pilot episode ng segment niya noong July 8, 2023, sa Light TV network (God's Blessings of Channel), ang sister TV station ng A2Z.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Produced ito bilang isang blocktime program ng Mabuhay Philippines Digital Network, at mapapanood tuwing Sabado, 1:30 p.m.

Ang naturang segment ay conceptualized and directed by Jag Cruz, na isa ring filmmaker at content creator.

Kuwento ni Joana Marie sa panayam ng PEP.ph, “Si Direk JG Cruz, si Direk Jag, he messaged me, asking kung naghu-host po ba ako. I met Direk po last October 30, 2022, in Okada Manila."

Kahit unang sabak niya sa telebisyon, kapansin-pansing may ibubuga si Joana Marie bilang isang host.

“Maybe because it’s something that I truly love deep within me, it’s something that I know is me. Kasi when I decide on something po kasi, I do not decide based on the profession, I decide on who I am.

“So I create my intention, I make my life based po doon sa tanong na, ‘Sino po ba talaga ako?’

“Once I decided na ito ako, and this is what I can do, the how and the what po kasi sobrang bilis na lang niyan, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And I always believe nga po that in everything that I am doing, I’m always being supported by my own Divine Creator who I call Daddy, You are my Father God. Jesus is my Brother. Catholic po kasi ako."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Meet Joanna Marie, isang segment host sa TV show na Circle of Influencers sa Light TV network (God's Blessings of Channel), ang sister TV station ng A2Z.
PHOTO/S: courtesy of Joanna Marie
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results