Gustong magbigay ni Destinie Meadors ng Arkansas, USA ng tribute sa rodeo culture na masyadong sikat sa kanilang state.
Nagdesisyon siyang magpalagay ng cowboy-inspired tattoo sa kanyang leeg.
Iyon nga lang, mali ang nai-tattoo sa kanya.
Ibinahagi ni Destinie sa kanyang TikTok account ang nangyari nang magpunta siya sa isang tattoo studio.
Sinabi niya sa artist na ang design na gusto niya ay ang common cowboy greeting na “HOWDY.”
Read: Lumang takip ng manhole, naging artwork na collector’s item

Read: Lalaki manikin sa araw, magnanakaw sa gabi
Simple lang kung tutuusin.
Ang cowboy greeting ay ipinalagay niya sa ilalim ng kanyang kanang tainga.
Ang HOWDY ay isang paraan ng pagbati na patok kahit hindi sa mga cowboys.
At siyempre, marami ang may alam kung paano ito i-spell.
Sa kasamaang palad, hindi pala alam ng tattoo artist kung ano ang tamang spelling ng naturang phrase.
Sa halip na HOWDY, ang nai-tattoo ay HODWY.
Read: Joey Reyes first buyer ng iPhone 15; first buyer din ng iPhone 14 last year
Imagine, ang resulta ng artwork sa kanyang katawan ay dadalhin niya hanggang sa kanyang pagtanda.
Gayunpaman, pinagtawanan na lang niya ang nangyari.
Nasabi na lang niya sa kanyang TikTok post, “We got a good laugh.”

Read: Estudyante, na-starstruck sa nakitang dazzling white deer: “It was beautiful and so cute."
Ibinahagi rin niya sa social media ang larawan ng aniya ay “What I got” matapos ang palpak na trabaho sa kanya ng tattoo artist.
On a positive note, ani Destinie, at least tama ang ginamit na font.
Aniya, puwede siguro na magsimula siya ng kanyang sariling cowboy greeting gamit ang misspelled na tattoo sa kanyang leeg.
Read: Lalaki takot sa babae; 55 years nang hindi lumalabas ng bahay
Hindi rin napigilan ng mga nagkomento sa kanyang post ang maaliw sa nangyari kay Destinie.
Tanong ng isa, “No autocorrect?”
May nagbiro rin kung nagbigay raw ba si Destinie ng tip sa artist pagkatapos.
“Spellcheck please,” anang isa pa.
Read: Larawan ng upuan sa bus na tinubuan ng kabute, pinagpiyestahan
Paalala naman ng isang nagkomento, kapag magpapa-tattoo, tingnan munang mabuti sa salamin ang stencil para makasigurado na hindi nagkamali ang artist.
Dagdag pa nito, sa mga sitwasyong tulad nito na nagkamali ang artist, tinatakpan ang tattoo ng panibagong artwork at hindi na pinagbabayad ang customer.
Sarkastikong biro naman ng isang nagkomento, “Always make sure your artist has graduated at lease seventh grade.”
May nagsabi rin sa kanya na hayaan na lang ang maling spelling. “I think it’s better that way. At least it’s original.”
Nag-reply naman si Destinie sa mga nagkomento at sinabing huwag masyadong seryosohin ang nangyari.
Ibinahagi rin niya na inayos naman sa shop ang palpak na artwork sa kanyang leeg—nang libre.
