PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Expert: Clean Your Tumbler Daily

Tubig sa tumbler hindi dapat abutin ng 24 oras.
by KC Cordero
Published Feb 22, 2024
Cleaning a tumbler
Ngayong lagi tayong may dalang tumbler para sa ating inumin, importanteng malaman ang tamang paglilinis dito.

Uso ngayon ang pagdadala ng reusable water bottle o tumbler.

Maganda ito dahil anumang oras na mauhaw, siguradong may tubig na pantighaw.

Environment friendly rin ito dahil hindi na kailangang bumili ng bottled water sa tindahan.

Photo of tumblers

Pero kahit malinis tingnan ang inyong tumbler, kailangang tanggalan ito ng laman na tubig at linisin araw-araw, ayon kay Dr. Sharon Nachman, chief ng pediatric infectious diseases sa Renaissance School of Medicine, Stony Brook University, New York.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tumblers on sale at Lazada

Paliwanag ni Dr. Nachman sa artikulong nalathala sa wellness website na select noong January 30, 2024, kailangang kalasin o paghiwa-hiwalayin ang mga bahagi ng tumbler at linisin araw-araw.

Hindi aniya dapat mag-store ng tubig sa tumbler nang mahigit sa 24 oras.

“Standing water is never good in a water bottle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“If water sits in a bottle for a long time at the right temperature, it can start to grow bacteria.”

Read: Gaano ba kadalas dapat paliguan ang inyong aso?

WATCH OUT FOR MICROBES

Bagaman at masasabing excessive ang paglilinis ng tumbler araw-araw, napipigilan nito kasi ang buildup ng microbes—mga sobrang maliit na organisms na nabubuhay sa iba’t ibang settings, kabilang ang katawan ng tao.

Washing a tumbler

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Karamihan sa microbes ay harmless, pero may ibang nagiging sanhi ng sakit, ayon sa National Library of Medicine ng America.

Halimbawa, ang bacteria na karaniwang uri ng microbe ay puwedeng maging dahilan para magkasakit ang isang tao.

Kapag ang isang tao ay kumain at hindi nagsepilyo, may naiiwang maliliit na particle ng pagkain sa bibig.

Nagreresulta ito sa pagkakaroon ng bacteria sa bibig na tinatawag na “flora.”

Ang flora ay mapupunta naman sa tumbler kapag uminom dito, at nagiging “substrate.”

Ang substrate ang pinagmumulan ng microbes.

Read: LIST: Countries with the highest and shortest average height

RIGHT WAY OF CLEANING TUMBLER

Ang tamang paglilinis ng tumbler ay katulad ng paraan kung paano tayo maglinis ng mga plato, kubyertos, tasa, at baso

Ayon kay Dr. Nachman, basain ng tubig ang tumbler at hugasan gamit ang mild liquid dish soap. Banlawan ding mabuti para mawala ang bula.

Ideal gamitin sa paglilinis ng tumbler ang mild dish soap dahil sa taglay nitong surfactants—isang active ingredient na nakakatulong sa water molecules para matanggal ang dumi at mantika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napupuksa rin nito ang microbes.

Read: Lalaki bitbit ang buong pamilya sa kasal; nag-cause ng "inconvenience"?

Disassembled tumbler

Read: HOT TOPIC: Lady walks out on date after knowing the guy lied about his age

Nahihirapan ding mabuhay ang mga organismo sa mga surface na nilinis gamit ang mild liquid dish soap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung walang mild liquid dish soap, puwedeng gumamit ng sabon.

Huwag namang gagamit ng sobrang lamig na tubig sa paglilinis ng tumbler dahil mas matagal nitong natutunaw ang sabon.

Bukod sa tubig at sabon, maaari ring gumamit ng distilled white vinegar o baking soda.

Read: Gen Z TikToker gets real about challenges of job hunting

Bagaman at ang distilled vinegar ay hindi ganoon kabisa bilang pamatay ng germs, nakakatanggal ito ng fatty particles.

Epektibo naman ang baking soda para matanggal ang amoy ng tumbler.

Bukod sa sponge, kailangan din ang ibang tools para masagad ang paglilinis ng tumbler.

May mga bahagi kasi nito, gaya ng lid, na hindi kayang linisin with sponge.

Gumamit ng straw cleaning brush para malinisan ang mga singit-singit.

Cleaning the tumbler

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung taxing para sa inyo ang araw-araw na paglilinis ng tumbler, puwede rin namang every other day, ayon kay Dr. Nachman.

Pero huwag nang hintayin ang telltale sign na pagbukas ninyo ng takip ay may amoy na ang loob ng inyong tumbler.

Read: 11-year-old kid tells dad who declines buying her iPhone 15 Pro Max: "You’re ruining my life!"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ngayong lagi tayong may dalang tumbler para sa ating inumin, importanteng malaman ang tamang paglilinis dito.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results