Mas prefer daw ng kababaihan ang mas matangkad na lalaking partner.
Ito ay ayon sa isang artikulong lumabas sa Fox News noong August 18, 2023.
Ilang relationship experts ang may paliwanag tungkol sa height differences pagdating sa pakikipag-date.
Ayon kay Avigail Lev, founder and director ng Bay Area CBT Center sa San Francisco, ang heterosexual women (straight na babae) ay karaniwang attracted sa matatangkad na lalaki dahil sa “evolutionary, biological and social reasons."
Read: Aso, "bad influence" sa amo; drinking buddies ang dalawa

Ang pagkakaiba sa pagitan ng “nature” at “nurture” ay masyadong masalimuot sa maraming aspeto kaya mahirap tiyakin kung alin ang mas biological kumpara sa kung alin ang mas naiimpluwensiyahan ng lipunan.
Ani Avigail, napakaraming ebidensiya para sa cultural differences pagdating sa beauty standards.
"Evolutionary or biological models would say that height is linked to health and strength in a mate or that, sociologically speaking, it is linked to strength, power, the ability to provide and be strong.”
Tinukoy ni Avigail na ang imposed gender roles at ang resource availability ang mga dahilan kung bakit mas gusto ng kababaihan ang lalaking matangkad.
Read: Remembering Babette Villaruel
BABAE MAS DEPENDENT NOON SA LALAKI
Ang mga babae na masyadong dependent sa lalaki pagdating sa pera at seguridad sa buhay ay hindi masyadong pihikan sa hitsura kapag naghahanap ng romantic partner.
Palasak ayon kay Avigail ang ganitong mindset sa mga kababaihan noong 1930s, 1940s, at 1950s.
Samantala, binanggit din niya na noong mga panahong nabanggit sa itaas, mas tinitingnan naman ng kalalakihan ang hitsura ng babae, at hindi importante kung may career ito o wala.
Read: Meet Sibulan, 3-year-old Philippine eagle na na-rescue sa Mt. Apo

Pero nag-iba na aniya ang ganitong pananaw sa kasalukuyang panahon.
"Now that women have more access to their own resources, they’ve become pickier with their partners' looks."
Sa kabuuan, ikinukumpara ng lipunan ang pagiging hindi matangkad ng isang babae sa femininity. Meaning, mas kulang sa height, mas girly.
Ito r awang dahilan kung bakit mas prefer ng mga babae ang matangkad na lalaki
Binanggit din niya na ang same-sex couples na may "feminine" and "masculine" dynamic sa kanilang relasyon ay may tendency rin na magkaroon ng height or size differences.
Iniugnay aniya ng lipunan ang femininity sa pagiging maliit, mahina, at hindi matangkad.
Sa kabilang banda, iniugnay naman ng lipunan ang masculinity sa lakas, kapangyarihan at kontrol.
Pasubali ni Avigail, “But this is gender, not sex.”
Read: Oldest goldfish in recorded history, naging silver ang kaliskis after 43 years
PAGIGING MATANGKAD SIMBOLO NG POWER
Para naman kay Nicole Moore, isang certified life coach at namamahala sa Love Works consulting service sa Beverly Hills, California, karamihan sa kanyang mga kliyenteng babae ay iniuugnay ang height sa lakas at proteksiyon.
Matangkad man o maliit ang kliyente niyang babae, mas gusto umano ng mga ito na maramdamang kaya silang protektahan physically ng kanilang partner kung hinihingi ng pagkakataon.
Read: Candy Crush Saga-inspired dress may 5-digit price tag; isa rin itong bean bag na mauupuan

