PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Moonwalk Hat Sells for Over PHP4M

He wore it the first time he performed ‘Billy Jean’ onstage
by KC Cordero
Published Sep 28, 2023
Michael Jackson and the hat
Ang black fedora ay ginamit ni Michael Jackson bago nag-perform ng kanyang signature moonwalk dance sa kantang “Billie Jean” sa kauna-unahang pagkakataon sa isang televised Motown concert noong March 25, 1983.

Nabenta ang sombrero ni Michael Jackson sa halagang US$82,170 (PHP4,679,704.75) sa ginanap na auction sa Hotel Drouot, Paris, last September 26, 2023.

Yari ito sa wool na may silk lining.

Ang black fedora ay ginamit ni Michael bago siya nag-perform ng kanyang signature moonwalk dance nang kantahin niya ang “Billie Jean” sa kauna-unahang pagkakataon sa isang televised Motown concert noong March 25, 1983.

Kasagsagan din noon ng kanyang kasikatan.

Inihagis niya ang sombrero, na nasalo ni Adam Kelly, isa sa mga nakapanood ng naturang concert.

Read: White lion, perfect ang baby bangs; nagpa-rebond ba?

Michael Jackson dancing

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Groom binugbog ng pamilya ng bride nang matuklasang panot pala

Ang naging presyo ng sombrero ay tumugma sa inaasahang magiging benta nito na nasa pagitan ng US$64,000 hanggang US$107,000.

Bagaman at ang black fedora ang pinakatampok sa mahigit 200 items rock memorabilia mula sa iba’t ibang sikat na singer sa mundo, inamin ng auction organizer na si Arthur Perault ng Artpeges gallery na sa kasalukuyan ay bumaba ang presyo ng mga Michael Jackson items.

Ani Perault, sanhi ito ng paglaganap ng mga fake Michael Jackson memorabilia, at ng mga naging akusasyon noon sa pumanaw na King of Pop.

Read: Get a glimpse of Michael Jackson's Los Angeles mansion

Sumakabilang buhay si Michael noong June 25, 2009 sa edad na 50.

Naakusahan siya ng child abuse, na kanyang itinanggi hanggang sa huli.

Ayon pa kay Perault, nang pulutin ni Adam ang sombrero ni Michael, inakala ng lalaki na babawiin ito ng staff ng King of Pop.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “But they didn't."

Read: Maleesha Kharwa: From “slum princess” to Internet sensation and popular model

Michael Jackson's hat

Read: Bilanggo tumakas sa mismong araw ng kanyang paglaya

Iningatan ni Adam ang sombrero sa loob ng ilang taon bago niya ito ibinenta sa isang American collector.

Mula noon, nagpalipat-lipat na ang sombrero sa mga kamay ng iba’t ibang private collectors bago ang auction sa Paris.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ani Perault, umaasa siyang mananatili sa France ang sombrero.

“It is part of our heritage for all lovers of music and rock."

Si Michael ang first artist in music history na nagkaroon ng Top 10 singles sa limang magkakaibang dekada sa Billboard Hot 100.

Read: Lotto teller na nainip, bumili ng “ScratchIt” ticket, wagi ng PHP1M

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang black fedora ay ginamit ni Michael Jackson bago nag-perform ng kanyang signature moonwalk dance sa kantang “Billie Jean” sa kauna-unahang pagkakataon sa isang televised Motown concert noong March 25, 1983.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results