Isang pagkilala ang isinulat ng publisher na si Maria Karina A. Bolasco para sa kanyang dating employer na si Socorro Cancio Ramos, na nagdiwang ng kanyang ika-100 kaarawan ngayong September.
Si Socorro ang matriarch ng National Book Store, na masasabing pinakatanyag na book store sa Pilipinas.
Pinalago niya ito kasama ang mister na si Jose Ramos.
Sa artikulong inilathala sa Esquire, inilahad ni Karina ang humble beginnings ng simpleng tindahan na ngayon ay mayroon nang daan-daang branches, at naging go-to store para sa mga novels, books, reading materials, at school supplies.
Read: Nanay Coring Turns 100: A Tribute to the Woman Who Built National Book Store
Halos 36 years nagtrabaho si Karina sa National Book Store.
Naging empleyado siya noong 23 anyos, taong 1979; nag-resign noong siya ay 60 anyos, taong 2016.
Si Karina ang kasalukuyang direktor ng Ateneo De Manila University Press.
THEY CALL HER NANAY
Paano nga ba lumaki ang negosyong sinimulan ni Socorro, a.k.a. Coring, na umabot lamang ng high school?
Ang tawag ni Karen sa dati niyang boss ay "fairy godmother," habang karamihan sa mga empleyado ay tinatawag si Coring bilang "Nanay."
Kapag may pulong kasama ang mga publishers, pinagsisilbihan sila ni Nanay Coring ng pagkain, at hatid-sundo sa kani-kanilang mga tinutuluyan.
Dahil dito, hindi raw makatanggi ang publishers noon kapag humihiling ang National Book Store ng malaking discount, lalo na kapag bibili ang kumpanya ng bulto ng bestsellers.
Bukod sa maayos sa sarili, may natural na karisma si Nanay Coring, na minsan pa nga raw ay napapasabak sa drama.
Kuwento ni Karina, “Also, her sob story, which has been true ever since, always worked: that the Philippines as a poor country has a low average purchasing power.”
Madalas daw ipadala ni Nanay Coring si Karina sa mga importanteng meetings.
Ito raw ang madalas na linya ng lady boss, “Alam mo naman, tindera lang ako, wala akong alam diyan."

ENTREPRENEUR AT A YOUNG AGE
Pagtitinda ang expertise ni Nanay Coring, na ang una niyang ibinenta at the age of 12 ay sigarilyo.
Nang mangyari ang World War II, nagtinda ang kanyang itinayong bookstore ng mga candy, sabon, at mga tsinelas, na gustong-gusto ng mga sundalong Hapon.
Nang matapos ang digmaan, tiniyak niyang may school supplies ang kanyang bookstore para sa pagbabalik-eskuwela ng mga bata.
Nag-venture rin siya sa pagbebenta ng mga postcards gamit ang mga kuhang larawan ng kanyang anak na si Fred, at kalaunan ay mula sa mga kuha ng isang kilalang German photographer.
Gumawa rin si Nanay Coring ng greeting cards, at kalaunan, ay naging franchisee ng Hallmark line.
Ang bookstore ang pinupuntahan noon ng mga taong naghahanap ng postcards at greeting cards pag special occasions.
Katulong ang kanyang kusinerang si Delia, namimili sila ng mga design na sa tingin nila ay bibilhin ng mga customers.
“No need for a product development expert,” ani Karina.
Sa panahon ng panunungkulan ni Ferdinand E. Marcos, nagsimulang mag-reprint ng foreign books ang National Book Store at magbayad ng royalty sa publishers.
Lumago ang bookstore sa buying at selling ng imported books.
Pagsapit ng ‘90s, nagsimula itong mag-publish ng mga local books sa pamamagitan ng Anvil, ang publishing arm ng National Book Store.
Si Karina ang nagsilbing direktor ng publishing firm.
Sabi niya, “National grew to become the largest bookstore chain with 250 outlets (at its peak).”
TIME OF CHANGE
Very hands-on si Nanay Coring sa pamamahala sa mga store managers.
“She made them keep a checklist they had to tick and go by every year: stores have to be well-lighted places all the time, no fail. Before rainy season, all walls and ceilings had to be checked for leaks, and so on,” lahad ni Karen.
Panandalian umanong nadiskaril si Nanay Coring nung naging computerized ang lahat.
“And she was often heard to say, ‘Sibakin na nga iyang mga computers na iyan,’ especially in its early years when it churned out reports more inaccurate than those manually prepared."
Sa matagal na panahong pagtatrabaho ni Karina sa National Book Store ay hindi raw niya nakitang nagkasakit si Nanay Coring.
“She never took a vacation. She was a strong woman, but her mind might have preferred to go where she can be childlike again, and not work or even think of it, even if in her earlier life she enjoyed it without a speck of a doubt.”
Wala raw mintis si Karina na bisitahin at batiin si Nanay Coring sa tuwing kaarawan niya.
Subalit nang magpaalam siya sa kumpanya noong 2016, hindi raw niya nakausap nang personal si Nanay Coring.
Sa kabila nito, nagawa pa rin niyang mabati ang dating boss sa sumunod pa niyang dalawang birthday sa pamamagitan ng phone ng nurse ni Nanay Coring.
Pero isang araw ay hindi na niya makontak ito.
Bagamat hindi niya personal na mabati si Nanay Coring sa kanyang ika-100 birthday, gusto pa ring ipahayag ni Karina ang taos-pusong pasasalamat niya.
“I hope in spirit and energy, I am able to express my profoundest gratitude to the woman who started me on my lifelong career, pushed me to see what I could be capable of by assigning me tasks I didn’t know how to carry out in the first place, and by her practice that taught me the importance of openness and caring.”
Pagtatapos ni Karina, “I think of her today triumphant and glorious, her legacy formidable, that it will not be eroded by frail cracks.
“HAPPY BIRTHDAY, NANAY CORING!”
Original article from Esquire.