Ayon kay Nicole, marami rin sa kanyang kliyenteng babae ang kumbinsido na ang hindi katangkaran at payat na lalaki ay hindi kayang ipagtanggol ang partner.
Ito aniya ang dahilan kaya mas malalaking lalaki ang pinili ng mga ito.
"We’ve been sold the idea that taller men are more powerful, and the taller they are, the more power they hold."
Isa pa aniya sa mga rason ng mga babae kung bakit mas gusto ng mga ito ng malaking lalaki, kahit tumaba ang babae ay mas maliit pa rin itong tingnan kapag ang partner ay matangkad na lalaki.
Paliwanag niya sa ganitong mindset ng kababaihan, bahagi ito ng sinaunang kulturang isinaksak sa ating isipan ng mga ninuno na ang babae ay dapat na mas maliit kaysa sa kanyang male partner.
Read: Believe it or not, may tindahan na matatagpuan sa gitna ng mataas na rock wall sa China
MATANGKAD NA BABAE GUSTO RIN NG MAS MATANGKAD NA PARTNER
May mga kliyente rin si Nicole na matatangkad na babae na ang gustong partner ay mas matangkad sa kanila.
Kadalasan sa mga ito, nasanay sila na laging pinakamatangkad sa pamilya.
Isang five feet, ten inches niyang female client ang nagkaroon ng partner na six feet, five inches ang height.
“And she is incredibly happy with his height."
Read: Airport employee, dalawang beses nagsauli ng napulot na pera, iba pang items
Ang paliwanag naman niya kung bakit mas gusto ng matatangkad na lalaki ang short women, dahil pa rin aniya ito sa "cultural programming" na nagkukumbinsi sa kababaihan—maliit man o malaki—na kailangang mas matangkad sa kanila ang lalaki para magkaroon sila ng dagdag na proteksiyon at kapangyarihan.
Aniya, ang height difference ay nakakalikha ng power dynamic sa isang relationship. May couples kasi na mas gustong ang dynamic nila ay nakikita ng lipunan na mas mahina ang babae kumpara sa lalaki.
"On the flip side, some very tall men may enjoy a dynamic where they are ‘dominated’ or ruled by a short, but feisty, and outspoken woman."
Bagaman at ang height preferences sa pagpili ng partner ay "very personal thing," nagbabala si Nicole na dapat isaalang-alang ng modern-day daters kung saan nanggagaling ang kanilang preferences, at suriin kung nag-ugat ba ito sa "insecurities" o "outdated societal ideas."
Read: 7 Persian cats na nagmana ng PHP16M, ang daming gustong umampon
MAGING OPEN-MINDED SA PAGHAHANAP NG KARELASYON
Ang diskusyon sa height preferences sa relasyon ay maaaring humantong sa insecurity o pangamba sa mga taong hindi mahilig sa traditional stereotypes.
Ito naman ang paliwanag ni Jessica Alderson, isang London-based relationship coach at co-founder/CEO ng So Syncd, isang dating app.
Ang magandang balita, ayon kay Jessica, ay marami namang factors—at hindi dahil sa height lang—kung bakit naaakit ang isang tao sa opposite sex, at lahat tayo ay may unique preferences.
“There are a lot of people out there who are attracted to short men and tall women. For others, height doesn't factor into the equation at all."
Read: Heart Charm Necklace ni Barbie, dalawang beses nang sold-out
Ani Jessica, nakatutulong ang “dating market” para ang mga taong naghahanap ng partner ay magkaroon ng open mind at ng mas maraming options.
Payo niya, sa halip na mag-fokus sa physical attributes ng potential romantic partner, dapat na magbatay rin sa personalidad, prinsipyo, at pag-uugali.
"You might be surprised to find that someone you weren't initially attracted to could actually be your perfect match."
Hindi aniya ito nangangahulugan na ikokompromiso na ng isang tao ang kanyang core values, pero dapat isipin na ang paghahanap ng potential matches, kahit hindi ang talagang gusto o prefer ang makita, ay maaari rin namang magkaroon ng positibong resulta.
Read: VIRAL: Nagreklamong customer dahil sa presyo ng noodles vs nang-insultong vendor
LALAKING MALIIT PERO MATAAS ANG KUMPIYANSA SA SARILI
Iniluklok ng lipunan at ng media ang pagiging matangkad sa isang pedestal pagdating sa mga kalalakihan. Ito naman ang obserbasyon ni Amber Kelleher-Andrews, CEO ng matchmaking service na Kelleher International.
Makikita aniya ito sa mga pelikula na ang bidang lalaki ay laging matangkad at guwapo.
Pero sinabi ni Amber na kahit mas prefer ng mga babae ang matangkad na lalaki, hindi apektado rito ang mga lalaking mataas ang kumpiyansa sa sarili.
Read: Meet Jayne Burns, 101 years old and still working; mahilig siya sa make-up at shopping

Ani Amber, karamihan sa kanyang lalaking kliyente ay walang height preference.
"They are completely comfortable with the female partner being any height, including much taller."
Naobserbahan umano niya na ang lalaking malaki ang tiwala sa saril, kahit kulang sa height, ay hindi iniisip na prerequisite sa pag-ibig ang height.
Gayunpaman, inamin ni Amber na walo sa 10 niyang male clients ang nagsabing mas bet din ng mga ito ang maliit na babae.
Paniwala niya, generally ay may pakiramdam ang isang lalaki na mas masculine ito kung mas malaki siya kaysa sa partner na babae.
Read: Model nakipag-date "completely naked"; suot niya ay body paint
WALA DAPAT CHECKLIST SA PAGHAHANAP NG KARELASYON
Paalala naman ni Laura Wasser, isang Los Angeles-based divorce attorney, "I've seen relationships that started with a checklist and ended in my office because, in the long run, compatibility runs deeper than physical attributes."
Aniya, ang pattern na kung sino ang dapat mas matangkad o maliit sa relasyon ay hindi dapat mag-define sa preferences nating lahat.
Sinabi rin niyang maraming matatangkad na babae na ang partner ay maliliit na lalaki pero successful ang relasyon.
Ayon kay Laura, ang pag-ibig ay hindi dapat na nakakahon—at hindi dapat maging batayan lagi ang estado sa buhay, anyo, at sukat ng tao para gustuhin ito.
In short, sa maraming pagkakataon, dapat ang puso ang nasusunod.
