PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Senior mom yearning for time with her kids touches viewers of E.A.T.

"Kami yata [magulang] mga pa-raffle na lang."
by Chan-Chan Torres
Published Aug 20, 2023
E.A.T. hosts
Maging ang E.A.T. hosts ay naging emosyonal nang magkuwento si Nanay Angie (3rd from left) na pakiramdam niya ay hindi na siya dinadalaw ng kanyang mga anak at kailangan niyang mamuhay nang mag-isa mula noong pumanaw ang kanyang asawa.
PHOTO/S: YouTube (TVJ)

Trending ngayon sa social media ang isang nanay na nananawagang mabisita man lang sana siya ng kanyang mga anak.

Hindi naitago ni Nanay Angie sa E.A.T. audience ang kanyang pangungulila sa dalawang anak.

Natalakay sa “Babala…’Wag Kayung Ganuuun” segment ng TV5 noontime show ang mala-teleseryeng kuwento ni Nanay Angie.

Nangyari ito sa August 15, 2023 episode. Na-share ang segment ni Nanay Angie sa iba pang social media platforms at nagkaroon ng maraming views at engagements.

Marami ang naantig sa kanyang kuwento.

Dito niya sinabing tatlong taon na siyang namumuhay mag-isa mula nang mabiyuda siya.

Maganda, mapustura, at articulate magsalita si Nanay Angie.

Kahit sino ay hindi aakalaing mabigat ang dinadala niya sa edad na 73 anyos.

Aniya, kinakaya niyang namumuhay mag-isa sa kanyang katandaan kahit may dalawa siyang anak.

Naantig naman ang damdamin ng mga hosts ng segment na sina Allan K, Ryan Agoncillo, Paolo Ballesteros at Miles Ocampo sa kuwento ni Nanay Angie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa VTR screen, ipinakita ang mga photos ng pamilya nila. Malaki, masaya at may mga ganap sa kanilang pamilya lalo na noong nabubuhay pa ang kanyang mister.

Pero tila nagbago ang lahat noong nawala na ito.

Read: How Pinoy student impressed Harvard University; gets full scholarship from 5 U.S. universities

"NASAAN KAYO MGA ANAK?"

Tinanong si Nanay Angie kung ilang taon na siyang namumuhay mag-isa at kung ilang taon na ang mga anak nila ng mister?

Sagot niya, “Three years na since he passed away.”

Aniya, dalawa ang kanilang anak, isang 44 anyos at 42 anyos. Nandito lamang daw sila sa Pilipinas.

Mula nung namatay ang asawa ni Nanay Angie, nagbago na rin ang lahat. Tila nagkanya-kanya na sila ng mga anak niya.

Tanong pa ni Paolo, “At saka ang laki pala po ng family nila. Bakit mag-isa po kayo?”

“It’s because wala na si husband,” sagot ni Nanay Angie.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“E, yung mga anak?” balik-tanong ni Paolo.

“Meron na silang mga pamilya na sarili nila,” sagot ni Nanay Angie.

Sumundot naman ng tanong si Allan K.

“Mommy Angie, gaano po kayo kadalas dalawin ng mga anak ninyo?”

”Once in a blue moon,” seryosong ng nanay na contestant.

“Hindi po ba kayo nagtatampo sa kanila?” tanong muli ni Allan K.

“Ay…ay, sabi ko nga kami yata [magulang] mga pa-raffle na lang.

“Kasi feeling ko kapag katulad naming kaya namin, [iniisip nila] hmmn, ‘Kaya naman ‘yan ni Mama.’

“Sorry, emotional ako,” unti-unti nang naging emosyonal si Nanay Angie.

Sa puntong ito, dama na rin ang simpatya ng mga hosts sa nangungulilang nanay.

Kilalang malapit sa mga magulang niya si Ryan, kaya dama niya ang bigat ni Nanay, “Tita Angie, ba’t nararamdaman namin na it’s not totally by choice?”

“I have to be alone kasi ayoko namang makitira mga anak, e, may mga manugang ‘yun,” sagot ni Nanay Angie na tila ang punto niya’y ayaw niyang maging kontrabidang mother-in-law.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Meet Sibulan, 3-year-old Philippine eagle na na-rescue sa Mt. Apo

E.A.T. hosts

Nanay Angie (center) wipes away her tears as she turns emotional talking about living alone and yearning for her kids to visit her.

PANAWAGAN NI NANAY

Dahil balot na ng emosyon ang paligid, hiniling ni Allan K. na manawagan na si Nanay Angie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa paraang ito, posibleng makarating sa mga anak ang laman ng kanyang damdamin.

Simula ni Nanay Angie, “Actually, hindi nila alam na nandito ako. Ang nakakaalam lang yung mga kaibigan namin.

“Busy sila, parang ano ba? May mga sasakyan naman kayo, bakit hindi niyo ako madalaw? Nakakapunta kayo kung saan-saan, bakit ako dito lang?….” naluluhang pahayag ni Nanay Angie.

“Hindi kasi ako mukhang kawawa kaya binabale-wala na lang nila ako. Feeling ko lang po yun,” sundot niya.

“Ang feeling ay puwedeng maging tama, puwedeng maging mali. So, it’s my feeling na parang nini-neglect nila ako, although feeling ko hindi naman,” maluha-luhang sabi ni Nanay Angie.

Trending at hindi pinalampas ng netizens ang magkomento sa isyu ni Nanay. Karamihan ay nakiki-simpatya sa kanyang pinagdadaanan.

Anila, valid ang nararamdaman ng senior na contestant.

May mga nagsasabi ring patas at hindi naman ito paninira sa mga anak niya.

Read: Pahayag ng UP Diliman summa cum laude sa E.A.T., patama ba kay Tito Sotto?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HUGOT NI NANAY

May ilang binitiwang salita si Nanay Angie na nakaantig sa puso ng marami.

Tulad ng sinabi niyang, “May mga sasakyan naman kayo, pero ba’t di niyo ako madalaw?” at “kami yata mga pa-raffle na lang…” na ibig sabihin ay maswerteng mabibigyan ng oras at halaga, puwede ring hindi.

Hindi man natin lubos na nalalaman ang kuwento ni Nanay Angie at ng kanyang mga anak, iba pa rin kapag binibigyan ng halaga ang magulang, lalo na sa kanilang katandaan.

Lagi nating naririnig ang mga katagang 'life is short' at 'time is precious.' Kaya sana ibigay natin ito sa mga taong mahalaga sa atin higit lalo na sa ating mga magulang.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maging ang E.A.T. hosts ay naging emosyonal nang magkuwento si Nanay Angie (3rd from left) na pakiramdam niya ay hindi na siya dinadalaw ng kanyang mga anak at kailangan niyang mamuhay nang mag-isa mula noong pumanaw ang kanyang asawa.
PHOTO/S: YouTube (TVJ)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results