Consistent si Miss World 2013 Megan Young na hanggang ngayon ay may mga pangamba pa rin siya tungkol sa pagbubuntis.
Una niya itong nabanggit sa podcast nila ng mister na si Mikael Daez noon pang September 2022.
Pero hindi naman daw niya isinasara ang pinto para rito, at ok lang din daw sa kanilang mag-asawa kung hindi ito mangyari.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan, tinanong namin ang actress-beauty queen tungkol dito.
"I think the unknown is scary, di ba? Di pa naman nangyayari sa akin so there's always that fear.
"Pero whatever happens, it happens in my life. If it's there, it's there; and if it's not, tatanggapin ko."
Siyam na taong magkasintahan ang dalawa bago nagpakasal noong February 25, 2020.
Paglalarawan ni Megan sa kanilang married life, "Of course, may ups and downs kami ni Mikael, sa lahat ng couples mayroon talagang challenges.
"I think what make us strong is pinag-uusapan talaga namin. Whether mahirap pag-usapan ang mga bagay, problems namin as a couple, as individuals.
"Kailangan talaga ng honesty, tranparency, loyalty, of course.
"I'm just happy I found a partner that brings out the best in me, and hopefully I bring out the best in him also."
Nakapanayam ng PEP.ph si Megan sa 15th anniversary ng LifeStrong Marketing Innovation, na ginanap sa Luxent Hotel sa Quezon City noong September 16, 2023.
Read: Are Megan Young and Mikael Daez ready to become family of three?
ON SUCCESS OF ROYAL BLOOD
Gumanap din bilang mag-asawa sina Megan at Mikael sa kakatapos na GMA prime-time series na Royal Blood.
Labis ang pasasalamat ni Megan na tumutok sa serye ang Kapuso viewers hanggang sa finale.
"I'm very thankful for the reception of Royal Blood, di ko akalain kasi it's been a couple of years nung nagteleserye ako.
"End of 2019 pa since I last acted. Nakakatakot nung una talaga dahil matagal na akong di umaarte on TV.
"I was very scared talaga that I will not do well, siyempre may anxiety na kasama.
"But thankfully, [my character] Diana Rosales resonated with the viewers kahit na ganun ang mga ugali namin dun sa show."
Lumabas sa ending ng programa na kasabwat si Diana sa pagpaslang kay Gustavo Rosales, na ginampanan ni Tirso Cruz III.
Pero off cam, ikinuwento ni Megan na lahat sila sa cast—kabilang sina Dingdong Dantes, Rhian Ramos, Lianne Valentin, Rabiya Mateo, at Dion Ignacio—ay makukulit.
Patuloy ni Megan, "Lahat kami nag-jive, lahat kami magkakaibigan. I can say that with so much honesty.
"I'm glad I got to work with this group 'cause I met the people, the real people behind the actors, the artistas that you see. I got to see who they really are."
Read: Mikael Daez "excited" about 50 days of being away from wife Megan Young
ON GETTING FIT
Dahil din sa Royal Blood kaya na-inspire si Megan na mas alagaan ang sarili.
Aminado siyang hindi sa lahat ng pagkakataon ay nasa tip-top shape siya kaya mas nagiging conscious daw siya sa pagkain ng healthy food at pag-workout.
"I'm on my 30s na, kailangan ko ng alagaan ang health ko para kahit mag-taping kami ng long hours, I'm still able to do my job well.
"I exercise regularly. I'm more healthy now kasi mas inaalagaan na namin ang health namin.
"Ito yung mga bagay na pag bata ka, pag nag-i-start ka pa lang sa industriya parang 'kaya pa ng katawan ko.' Ngayon hindi na. Kailangan talaga alaga."