PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sugar earns from live selling

Aside from her business, may mga gigs pa siya!
by Julie E. Bonifacio
Published Dec 25, 2023
Sugar Mercado
Former Sexbomb Dancer Sugar Mercado on her flourishing small businesses: "Talagang naniniwala ako na kapag wala kang ginawang masama sa kapwa mo, ibi-bless ka niya. Kapag pinaghirapan mo talaga, lahat iyan magbubunga nang maganda."
PHOTO/S: Julie Bonifacio

Si Sugar Mercado ay isang busy businesswoman at hands-on mom kina Gabrielle Sophia, 10, at Olivia Isabelle, 8.

Kahit gaano siya kaabala, siya pa rin ang naghahanda ng almusal bago paumasok sa school ang dalawang anak sa dating mister na si Kristofer Jay Go.

"Nandoon yung negosyo sa may garahe ko," natatawang sabi ni Sugar sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong November 7, 2023.

Araw-araw siyang nagla-live selling sa social media ng skin-care products mula sa sarili niyang brand na Sugar White7.

"I’m so blessed kasi yung mga kapitbahay ko, kakatok sa bahay namin para bumili ng products ko," lahad niya.

Sabi pa niya, "Mayayaman yung kapitbahay ko. Same kami ng village ni Daniel," na ang tinutukoy ni Sugar ay ang Kapamilya actor na si Daniel Padilla.

Dagdag pa sa source of income ni Sugar ang pagkakaroon niya ng out-of-town shows.

May gig din siya sa Klownz Comedy Bar at ilang TV guesting.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, mas malaki pa ang kinikita niya ngayon.

Read: Sugar Mercado opens up about "mahirap na masarap" journey as single mom

SUGAR'S NEW BUSINESS

Isa pang dahilan kung bakit umaapaw ang saya ni Sugar ay ang pagpirma niya bilang isa sa bagong incorporators ng beauty business na Asia’s Lashes and Nail Lounge.

Ang ibang co-partners niya sa negosyo ay ang mga aktres na sina Dianne Medina at Jenny Miller.

Read:

Dianne Medina spills weight-loss secrets; vows to shed 17 pounds more

Jenny Miller traumatized after miscarriage; not blessed with a child

Sabi ni Sugar, "Never ko na-imagine mangyayari sa buhay ko ito. Kaya nagpapasalamat ako sa Panginoon.

"Siya talaga ang aking source of strength. Kasi kung ako lang, hindi ko ito magagawa.

"Talagang naniniwala ako na kapag wala kang ginawang masama sa kapwa mo, ibi-bless ka niya. Kapag pinaghirapan mo talaga, lahat iyan magbubunga nang maganda."

Para sa kanyang mga anak kaya nagsisikap nang husto si Sugar sa buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, "Ako po kasi, ang lagi kong iniiisip ay ang mga anak ko..."

Pero simula noong naging iregular ang income niya sa showbiz, nagdesisyon siyang subukan ang pagnenegosyo. At kasama na ito sa priorities niya ever since.

"Nakatutok talaga ako sa negosyo ko. Sabi ko nga po, e. Wala man akong regular show, I’m so blessed.

Puwede raw i-franchise ang kanilang beauty business.

"Yes, especially kapag yung mga nasa abroad and then they finally decided to put up a business here in the Philippines.

"We became a platform to be able to be their own boss and became an independent entrepreneur."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former Sexbomb Dancer Sugar Mercado on her flourishing small businesses: "Talagang naniniwala ako na kapag wala kang ginawang masama sa kapwa mo, ibi-bless ka niya. Kapag pinaghirapan mo talaga, lahat iyan magbubunga nang maganda."
PHOTO/S: Julie Bonifacio
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results