Pambihirang birthday gift ang natanggap ng isang batang babae matapos makakita ng isang one-of-a-kind diamond sa isang public park sa Arkansas, U.S.A.
Sa mismong 7th birthday ni Aspen Brown noong September 1, 2023, nakapulot siya ng 2.95-carat golden brown diamond sa Crater of Diamonds State Park sa Murfreesboro, Arkansas.
Kasama niyang namasyal doon ang kanyang tatay at lola para ipagdiwang ang kanyang kaarawan sa park—na isang 37.5-acre field na volcanic crater na bukas sa publiko.
Sa parke, maaaring maghanap ng mga diamante ang mga namamasyal.
Ang diamond na nakita ng batang si Aspen ay “the second-largest registered by a park guest this year, topped only by a 3.29-carat brown diamond discovered in March,” ayon sa statement ng park.
“[Aspen] Brown picked up a gem about the size of a green pea from a pathway along the northeast side of the search area."
Kinumpirma ng park officials na tunay na diamond ang napulot ni Aspen.
Read:
- VIRAL: OFW touring Turkiye nagpa-picture nang todo, di namalayang may tissue sa noo
- Student who went viral for asking UP to "reconsider me" graduates magna cum laude
- Pinay public school teacher chosen to teach Tagalog in prestigious Harvard University
“Aspen’s diamond has a golden-brown color and a sparkling luster,” sabi ni Waymon Cox, assistant park superintendent.
“It is a complete crystal, with no broken facets and a small crevice on one side, created when the diamond was formed. It’s certainly one of the most beautiful diamonds I’ve seen in recent years.”
Tinatayang may 75,000 diamonds nang natatagpuan sa site mula nang buksan ito sa publiko noong ‘70s.
Araw-araw ay may isa o dalawang diamond na nakikita ang mga visitor, ayon sa press release.
Karaniwang kasing-laki ng butil ng bigas ang mga nakikitang diamonds dito.
Ito ang panghatak ng Crater of Diamonds State Park dahil maaaring maghanap ng diamante, pati na rin amethysts at garnets, ang mga visitors.
Ang state park ay may polisiyang “finders, keepers” at puwede ring pangalanan ng mga nakahanap ang natagpuan nilang diamante.
Ipinangalan ni Aspen sa kanya ang nakitang diamond, na ngayon ay tinatawag nang Aspen’s Diamond.
Ang napulot niyang diamond nagkakahalaga ng PHP392,473.62 hanggang PHP3,763,385.93.
