PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Feng Shui tips for wealth, career, health in Year of the Wood Dragon

Kelangang makipagbati sa mga kaaway at magbayad ng utang.
by Bong Godinez
Published Feb 9, 2024
Year of the Wood Dragon, Chinese New Year
Chinese New Year is being celebrated on Saturday, February 10, 2024. According to Chinese astrology, 2024 is the Year of the Wood Dragon.
PHOTO/S: Pexels

Magiging challenging ang Year of the Wood Dragon, na magsisimula sa February 10, 2024, sa pagdiriwang ng Lunar New Year.

Ito ay ayon sa feng shui expert na si Hanz Cua o mas kilala sa bansag na Master Hanz.

"Ang 2024 natin, [Year of the] Wood Dragon, will not be a good year. Hindi magandang taon ito," diretsong pahagay niya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng video call.

Master Hanz Cua

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi maganda ang taon na ito dahil yung wealth, money element natin, weak or missing.

"E, siyempre, one of our basis of a good year is pera."

Nilinaw naman ni Master Hanz na bukod sa aspetong pinansiyal, maraming ibang puwedeng gawing batayan para masabing maganda ang papasok na taon.

Aniya, "Kanya-kanya pa rin tayo. Subjective pa rin. May iba, gusto fame, gusto good health, gusto happy family, masayang love life. Okay na yun, kanya-kanya tayo."

CHARACTERISTICS OF THE Wood Dragon

Ayon sa Chinese zodiac, ang sign na Wood Dragon ay may karakter na matapang, ambisyoso, at masigasig.

Sa kabilang banda ay sinisimbolo rin nito ang pagiging agresibo, padalus-dalos, at ma-pride.

Read: How to attract good fortune in Year of the Wooden Dragon, according to Feng shui coach Johnson Chua

"Anger, misunderstanding, conflict, at mga lawsuit" — iyan ang mga bagay na dapat bantayan ng mga tao ngayong Year of the Wood Dragon, ayon kay Master Hanz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WHAT TO PREPARE FOR CHINESE NEW YEAR

Sa pagsalubong sa Year of the Wood Dragon sa February 10, 2024, ay nirerekomenda niya ang mga sumusunod:

1. Paglalagay sa tahanan ng labindalawang klase ng prutas.

2. "Mag-general cleaning bago pa dumating ang Chinese New Year."

Aniya pa, "Mag-declutter, ayusin ang sirang mga gamit at bagay katulad ng gripo at main door ng bahay.

"Palitan ang mga pundido at flickering lightbulbs, buksan lahat ng ilaw sa bahay."

3. Pahabol pa niya, "To cleanse yung bahay, para tanggal na malas, magsabit ng dragon na lucky charm."

Dragon lucky charm available on Shopee

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dragon Lucky charm available on Shopee.

4. Makatutulong din para makaakit ng positive energy ang pakikipag-ayos sa mga nakaalitan at nakatampuhan.

5. Eto para mawala ang bad vibes, "Bayaran na po ang utang."

HOW TO CELEBRATE CHINESE NEW YEAR

Bukod sa pagiging malinis, may mga bilin pa si Master Hanz sa mismong February 10.

1. "Gawing maliwanag, maingay, at masaya ang bahay."

2. Maging generous.

"Magbigay na angpao sa mga ina, anak, apo. The whole family needs to be happy."

LUCKY COLORS

1. "Palitan ng violet ang mga kurtina na siyang lucky color natin."

2. May payo siya sa mga may asawa at mga binata't dalaga pagdating sa bed.

"Ang mga punda, pagka married na, red na punda, bed sheet, bed cover. Pag single naman, pink naman.

FENG SHUI TIPS: wealth

Samantala, narito naman ang mga rekomendasyon ni Master Hanz para tulungan ang pagpasok ng suwerte sa buhay sa buong taon ng 2024.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil palaban ang characteristic ng Year of the Wood Dragon ay ganun din dapat ang mindset para gumanda ang kabuhayan ngayong taon.

