PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

150-year-old vintage maong pants sold for PHP5.6 million

Old pair of denim jeans dating back to 1873.
by Bernie V. Franco
Published Oct 25, 2023
vintage demin jeans
OLD BUT STILL GOLD. The front (left) and back of a pair of denim jeans that is believed to be 150 years old, and was worn by a miner in Nevada, U.S.A. It was bought by a Thailand-based online bidder for $100,000 or PHP5.68 million.
PHOTO/S: Liveauctioneers

Sira-sira, punit-punit, at marumi, pero naibenta ang lumang maong na pantalon sa halagang PHP5.6 milyon.

Paano kasi, ang lumang denim pants ay vintage at 150 years old na. Pinaniniwalaang ginamit ang pantalon noong 1873.

Ang nakabili nito sa isang subasta o auction ay isang Thailand-based online bidder sa halagang $100,000 (PHP5,680,000), ulat ng Artnet News.

Pero may makulay na kuwento ang lumang maong na pantalon.

Read:

Natagpuan ang vintage item na ito 20 years ago sa Nevada, U.S.A., na hotspot para sa vintage denim hunters dahil lugar ito ng mga inabandonang minahan, kung saan maong ang karaniwang isinusuot ng mga minero noon.

Hindi pa na-o-authenticate ang lumang denims ng Levi’s, ang kilalang denim brand.

Ang naturang vintage jeans ay may 34-inch waistline at 31 inches ang haba.

Gula-gulanit na ang ibabang bahagi ng kaliwang paa at halatang hindi ito ni-repair.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Meron din itong isang bulsa sa likod, ang istilo ng mga maong pants na ginamit bago sumapit ang 1900.

Noong nakaraang taon, may lumang pantalon ding napulot mula sa 1857 North Carolina shipwreck, at naisubasta ito sa halagang $114,000 (PHP6.4 million).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
OLD BUT STILL GOLD. The front (left) and back of a pair of denim jeans that is believed to be 150 years old, and was worn by a miner in Nevada, U.S.A. It was bought by a Thailand-based online bidder for $100,000 or PHP5.68 million.
PHOTO/S: Liveauctioneers
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results