Ipinagdiwang ngayong araw ni Gladys Reyes at Christopher Roxas ang ika-20 anibersaryo ng kanilang kasal at ika-18 kaarawan ng kanilang panganay na si Christophe Sommereux.
Dalawang dekada na silang kasal, pero halos 31 years nang magkarelasyon sina Gladys at Christopher.
Sa estado ng kanilang relasyon, sabi ni Gladys, “Mas lalo mong mari-realize na every moment counts. Life is unpredictable.”

(Gladys Reyes, son Christophe, and Christopher Roxas)
Nakausap ng invited press si Gladys sa ginanap na selebrasyon.
May isinagot din ang aktres nang tanungin kung may pagsisisi siya sa relasyon nila ni Christopher.
Aniya, “Sana mas maaga kaming nag-anak. Yun pa yung regrets namin kasi nakunan pa nga ako, di ba, honeymoon baby namin.”
Ang mag-asawa ay mayroong apat na anak.

(Gladys Reyes husband Christopher Roxas and their four kids)
Sa 31 years na pagsasama nila ni Christopher, sinabi ni Gladys na nangyari ang matinding away nila noong sila ay magkarelasyon pa lamang.
Isa at kalahating buwan silang naghiwalay subalit nagkabalikan din.
Hindi pa rin daw naaalis ang pagkakaroon ng inisan minsan.
“Simula nung mag-asawa, siyempre lalo nga kami nagkakabuwisitan.
“Pero ewan ko ba. Pagsapit ng gabi naiiba ang [mood],” may halong birong sabi ni Glady.
Sinabi ni Gladys na importante ang intimacy “to keep the fire burning.”
Kasalukuyang nag-aaral ngayon sa UP DIliman ang kanilang panganay na si Christophe at freshman ito sa kursong Hotel and Restaurant Management.
At sa kanyang 18th birthday, may "surprise" na nagpaiyak sa kanya: ABS-CBN executive Roxy Liquigan welcomed him as a Kapamilya, and promised, "We will make you a big star."
Masayang-masaya ang birthday boy, pati na rin ang kanyang mommy.
Samntala, ngayong taon ay balak ding bumalik sa pag-aaral sa college si Gladys at kumuha ng Mass Communication course.
Dumating din ang mga kaibigan ng dalawa kabilang na sina Vice Ganda, Vhong Navarro, Ruru Madrid, Bianca Umali, Angelu de Leon, Patricia Javier, Amy Austria at marami pang iba.
Narito ang ilang kuhang larawan sa family celebration nina Gladys at Christopher:

(Vice Ganda and Gladys Reyes)

(Ruru Madrid, Gladys, Bianca Umali, and Vice)

(Vhong Navarro and Amy Austria)

(Patricia Javier, her husband Dr. Rob Walcher together with Gladys)

(Front row: Gladys and Vice: Second row, L-R: Vhong, Ruru, Bianca, Angelu de Leon.)