"Maging aggressive din tayo. Mabilisan ang activity ni dragon. May isang opportunity, isang click puwedeng mawala na," paliwanag ni Master Hanz.

Huwag matakot na sunggaban ang mga opportunities na dumarating dahil maaaring ito ang maging susi para magkamit ng pera at suwerteng pinansiyal.

Ngunit babala ni Master Hanz, "Pero tatandaan natin na always have plan B. Mabilis mag-strike si dragon. Puwedeng pag bumuga siya, isang buga, tapos wala kang plan B, ubos. Kaya medyo risky."

Dapat daw na maging maingat ang mga nasa negosyo ng trading.

Kung ikaw naman ay nagbabalak pumasok sa trading business ay siguraduhing magdahan-dahan at mas maging mapanuri, lalo na kung walang previous experience sa industriya.

Pagdating sa propesyon ay malaki ang potensiyal ng mga trabaho o negosyo na may kinalaman sa artificial intelligence (AI), content creation katulad ng vlogging, cyber security, at pagkain.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayon daw ang tamang panahon para mag-renovate ng bahay, opisina at tindahan dahil sa pagpasok sa tinatawag sa feng shui na Period 9.

"It would be a new start, a new beginning. So, I would strongly recommend yung mga bahay natin, mga condo natin, mga tinitirahan natin, office natin, to renovate, to re-energize."

FENG SHUI TIPS: CAREER

Northeast ang direksiyon para matulungan maging matagumpay ang career.

Para sa mga nasa managerial position na o senior level na sa industriya, maiging pagtuunan ng pansin ang east direction.

Saad ni Master Hanz, "Sa negosyo, maglagay naman po sa north direction ng wealth inviting cat, money frog, money tree, prosperity buddha sa north left. Sa northeast naman, maganda maglagay ng General Kwan Kung [figurine]."


wealth inviting cat

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wealth inviting cat available on Shopee

Mainam din kung maglalagay ng victory horse o lucky bunny sa east direction, at wealth ship sa southwest direction.

"Sa southwest direction puwede maglagay ng money tree at citrine crystals."

Citrine Quartz Gemstone Money Tree

Citrine money tree available on Lazada

Advisable rin maglagay ng mga metal elements, medicine Buddha, at holy gold sa southeast direction ng tahanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

medicine buddha

Medicine buddha available on Lazada

Sa south direction ay puwedeng maglagay ng rhino at elephant figures bilang pangontra sa pagnanakaw at pagtataksil.

"Do not sleep with your head versus [the] southeast [direction]," payo ni Master Hanz.

FENG SHUI TIPS: GOOD HEALTH

Praktikal naman ang mga payo ni Master Hanz pagdating sa pangangalaga ng kalusugan ngayong Year of the Wood Dragon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa respiratory illnesses ay dapat din daw bantayan ang stomach o intestinal issues.

Malaking bagay pa rin ang pangangalaga sa mental health, lalo sa panahon ngayon na masyadong maraming distraction at pressure sa buhay.

"They worry too much about the past. Move on from the past and chill ka lang sa future and live in the present," suhestiyon ni Master Hanz.

"Socialize, exercise, matulog, and pray."

Sa huli ay pinaalalahanan ni Master Hanz ang publiko na gamitin lamang bilang gabay ang mga payo at rekomendasyon ng mga katulad niyang feng shui practitioners.

Base raw ang ibinabahagi nilang impormasyon sa natutunan at nalalaman nila sa larangan ng astrology.

"Walang warranty, walang guarantee," diin ni Master Hanz.

"Muli po, ito po yung mga gabay. Kayo pa rin ang gumagawa ng suwerte ninyo sa buhay."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Chinese New Year is being celebrated on Saturday, February 10, 2024. According to Chinese astrology, 2024 is the Year of the Wood Dragon.
PHOTO/S: Pexels
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results