PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Meet Sonya Kumar, VIP nanny who earns up to PHP14 million a year

A VIP nanny can earn up to 200,000 pounds a year or up to PHP14M
by Bernie V. Franco
Published Jan 8, 2024
VIP Nanny Sonya Kumar
Bilang VIP nanny, kabilang sa kanyang mga naging clients ay A-list celebrities, mga negosyante, international footballers, sheiks, at diplomats.
PHOTO/S: YouTube (SWNS)

Curious ba kayo kung ano ang buhay ng isang nanny ng mga rich and famous?

Ang unang iisipin ay marangya rin ang magiging buhay nila, pero bagamat totoo ito, hindi rin madali ang trabaho.

Ganito ang paglalarawan ni Sonya Kumar, 28, isang VIP nanny mula Wimbledon, London, na nag-aalaga ng mga anak ng mga bilyonaryo.

Si Sonya ay inilarawang trusted nanny ng A-list celebrities, mga negosyante, international footballers, sheiks, at diplomats, ayon sa December 25, 2023 interview ng SWNS, isang British news agency.

Bukod sa pag-aalaga at pagtu-tutor (governess) ng mga supling ng mga mayayamang amo, siya rin ang nagsa-shopping para sa mga gamit ng employer at pamilya nito.

Kasama rin siya sa travels abroad.

Laging first class kung magbiyahe si Sonya, kumakain ng Michelin-star dishes habang nasa yacht, tumutuloy sa five-star hotels, tulad ng The Ritz.

Sabi ni Sonya sa interview, ang annual gross salary ng isang VIP nanny ay mula 80,000 to 200,000 pounds (PHP5.6 million to PHP14 million), depende kung gaano kalawak ang experience.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kanyang LinkedIn, inilarawan ni Sonya ang sarili bilang “CELTA (Certificate in English Language Teaching to Adults) qualified UHNW (Ultra High Net Worth).”

Bukod dito, isa rin siyang “VIP Nanny/Governess at Private Family + Holistic Sleep Trainer.”

Sa interview ng SWNS, ikinuwento ni Sonya ang takbo ng kanyang buhay.

Makikita sa video na punung-puno ang kanyang kama ng bags, sandals, shoes, shades, at belts mula sa Louis Vuitton, Ralph Lauren, Gucci, Dolce & Gabbana, Dior, at iba pang designer brands.

Read:

luxury brand bags

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Some of Sonya Kumar's branded items.

Aniya, 12 years na siyang VIP nanny, governess, at tutor.

Bilang nanny, naghahatid at sundo siya ng mga alaga sakay ng Lamborghini.

“The favorite part for me is just being able to be a child with the children, and have a really good time…

“Going to really some fancy places for dinner and just the perks that come with it, for example, the gifts that you can get for Christmas or on your birthdays, the getaways...

“The travelling is amazing. You travel five-star, private jets, amazing resorts, private islands. It’s just amazing,” kuwento ni Sonya.

PROs AND CONS

Ipinagkakatiwala rin daw ng mga amo sa kanya ang malaking halaga ng pera.

Sabi niya, “Sometimes the client will just hand me their bank card to pay for everything, and sometimes I'll have a private car and chauffer.”

Nagsimula raw siyang maging nanny sa edad na 17 anyos para kumita ng pera para sa kanyang pinapatakbong restaurant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil nagustuhan niya ang pagna-nanny, pumasok siya sa isang nanny agency at inayos ang kanyang child-care qualifications.

Malaking advantage para kay Sonya na bukod sa pagiging nanny ay isa rin siyang governess, kaya mas mataas ang kanyang market value.

Sa paghahanap ng kliyente, natulungan siya ng references mula sa personal assistants at house managers ng kanyang mga dating employers.

designer sandals and items

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Di nagtagal ay naging in-demand siya dahil alam niya kung paano i-market ang sarili.

Sa pagiging VIP nanny, kailangan din niyang pumirma ng non-disclosure agreement bago siya makapagtrabaho sa employer.

Pero ang malaking salary ay hindi para sa “faint-hearted” dahil ang kanyang trabaho ay may kaakibat na malaking pressure.

“Everything has to be perfect,” aniya. "The lifestyle and opportunities that come with the job are amazing, but you have to be on the top of your game all the time."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bilang VIP nanny, kabilang sa kanyang mga naging clients ay A-list celebrities, mga negosyante, international footballers, sheiks, at diplomats.
PHOTO/S: YouTube (SWNS)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results