Ang mga collection ni Marian Rivera, 39, na jewelry ay balak niyang ipamana sa unica hija na si Zia Dantes, 8, pag nasa hustong gulang na ito.
"Oo naman, lahat ng meron ako, para sa anak ko talaga," sabi ng Kapuso actress.
Naniniwala si Marian na good investment ang pagkakaroon ng alahas.
"Walang talo sa jewelry, e. Anything, kapag nandiyan iyan, inipon mo iyan. Kahit anong mangyari sa iyo, pwedeng maging pera ang jewelry. Alam nating lahat.
"At investment naman talaga ang jewelry."
Kaya ang kauna-unahang alahas na binili raw niya na mula na sa sarili niyang pera ay nang gawin niya noong 2007 Kapuso adaptation ng Mexican telenovela na Marimar.
"Hindi ko na natatandaan kung magkano, pero nasa bahay. Kasi maayos ako sa mga jewelry ko. May kanya-kanya talaga silang boxes. May label pa."
Depende raw sa okasyon ang isinusuot ni Marian na alahas.
Ayon pa kay Marian, "Minsan, may mga pagkakataon na hindi puwedeng simple lang. Depende sa pupuntahan mo.
"Pero, most of the time, mas pipiliin ko na simple lang. Classic and elegant."
Read: Marian Rivera reveals 'simple' birthday gift to Zia Dantes; proud her daughter is not maluho
MARIAN DESIGNS A JEWELRY SET FOR ZIA
Ang hilig ni Marian sa mga alahas ay nauwi sa pagiging kauna-unahan at nag-iisang celebrity endorser ng Tessera Jewelry.
Si Marian ang personal na nag-design ng bagong collection ng jewelry brand.
Isa sa mga idinisenyo ng aktres ay isang pendant flower na maisusuot ng panganay nila ni Dingdong Dantes.
"Very simple lang, as in .07 carats lang. Tapos parang heart-shaped lang at tulips yung parang design niya. For Zia nga ito, kasi, gandang-ganda talaga ako."
Matagal din daw ang inabot na proseso ng pag-uusap ni Marian at ng jewelry brand bago nabuo ang disenyo niya.
Mabusisi raw pati sa color at shape ng diamond stone na gagamitin.
"Nag-decide ako na yellow gold," nakangiting sabi ni Marian.
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marian sa presscon ng jewelry brand na ginanap sa Cerveseria sa BGC noong November 29, 2023.
Read: Marian Rivera on rekindled friendship with Heart Evangelista: "Mas masarap na wala kang iniiwasan."
