Nakakapangilabot para sa mga collector ng Spider-Man comic book ang naging presyo ng pinakaunang kopya o original first print nito.
Marami sa kanila ang nanghinayang na hindi ito napasama sa kanilang collection.
Sa ulat ng The New York Post noong January 13, 2024, ang near-perfect copy ng The Amazing Spider-Man #1 ay nabenta ng mahigit US$1.38 million (PHP84 milyon) sa isang auction.
Ang bidding para sa unrestored copy ng self-titled series ng unang labas ng Marvel hero ay pinangasiwaan ng Dallas-based Heritage Auctions noong January 11.
Read: Online gamer from Pampanga buys Daniel Padilla’s Chevrolet Corvette Stingray for PHP6 million

Read: Shoe collector scammed by teenager who sold PHP1M worth of sneakers; will not get refund
Ang record-breaking sale ay bahagi ng malaking comic auction, kung saan nabenta rin ang 7.0-grade “Fine/Very Fine” copy ng Superman #1 sa halagang U$2.3 million o mahigit PHP148 million.
Ayon sa mga comics industry experts sa U.S., ang Spidey comic book na may 9.8 “Near Mint/Mint Condition” grade na ipinagkaloob ng Certified Guaranty Company—ang comics industry standard sa pagkilatis sa mga comics—ang dahilan kung bakit ito nakakuha ng seven-figure price tag.
Dalawa lang sa mga unang kopya ng The Amazing Spider-Man #1 ang nananatiling may ganito kataas na pagkilatis.
Sa iba namang titles, walang nakakuha ng ganito kataas na appraisal, ayon sa CGC.
Read: "Introvert" influencer posts about buying all cinema seats; draws mixed reactions
Sa panayam ng The Post kay CGC President Matt Nelson, “For a buyer in today’s market, to obtain a copy of this issue in a 9.8 could be a once-in-a-lifetime opportunity.
“This Spider-Man #1 represents literally the launching of his own title that has lasted for decades, so historically, this is a very important book in the Spider-Man universe.”
Dagdag pa niya, ang 9.6-graded copy ng katulad na issue ay nabenta lang ng mahigit US$520,000 noong isang taon.
Ang The Amazing Spider-Man #1 ay sinulat ni Stan Lee at iginuhit ni Steve Ditko.
Read: 13-year-old teenager pasok bilang Louis Vuitton intern dahil sa kanyang viral sketches

Ibinenta ito sa mga newsstands pitong buwan matapos ilunsad ang bidang si Peter Parker sa comic book na Amazing Fantasy #15 bilang the friendly neighborhood Spider-Man noong 1963.

Read: 4-year-old boy gifts little girl with gold bar worth PHP835K as "engagement gift"
Bilang stand-alone comic book, ang The Amazing Spider-Man #1 ay may cover price na US$0.12 (PHP6.70) nang ilabas noong 1963.
Ikinuwento rito ang origin ni Peter Parker, kung paano niya nakuha ang kanyang kapangyarihan, at kung paano pinatay ng isang magnanakaw ang kanyang Uncle Ben habang wala siya at nag-eensayo kung paano maglabas ng sapot o spider web.
Ipinakilala rin sa unang issue ang kontrabida na si Chameleon, na nakalaban niya sa Fantastic Four, at ang karakter ni J. Jonah Jameson, ang Daily Bugle publisher.
Ang first print ng The Amazing Spider-Man No. 1 ay itinuturing na “curator pedigree” book.
Bahagi kasi ito ng personal collection ng well-preserved comics na pag-aari ng isang museum curator na hindi na pinangalanan, ayon kay Heritage Auctions Vice President Barry Sandoval.
Read: Mickey Ears cosmetic procedure sa pets, gustong ipa-ban ng veterinarians
