Uso na ngayon ang i-date ang sarili—o ang solo dating.
Tinatawag din itong “masterdating.”
Maraming single ang nagpo-post ng kanilang pakikipag-date sa sarili sa social media.
Ang hashtag na #MasterDating ay madalas mag-trending sa TikTok.
Read: Message in a bottle na ipinaanod sa dagat, natagpuan after 4 years

Ayon sa article na na-publish last August 24, 2023 sa NDTV, isang news website sa India, ang solo dating o masterdating ay isang empowering journey tungo sa self-discovery.
Dito matututunan ng isang indibidwal na mahalin ang sarili at magkaroon ng malayang pamumuhay.
Natutuklasan din niya ang kagandahan ng pag-iisa—at maging ng kalungkutan.
Read: Meet Dalbong, the first world winner dog from the Philippines
PROCESS AND PRACTICES: MASTERDATING
Ang mga nagpa-practice ng masterdating ay mag-isang kumakain sa restaurant, pumupunta sa bar, at bumibiyahe sa beach at iba pang pasyalan.
Read: TypeKita: bagong app para sa mga type maging writers
Ayon pa sa relationship expert na si Melissa Stone sa isang panayam ng Glamour, isang magazine sa UK, maging galante sa sarili.
Bumili ng mamahaling regalo para sa sarili, at bumibiyahe sa mga lugar na nais marating.

At nagagawa ito nang walang hassle dahil walang ka-partner na kelangang isaalang-alang ang schedule o availability.
Wala ring makikialam anuman ang gustong bilhin, inumin, kainin o puntahang lugar.

Isa rin itong paraan para ma-establish ang healthy sense of self-sufficiency bago pumasok sa isang seryosong relasyon sakaling magdesisyon na panahon na para magmahal ng iba bukod sa sarili.
Read: Sundalo nailigtas ng mga barya sa tama ng bala
Paliwanag ni Melissa, "It is a term used to refer to the practice of spending quality time alone, engaging in self-care, and enjoying one's own company.
"It might involve intentionally taking yourself out on dates, doing activities you enjoy, exploring new places, or simply dedicating time to self-reflection and personal growth."
Suggestion naman ni Amy Nobile, isang coach sa pakikipag-date, "Send yourself flowers in the morning, send yourself a sweet note saying, 'I can't wait to see you tonight,' schedule a fancy mode of transportation to get yourself to the date—make it a full day of love.
“When you’re loving yourself, you become a magnet that attracts love from others.”
Read: Namatay na magkasintahan, ikinasal sa araw ng kanilang libing
BRIEF HISTORY: MASTERDATING
Hindi na bago ang term na "masterdating."
Noong 2010, binigyang-kahulugan ito ng Urban Dictionary as: “When a person [typically a guy] goes out to see a movie, or visits a theme park, or place otherwise mostly occupied by couples or friends, but does this alone.
“This can cause sympathy from other people that watch them as they purchase tickets or enter the area.
“This is different from when a person grabs a cup of coffee or sits in a coffee shop alone for a few minutes, or rents a movie, or eats fast food.”
Read: Tagapagmana mas pinili ang pag-ibig kaysa milyones

“CARDINAL RULE” OF MASTERDATING
Sa ngayon, lalaki’t babae man ay enjoy sa masterdating.
Ang serial self-suitor na si Valerie Chapman, isang residente ng Manhattan, ay nai-date na ang kanyang sarili nang mahigit 100 beses.
Sinimulan niya ang ito noong 15 years old pa lang siya. Twenty-three na siya ngayon.
Sa isang TikTok testimonial, sinabi niyang ang pagde-date nang solo ay highest form of meditation.

Read: Street sweeper na naka-makeup habang nagtatrabaho, naokray; kumikita ng PHP80K a month sa TikTok
Pero paalala ni Valerie, may cardinal rule ang masterdating—bawal ang smartphone.
Kung ayaw nating ang ka-date ay laging nakatingin sa phone, huwag din natin itong gawin sa sarili.
Ituon ang oras sa ibang paraan ng paglilibang sa halip na laging nakatutok ang mga mata sa mga ganap sa social media.
Magdala ng libro at magbasa o mag-journal about your masterdating journey.
At kung gusto mo naman na may companion, puwedeng isama sa date ang iyong favorite pet.
Read: Bakit maliit ang pagkalalaki ng ancient Greek statues?
