PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lotto bettor na tumaya habang may bagyo, PHP35M ang panalo!

Best decision na kanyang ginawa.
by KC Cordero
Published Oct 3, 2023
The winner
Ang lucky winner (L) na di alintana ang bagyo, makataya lang sa lotto. Si PCSO General Manager Melquiades Robles ang nag-abot ng kanyang tseke. (Photo courtesy of PCSO)

Kapag gustong manalo sa lotto, kailangang tumaya kahit may bagyo.

Mukhang ito ang napatunayan ng isang lotto bettor mula sa Lanao Del Sur.

Tinamaan niya ang jackpot prize na PHP35.5 milyon mula sa MegaLotto 6/45 para sa June 26, 2023 draw.

Ang kanyang winning combination ay 26-40-06-12-44-14.

Read: Lotto winner noong 2014, makukuha na sa wakas ang premyong PHP12M

Ayon sa news bulletin na naka-post sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) dated September 8, na-claim na ng winner ang premyo nito noong July 12 sa main office ng ahensiya sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City.

Si PCSO General Manager Melquiades Robles mismo ang nag-abot ng tseke sa winner.

Read: 13-year-old Doodle Boy Joe Whale bags "huge deal" with Nike

The winner

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Ang katotohanan sa likod ng viral video ng "pastor" na kayang laruin at amuin ang mga lion

Kuwento ng lalaki, noong araw na tumama siya sa lotto ay tinatamad sana siyang tumaya dahil masama ang panahon.

Kuwento niya sa panayam ng PCSO, “Nagdalawang-isip na akong tumaya kasi malakas ang ulan nang gabing iyon.

“Pero sabi ni misis, sasamahan na lang daw niya ako.”

Hindi na kasi 100 percent ang kanyang health.

Masayang-masaya siya sa desisyon niyang tayaan pa rin ang alagang kumbinasyon, na naging susi para siya ay maging instant millionaire.

Read: Milk tea nag-viral dahil sa kakaibang plastic bag

The ticket

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Sombrero ni Michael Jackson sa moonwalk dance nabenta for more than PHP4M

Pagbabahagi pa niya, hindi ito ang unang pagkakataon na nabiyayaan siya ng PCSO.

Noong 2016 ay nakatanggap siya ng PHP50,000 na tulong pinansiyal mula sa medical assistance program ng ahensiya.

Naospital kasi siya sanhi ng minor stroke.

Read: White lion, perfect ang baby bangs; nagpa-rebond ba?

Aniya, mula noon, “Mas lalo akong naengganyo na maglaro ng lotto dahil napatunayan ko na sa bawat taya ko, may makabuluhang napupuntahan ito at lubos akong nagpapasalamat.”

Wala siyang binanggit kung ano ang plano sa kanyang napanalunan, at pansamantala muna niyang ilalagak ito sa bangko.

Read: Groom binugbog ng pamilya ng bride nang matuklasang panot pala

Samantala, ginagarantiyahan ng PCSO ang kaligtasan at seguridad ng lahat ng winners sa lotto sa pamamagitan ng pagpapanatiling confidential ng personal information ng mga ito.

Alinsunod sa Republic Act No. 1169, ang lotto winners ay may palugit na isang taon mula sa araw ng bola para makuha ang kanilang premyo sa main office ng PCSO na nasa Sun Plaza Building, Shaw Boulevard, Mandaluyong City.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Makalipas ang itinakdang panahon, kung hindi na-claim ang premyo, mapo-forfeit ito at magiging bahagi ng PCSO Charity Fund.

Ang mga premyo na lalampas sa PH10,000 ay kakaltasan ng 20 percent final tax alinsunod sa Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Read: Maleesha Kharwa: From “slum princess” to Internet sensation and popular model

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang lucky winner (L) na di alintana ang bagyo, makataya lang sa lotto. Si PCSO General Manager Melquiades Robles ang nag-abot ng kanyang tseke. (Photo courtesy of PCSO)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results